CHAPTER 67 - BLACK

1.1K 16 0
                                    

PARA LANG SA FAVORITE KONG AUTHOR HAHAHAH KASI NAALALA KO YUNG THE OTHER SIDE NIYANG STORY EH. BAGAY NA BAGAY SA CHARACTER NA SI MISHA. =)

CHAPTER 67 - BLACK

OLIVE'S POV

It's been almost a month. Malapit na mag-Pasko. Masaya ako. Oo. Ewan ko ba...pero after nung gabing magkasama kami ni Mark...parang ang laki ng pinagbago ng mundo ko. Parang may nadagdag, may nawala, pero mas ramdam ko na ang laki ng nadagdag. Yung confused feelings ko noon, nasisigurado ko na ngayon. It's Mark. Siya talaga eh.

Alam mo yung feeling na...sobrang saya mo na maisip mo pa lang na makikita mo siya. Araw-araw, ginaganahan akong pumasok dahil sa kanya. Nakakalungkot lang kasi Christmas break na ngayon at bihira na lang magkita ang barkada, pero gayunpaman, laging gumagawa ng way si Mark para makita at makausap ako. So sweet of him...yan ang laging bulong ng puso at utak ko.

Kung dati-rati ehh hati ang opinyon nila, aba! Himala! Kasi ngayon, nagkakasundo na sila.

Nandito pala ako ngayon sa mall mag-isa. Christmas shopping lang. Actually, Mark insisted na samahan ako para safe daw, pero tumanggi ako kasi nga, namimili ako ng mga regalo ko para sa kanilang lahat. Mahirap na at baka malaman pa niya kung anong ibibigay ko sa kanya. Haha.

Hindi ko alam kung ano na bang estado ng relasyon ang meron kami ni Mark, pero masaya ako kahit na...MU? MU kaya kami? Feeling ko kasi kapag kausap ko siya, parang gusto niyang aminin ko sa kanya yung nararamdaman ko. Ano ba si Mark? Mind-reader? Buti na lang at kahit isang beses ehh hindi pa nadudulas yung dila ko.

Hindi rin niya sinasabi na nanliligaw siya, pero parang yun yung ipinapakita niya. Aysh, Mark's moves nga siguro...

So...MU ba kami? Aysh, ayoko nang isipin. Basta ang alam ko, mahal ko siya. Ramdam ko na mahal niya din ako...Wala nga lang commitment, at wala ding aminan. Pero ayos na muna ako doon ngayon.

Si Christian at Krisha kaya? Ayos na kaya sila?

Lagi akong tinatawagan ni Christian lately, but I decided na kailangan ko muna siyang i-ignore. He is going to have his baby soon. At masaya ako para sa kanya dahil alam ko namang mahal niya rin yung bata. Sana lang pati si Krisha ehh matutunan niya ring mahalin.

Kahit gaano pa kasakit yung ginawa nila sa akin dati, pinatawad ko na sila. At sa tingin ko...dahil lahat yun nung dumating sa buhay ko si Mark...kasi natutunan kong i-let go yung mga bagay-bagay na nakakasakit sa akin...dahil sa pagmamahal niya, natutunan ko kung paano mahalin yung sarili ko.

Tumingin ako sa paligid para mag-para ng taxi. Hindi kasi ako nagdala ng kotse eh. Wala lang, di ko lang trip. Hehe.

"Olive..." I turned around to see the person who called my name.

"Christian?"

**********

KRISHA'S POV

First ever POV ko ba to? Hindi ko matandaan eh. Haha. Pero hello readers!

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon