Chapter 4 - Finding Raven.

Start from the beginning
                                    

Natawa na lamang ang magkaibigan.

Kung tutuusin ay hindi naman ganoon kataba si Roxanne. Malaman lang ito at may kaunting taghiyawat sa pisngi at noo. Hindi naman ito pala puyat at laging naghihilamos pero nagkakataghiyawat pa tin ito.

Sa height nitong 5feet and six inches ay tila bumagay na rin ang katawan nito roon. May kahabaan ang buhok nya at natural na makapal iyon. Maputi rin sya kaysa sa pangkaraniwang pilipina dahil namana nya ang kulay nang mama nya na may lahing hapon. Pure Japanese ang lola nya at nakapag-asawa lang ito nang Pilipino.

Isang lingo na mula nang huling magkita sila Nikko at Roxanne at wala pa naming natatanggap na photoshoot o schedule nang pictorial si Nikko. Limang araw na rin syang tumutuloy sa pad nya na hindi nya madalas na ginagawa kapag wala syang schedule dahil sa mansion nya sila palagi umuuwi.

Kaya lang naman sya tumutuloy sa pad nya ay kapag inuumaga sya nang uwi kapag may pictorial o photoshoot. Nahihiya naman syang mang istorbo nang katulong sa kanila at tiyak na magagalit na naman ang daddy nya sa kanya.

Hindi sya nito talaga tinututulan sa career nya pero hindi rin sya nito pinupursige o sinusuportahan. Alam nyang nais na nitong mag training na sya sa kumpanya nila.

Mayroon syang house keeper na araw-araw na naglilinis sa pad nya na provided na nang management nang building. Ipinagluluto na rin sya nito nang agahan at tanghalian kung nandoon sya ngunit umuuwi na ito nang alas singko nang hapon kaya hindi na sya nito naipagluluto nang hapunan.

May katandaan na si Manang Tising pero masipag at masarap ito magluto. Masayahin rin ito at natutuwa sya rito kaya bukod sa sweldo na ibinibigay nang management at binibigyan nya ito nang tip. Ipinag go grocery rin sya nito. Nasa kanya na ang lahat nang hahanapin nang isang amo. Napaka convenient.

"Mukhang napapadalas ang pag stay nyo rito sa pad nyo sir. Sunud sunod ba ang schedule?" Tanong ni Manang Tising. Tapos na sya nitong iluto nang agahan at nagkekwentuhan sila habang kumakain sya.

"Wala ho akong schedule ngayong nakalipas na araw manang. Gusto ko lang ho mapag-isa." Sabi nya. Sarap na sarap sya sa niluto nitong pancit. Alam na alam na nito ang mga pabortio nyang pagkain tulad nang pancit at adobo.

"Aba'y may problema ka bang bata ka?" Nag-aalalang tanong nito. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Ngumiti sya. "Naku manang, wala ho. Masyado na ho kasi akong nai stressed lately."

"Oo nga, sir. Kailangan nyo ring magpahinga. Baka pumangit ka." Tumawa ito. "Hindi mo na ako magiging tagahanga."

"Ay nako manang hindi ho pwede yan. Sabi nyo sa akin, lifetime fan ko na kayo?" Sakay nya sa biro nito.

"Nagiging ulyanin na yata ako sir. Hindi ko ho matandaan. Pero kung forever kang magiging mabait, aba'y forever fan mo na talaga ako."

Natawa si Nikko rito. "Kayo ho talaga manang. Hindi ho ako magbabago." Sabi nya bago tapusin ang pagkain.

Kung tapos na ang gawain nang matanda ay hinahayaan ni Nikko na manuod nang tv ito sa sala. Sya naman kasi ay may sariling laptop at tv rin sa kwarto nya. Matapos kumain aya agad nyang hinarap ang laptop nya.

Internet ang pangunahing libangan nya. Mayroon syang mga accounts sa mga social networking sites. May public at private accounts sya. May mga kumukuha nga lang nang mga pictures nya at nagkukunyaring sya pero hinahayaan nya na lang. Hindi nya naman mapipigilan ang mga ito.

Isang oras na syang nakatapat sa laptop nya nang maisipan nyang hanapin kung may social network account rin si Roxanne. Nabasa nya ang whole name nito sa binder nito. Roxanne Velez. Napangiti sya nang makita na may lumabas sa pag search nya. Si Roxanne nga iyon.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now