Chapter 2 - The Second Encounter.

27.4K 390 7
                                    

"What?! Baliw ka na talaga Roxanne!" Napasigaw si Yna nang ikwento nang kaibigan ang nangyari. Quarter to four nang madaling araw pa lamang ayon sa wall clock nila.

Kakauwi pa lamang ni Roxanne galling sa fastfood chain kung saan alam nya ay kumakain si Alex bago ito umuwi. Call center agent si Alex at part time job nito iyon. Sinadya nyang pumunta sa fastfood chain na iyon. Doon ang usapan nila nang kausap nyang magpapanggap na boyfriend nya.

Pinigilan sya ni Yna ngunit tumuloy pa rin sya. Hindi sya sinipot nang kausap nya at imbes ay ang lalaking nakita nya sa c.r ang nasabi nyang bago nyang boyfriend. Nag walk out ang kasama nitong babae, pati si Alex ay napa-atras sa sinabi nya. Hindi nya alam kung nasaktan ito o kung ano ngunit nakita nyang hindi ito natuwa sa nalaman.

Ang lalaki namang na pinakilala nyang boyfriend ay bigla rin umalis, tinapunan lamang sya nang tingin. Hinabol ata ang babaeng kasama nito na girlfriend ata nito. Naguilty sya pero nangyari na at wala na syang magagawa.

"H-hindi ko sinasadya Yna.." kabado pa rin na sabi ni Roxanne.

Napabangon mula sa kama nya si Yna. "I told you, huwag mo nang ituloy yan. Hayan ang nangyari. Mukhang nakasira ka pa nang isang relationship." Napapailing na sabi ni Yna sa kaibigan.

"M-mabilis ang mga nangyari. Hindi ko akalain na sa ganoong oras ko pa makikita si Alex!" She said.

"Oh, eh ano namang sabi ni Alex?"

"W-wala. Bigla rin syang umalis, Hindi ko alam kung nasaktan ba sya o nagulat lang pero nakasimangot sya."

Tumayo si Yna at kumuha nag tubig sa maliit nilang ref. Nagtagay ito sa baso at uminom nang tubig bago muling nagsalita. "Dyos ko naman Roxanne. Ang gaga mo talaga." Sabi nito. "Eh ano namang itsura nung lalaki?"

"Gwapo sya. Parang artista. Nakakahiya nga eh. Pati yung kasama nyang babae, parang may lahi. Basta." Sabi na lang ni Roxanne.

Umikot ang mga eyeballs ni Yna. "Bitch. Siguro nagwapuhan ka kaya bigla mong pinakilalang boyfriend mo?"

Umling si Roxanne. "Napansin ko lang na gwapo sya nung pinapakilala ko na sya. Nakakahiya." Nakangiwi na sabi ni Roxanne.

Muling bumalik sa kama nya si Yna. "Buti alam mo? Wish mo lang huwag mo nang makita yung lalaki. Tiyak yari ka."

"Sana nga. Tsaka, mukhang napadaan lang naman sila doon. Hay. Ano ba ito."

"Goodluck, girl. Mag-usap kayo ni Alex bukas kung kausapin ka pa nya." Sabi na lang ni Yna.

Alas syete na nang umaga ngunit hindi pa rin nakakatulog si Nikko. Msyadong kakaiba ang nangyari noong madaling araw na iyon. Matapos nang ginawa nang babae at magwalk out ni Amber, hindi nya na nagawang kausapin ang babae.

Agad nyang hinabol si Amber. Nakasakay na ito nang taxi. Nang balikan nya naman ang babae sa taas ay nakaalis na rin daw iyon sabi nang guard. Tinanong nya ang guard kung kilala nito ang babae.

"Madalas ho yon dito sir. Hindi ko nga lang alam ang pangalan nya. Lagi nyang kasama kumain nang merienda rito yung boypren nya na nagtatrabaho sa kabilang building mga tatlong lingo na." Sabi nang guard.

"G-ganoon ho ba." Sabi nya. Na curious tuloy sya kung bakit sya nito ipinakilalang borfriend nito gayong may boyfriend naman pala ito.

"Tsaka sir, mabait ho kasi yun eh. Pala kwento. Madalas ko yun maka-kwentuhan pag hinihintay nya boypren nya." Sabi pa nang guard.

"Salamat po. Sa tingin nyo po ba babalik pa yun dito?" Tanong nya pa.

Napangiti ang guard. "Type nyo sir?" Tanong nito na tiningnan pa sya mula ulo hanggang paa.

Faking It (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon