Chapter Seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumango si Hadeon kay Silas pero dere-deretso pa rin ito sa paglakad, kaya pati ako ay tangay-tangay niya. I know my twin just wants me out of this hell hole.

"Hades..." tawag ni Silas. Napahinto si kambal at tiningnan ang kaibigan. "Just for a sec?"

Hadeon pursed his lips. He glanced at me, checking if I was alright. I nodded to convince him that I'm fine. Tumango si Hadeon at binitiwan ang kamay ko. Tinapik niya sa braso si Silas bago naunang maglakad. 

Naiwan akong nakatayo. Hindi ko alam ang gagawin. Nanatili rin na nakatayo si Silas sa harap ko. Tinititigan niya ako at pakiramdam ko ay tumatagos iyon sa katawan ko. I couldn't handle his heavy stares. I looked away. Kahit na wala akong ginawang masama ay pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko.

"I didn't cheat." I mumbled. 

Maikli lang ang nakayanan kong sabihin dahil una, ano ang pwede kong sabihin? Pangalawa, natatakot ako na manginig ang boses ko at bigla akong maiyak.

I felt the heat of Silas hand as it wrapped around my wrist. He gently pulled me to him. Hindi pwede ang ganitong public display of affection sa school, lalo na at nasa harap kami ng discipline office. Pero hindi inintindi ni Silas iyon. At makakaya ba nila akong suwayin matapos ng pangyayaring ito?

My eyes closed when my face buried on Silas' chest. His warmth enveloped me whole. It soothed the heaviness of my heart and subtle sting inside my chest.

"I didn't cheat, Silas." I repeated, my voice slightly shook.

Gumapang ang braso ni Silas sa bewang ko at mas hinila ako palapit sa kanya. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa yakap o sadyang ganoon lang talaga ang epekto niya sa akin.

I bit my lip. My eyes were hot with unshed tears. Kapag dumilat ako ay alam kong malabo ang paningin ko. Umiling ako. Inangat ko ang ulo para tingnan si Silas. I was right. My sight was blurry.

"You know I didn't cheat, right?" I asked him again, my voice sounded fragile. 

Silas looked at me in the eyes, never looking away, not even blinking. His hand softly cupped my cheek. His thumb brushed the skin underneath my eye.

"I know, baby..." he whispered, I hardly heard the last word. 

I feel desperate. I wanted him to believe me. I wanted to make sure that he really does believe me. Hindi iyong sinasabi niya lang pero ang totoo hindi siya naniniwala.

I shook my head. I felt a single tear escape my eye. It rolled down my cheek. "I didn't cheat... I'll never cheat."

"I didn't cheat." nakahikbing inulit ko na parang may sariling utak ang aking bibig at kulang pa ang pag sang-ayon ni Silas sa mga una kong sinabi. 

Kumuyom ang panga ni Silas. Mariin na napapikit siya. Muling pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko at hinila ako papalapit. Niyakap niya ako nang mas mahigpit.

"You didn't." I felt him nod. "You won't. I won't let you."

When Hadeon returned, Silas walked us to the gates. Hindi pa siya pwedeng umuwi dahil hindi pa dismissal. Hindi ko nga natanong kung paano niya nagawang lumabas ng room samantalang exam pa nila. I'm sure he's finished, pero mahigpit ang pagpapalabas ng estudyante during exams. 

Naging maayos din ako nung gabing iyon. All because of the support of my family and Silas' comfort. My father wanted to sue Ms. Escuelta for what she did, but my mother convinced her otherwise. She said it'd leave a mark on me if we proceed with my father's plans. Sang-ayon naman ako roon. What's important to me is that the people I love knows the truth and that they believed in me. Mas lalo pa akong naging okay nang tumawag si Silas para muling itanong kung ayos na ba ako. 

Every Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon