NICO’s
Maaga ako gumising kasi kelangan ko pa umuwi sa condo ko dahil papasok pko…
Nagpaalam nko kay mac, josh at migs… sumakay ng elevator paakyat…
Oo, sa taas lang ng building na to ang unit ko. Hahaha.
Habang nagliligo ako… naisip kong asarin ulit si Victoria…
Agad agad akong nagpunas ng katawan at kinuha ang phone ko…
---------------------------------------------------
To: Victoria.
Good morning Honeyyy!
------------------------------------------------
Habang ngbibihis ako, tumunog na ung fone ko…
Bzzt bzzzt
-----------------------------------------------
From: Victoria.
HONEY MO MUKA MO!!!!! MUKA KANG PAA!
------------------------------------------------
Aba. Aba. Grabe to ah! Ako mukhang paa?! Gwapong paa ko naman. Sinusubukan nya talaga ako ah.
-------------------------------------------------
To: Victoria.
Gusto mo tlgang mging babae ha!!! Humanda ka.
--------------------------------------------
Nagbihis ako agad at bumaba na…
*********************
VIC’s
Ang aga aga nya talaga mambwisit. Grabe ha!!!! Ako pa talaga humanda!
Dub Dub Dub Dub Dub.
Ano ba naman tong dibdib koooooo! Ayoko na nito! Palitan ko kaya tong puso ko! Maharot masyado eh!!!
Nagdadrive nko papunta sa bahay ni chel para sunduin sya…
Nung kasama ko na sya at nakarating na kami sa tapat ng school…
Chel: Dito ka nalang mgpark. Puno sa loob eh.
Vic: Ah oo. Maaga naman uwi natin dba?
Chel: Oo.
*Pak pak pak pak*
Hinampas hampas ako ni chel.
Vic: ANOO BA YUN?!
Chel: Vicccccccc! Kukunin na ata ko ni San Pedro!!!!!!!!!!!! Tignan mo oh! Ang gwapoooooooo!
Tinuro nya yung lalaking nakasandal sa black na sports car na nakapark malapit sa gate ng school namin. Naka-jeans sya… shades… black leather jacket at plain white tshirt. Mejo mahaba yung buhok nya sa harap na may pagka-kulay brown.
Vic: tsss. Kukunin ni san pedro ka dyan!! bumaba ka na nga!
![The Chickboy. [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/1186047-64-k868355.jpg)