CHAPTER 4

1.9K 19 0
                                        


To: Migs
Nasaan kayo?

From: Migs
Pauwi na. Ikaw, nasaan ka?

To: Migs
Andito na sa bahay mo. Bilisan mo.

Habang naghihintay ako dito sa bahay ni Migs, nagbrowse browse muna ako sa cellphone ko. After siguro 15 or 20mins, dumating si Migs kasama si Josh.

"Saan kayo galing?" Tanong ko sakanila.

"Pare, di ka makakapaniwala kung saan." Sabi ni Josh at umupo sa tabi ko.

"Saan?" Tanong ko.

"Lumabas kami kasama si Vic. Yung tomboy? Remember?" Nakangiting sabi nya.

"Ano?! Bakit?! Paano?!!!" Tanong ko sakanya. Lumapit naman sakin si Migs habang tumatawa.

"Kalma lang. Kami na nag sorry para sayo." Sabi nya. Tumayo naman ako humarap sakanila.

"Bakit kailangan magsorry?! Hoy, di nyo ba naalala na muntik na ako mabog dahil sa ba- tao na yon?!" Galit na sabi ko.

"Ba? Babae? C'mon Nico. Alam naman nating ikaw talaga may kasalanan." Sabi ni Miguel sakin.

"Hindi ko kasalanan. Hindi ako ang nauna. Fine, may kasalanan ako pero hindi talaga ako ung nauna. Kung may kailangan mag sorry, sya dapat yun. Hindi ako!" Galit na sabi ko at kumuha ng beer sa ref nya.

Sumunod naman si Miguel at kumuha rin ng beer nila ni Josh.

"Ewan ko sayo. Nicolo, babae pa rin yun baka nakakalimutan mo." Sabi ni Miguel habang binubuksan ung beer.

Hindi ko nakakalimutang babae sya. Nung sinundan ko sya sa parking ng gabing yon, hindi ko na mabura sa isip ko ung mukha nya. Mali ako na tinitigan ko sya ng malapitan. Very wrong!!

"Pero alam nyo ha? Di ko alam kung ako lang ba to pero may kamukha sya eh. Hindi ko lang talaga maalala." Sabi ni Josh.

"Wala naman." Sabi ni Migs.

Naisip ko rin yan, na parang pamilyar yung mukha nya sakin pero di ko na gaano naisip dahil pagtapos ko matitigan ung mukha nya, parang gusto ko sya ulit makita. Tangina. Para akong tanga.

"Meron nga. Basta meron! Maalala ko rin yan." Sabi ni Josh.

"Tinawagan nyo ba si Mac?" Tanong ni Migs. Umiling lang ako.

"Tawagan ko." Sabi ni Josh at tinawagan nga sya. Lumayo pa sya samin para kausapin si Mac. Mahina rin kasi ang signal sa sala ni Miguel.

"Hoy. Si Josh, type yung kaibigan ni Vic." Sabi ni Migs sakin.

"O e ano naman?" Tanong ko.

"Dadating rin ung araw na magkakasama kayo sa isang lugar kaya kung ako sayo, makipagbati ka na dun sa tao." Sabi ni Migs sakin.

"Ayoko nga. Sya ang mag sorry sakin. Bat ako ang mauuna?" Sabi ko sakanya.

"Dahil lalake ka at babae sya?" Tanong nya. Tumawa ako.

"Tomboy yun, Miguel. Pwede ba?" Natatawang sabi ko sakanya.

"O e ano naman? Hindi na ba sya pwedeng maging babae? Di mo ba sya nakikita as babae?" Tanong nya sakin.

Nag flashback nanaman sakin ung mukha nya nung gabing yun. Yung mga mata nya parang pinipilit lang maging matapang. Ang liit at ang kinis ng mukha nya. Ang pupula ng labi.

"Kita mo na? Hindi ka makasagot agad? Baka magkagusto ka dun ah." Sabi ni Miguel.

"Ha. Asa! Hinding hindi ako magkakagusto dun no." Inis na sabi ko.

"Baka mabusog ka sa sinasabi mo." Tukso nya sakin.

Bumalik si Josh sa tabi namin at sinabi na papunta na si Mac dito galing trabaho. Nung dumating sya, may dala syang pagkain. Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Lahat nung nangyari ng mga nakaraang linggo, mula dun sa nangyari sa bar hanggang sa balak na panliligaw ni Josh kay Chella.

"Ikaw, bat wala ka pa ring nagugustuhan?" Tanong ni Migs kay Mac.

Sa sobrang tagal namin magkaibigan neto ni Mac, ni hindi pa namin sya nakitang nagka-interes sa babae.

"Wala eh." Simpleng sagot nya habang kumakain ng fries.

"Bading ka ba?" Tanong ko sakanya.

"Gago. Hindi no." Mabilis na sabi nya.

"Kung bading ka, papakilala ka namin dun sa kaibigan naming tomboy, bagay kayo." Tukso ni Josh sakanya. Tumawa lang si Mac sa sinabi nya.

"Wag dun. Nananakit yun." Sabi ko sakanya.

"Sus. Iyo nalang, gusto mo?" Tukso sakin ni Migs. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Pero puro ka kasi trabaho pre, wala ka bang nagugustuhan na ka-trabaho mo? Dami daming magaganda at sexy dun eh." Sabi ni Josh sakanya.

Nagmomodel at nag kocommercial kasi yang si Mac. At hindi maiiwasan na magkaroon sya ng katrabahong maganda.

"Wala. Ayoko rin. Dami dami kong ginagawa. Kawawa naman yung babae kung hindi ko sya mabibigyan ng oras." Sagot nya samin.

"Bat ba kasi kailangan mo magtrabaho? Maganda naman business nyong pamilya. Hindi ka naman naghihirap, bat ba nagpapakasubsob ka dyan sa trabaho." Sabi ko sakanya.

"Ilang taon na ba tayo? Hindi naman tayo pabata eh. Ska syempre paano kung magkaroon ako ng sariling pamilya? Yung pangkain namin, kukunin namin sa magulang ko? Para namang akong hindi lalake non." Katwiran nya.

"Kung sabagay, may point." Sabi ni Josh.

After kumain, nagkaayan na dito nalang matulog. Naunang natulog yung dalawa habang si Mac naman, ngayon palang naliligo.

"Bro. Gusto mong beer?" Tanong ko kay Mac habang nasa loob sya ng CR. Sumagot sya ng OO kaya nagpaalam ako na lalabas muna para bumili sa convenient store sa baba.

Pagbalik ko, nadatnan ko syang nakaupo sa living room habang nanonood ng TV at nagpupunas ng buhok. Umupo ako sa tabi nya.

"Bat ka magbibeer? Di ka makatulog?" Tanong nya sakin. Ngumisi lang ako kasi totoo namang umiinom ako ng beer sa bahay pag di ako makatulog.

"Ano iniisip mo?" Tanong nya.

"Naisip ko lang kanina ung nasabi mo. I was thinking about family business, sila Mama, they are letting me do things ngayon pero I know for sure that after college, I will take over." Sabi ko.

"And? Anong problema don? Ayaw mo ba?" Tanong nya. Umiling ako.

"Not that I don't want it pero gusto ko lang din kasi magtayo ng business na galing sakin mismo." Sabi ko. Tumango tango lang sya.

"They'll support you for sure." Sabi nya.

"Sana nga." Sabi ko.

After namin mag inom, nagpaalam rin ako agad na uuwi ako para dun matulog. Hassle kasi ng gigising ng maaga para lang umuwi.

Pagdating ko sa bahay, nagshower ako at humiga sa kama.

Hindi talaga ako makatulog kaya nagdecide ako na magbrowse browse sa social media. Nakita ko na may naka-tag na picture kay Migs.

*NEW FOUND FRIENDS*

Caption nung group pic nila Migs, Josh, Chella at nung Vic. Napangisi nalang ako e. New found friends, talaga ba?

Zinoom ko ung picture para makita si Vic ng maigi. To be honest, hindi ko nararamdaman na legit na tomboy sya. Maybe yes that she and Nicole used to date, pero I feel something within her na may chance syang maging babae ulit.

I looked for the tagged people sa picture at inadd si Vic at Chella.

After non, pinilit ko na talagang matulog. Bukas nalang ulit.

The Chickboy. [EDITING]Where stories live. Discover now