Chapter 2 - The Second Encounter.

Start from the beginning
                                    

Nagulat si Nikko. "Ah, h-hindi ho. May kailangan lang ho ako sa kanya."

"Baka ho sir. Alas kwatro nang hapon hanggang alas singko yun dito pumupunta. Hindi ko lang ho sigurado. Mukhang nag-away sila nang boypren nya. Tatlong araw na silang hindi napapadpad dito."

Inabutan nya nang tip ang guard. "Salamat ho." Sabi nya.

Natuwa naman ang guard. "Naku, salamat sir."

Tinanguan nya na lang ito at umalis na. Nawala ang pagod at antok nya. Sa huli ay nagpasya syang mag shower kahit wala pa syang tulog. Baka makatulog sya kapag presko ang pakiramdam nya.

Tapos na syang magbihis nang katukin sya nang katulong.

"Senyorito Nikko, handa na po ang agahan." Sabi nito.

"Okay, I'll be coming in a minute." Sabi nya. Nagsuklay sya at nagpa bango bago bumaba mula sa kwarto.

As usual ay paalis na ang papa nya papuntang opisina kaya mag-isa na lamang syang kakain. Dinig nya pa ang pagsara nang gate nila nang makalabas na ang kotse nang ama. Ang mama nya naman ay nasa Paris, twice a month lang ito kung umuwi dahil may inaasikaso naman itong boutique doon.

"Manang, where's my fresh milk?" Tanong nya sa katulong. Araw-araw ay may supply sya nang sariwang gatas mula sa maliit nilang farm di kalayuan sa mansion nila.

"Andito senyorito." Inilapag nang katulong ang tray kung saan nakalagay ang isang baso at isang bote nang sariwang gatas.

Agad syang nagsalin at nilagok iyon. Mabilisan din nyang kinain ang ilang pancakes na nakahain para sa kanya.

"Manang, paki sabi naman kay manong Rudy, pakihanda yung itim na sports car ko. May pupuntahan ho ako." Aniya matapos kumain. Muli syang bumalik sa kanyang kwarto at nagbihis.

Kahit wala pang tulog ay umalis pa rin sya. Dumiretso sya sa condo nya na binili nya mula sa kita nya sa pagmomodelling. Lahat nang gamit nya roon ay sa sariling sikap nya. Bagamat kinukulit na sya nang ama nya na magtraining na sya sa pagpapatakbo nang kompanya nila ay ayaw nya pa.

Noong una ay wala sa hinagap nya ang ma-model. Isunuggest sya nang sekretarya nang papa nya nang wala pang mahanap na image model ang kompanya nila para sa men's shoes na isa sa mga produkto nang kompanya nila.

Bukod sa broadcasting company ay may garments factory rin sila. May farm rin sila sa Batangas bukod sa farm na malapit sa kanila. Lahat nang iyon.

Mula roon ay nagkaroon sya nang bagong offer. Hair salon naman, sumunod ay isang brand nang pabango at nasundan pa. Tatlong taon na syang nagmomodel mula nang kappa graduate sya sa course nyang Business Administration. Wala naman talaga roon ang hilig nya ngunit kailangan dahil sya ang nag-iisang tagapag mana.

Only child sya kaya sa kanya ang lahat nang pressure. Lumaki syang malayo ang loob sa mga magulang pero hindi katulad nang iba, out going sya at may social life. Nagagalit lang ang papa nya kapag mag nalilink sa kanyang mga starlet. Napipisil kasi nito si Amber o si Lyndsay para maging girlfriend nya.

Bagamat magaganda ang dalawa ay liberated ang mga ito. Major turn off sa kanya ang ganoon sa isang babae. Buong buhay nya ay iisa pa lamang ang minahal nyang babae. Noong Highschool sya hanggang first year college sya. Si Lauren.

Anak din nang isang businessman si Lauren at nagkakilala sila dahil sa classmate nya na pinsan naman nang babae. Tatlong buwan nya rin itong sinuyo bago nya mapa sagot. Naging masaya naman sila, hindi sya tumingin sa ibang babae at hindi rin naman selosa si Lauren.

Mag-aanim na buwan na sila nang may magsabi sa kanyang common friend nila na nasa mall raw si Lauren at may kasamang ibang lalaki. Agad nya itong kinumpirma kahit na ang sabi ni Lauren na ang pinsan nitong si Glydelle ang kasama nito.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now