CHAPTER 38 - THE BOOK

1.4K 19 0
                                    

CHAPTER 38 – THE BOOK

 

JASON'S POV

"Ano na namang ginagawa mo dito???" Asar na tanong ko dun sa girlfriend kong hindi ko naman kilala. Aish, bakit ganun? Makakalimutin na ba ako ha? Ano nga bang pangalan ng asungot na ito? Ano nga ba yung tinatawag sa kanya nung Dane na yun tsaka ni Celyn? Siya daw yung ex-girlfriend nung Dane na yun eh. Nako naman, sakit talaga ito sa ulo. Pati pangalan niya, pinoproblema ko pa. Ehh bakit hindi ko na lang kaya siya tanungin para matapos na diba? Ay nako. Wag na lang pala. Tinatamad akong mag-aksaya ng laway para tanungin siya eh. Ang alam ko lang ehh isa siyang malaking pabigat sa aking kagustuhang matulog.

"Gising na kasi. Wag ka nga matulog nang matulog diyan!!! May klase ka pa diba!? Bangon na Jasoooooooooooon!"

 

"Ah!!!" Napabalikwas na lang ako nang sigawan niya ako sa tenga ko. Nandito kami ngayon sa school. To be specific sa field, bakit? Kasi gusto ko matulog at sa lawak ng field na ito akala ko wala nang makakapansin pa sa akin. Pero nagkamali ako. May power atang malupit itong babaeng ito para maamoy ako kahit almost hindi na ako maabot ng tingin ng mga studyante dito. Medyo liblib na kasi itong part ng field na ito eh. At hindi ko lang lubos maisip kung bakit nahanap pa rin ako ng asungot na ito. And worst, kinukulit pa ako. Ehh sinabi nang gusto ko nga matulog ehh diba???

"Sisigawan ulit kita kapag hindi ka pa talaga bumangon diyan!!!" Sabay sigaw niya ulit sa tenga ko. At kahit na naiinis ako, wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon. Kaysa naman masira pa eardrums ko diba? "Good. Buti at sumunod ka rin."

Really? She's such a bitch. Kaya siguro may silent war akong naaamoy sa kanila ni Celyn. Dahil ang alam ko, gusto nitong asungot na ito na maghiganti dun sa Dane na yun. At dahil medyo gusto ko yung gusto niya, ehh pumayag akong maging kami. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba. Wala rin akong pakialam kung alam na nila. "Bakit ka ba nandito ha!? Istorbo ka talaga ehh noh!?"

"Wag mo nga ako sigawan! Hindi ako bingi! At nandito ako kasi girlfriend mo ako at boyfriend kita! So umayos ka!!!" Sigaw niya rin sa akin habang naka-crossarms.

 

"SO?" Pokerface.

"Anung so??? Ganyan mo ba tratuhin ang girlfriend mo ha!? Parang wala kang pakialam sa akin ah???" Bakit? Meron ba? Haha. Ayan tuloy nahahawa na ako sa pagka-bitch niya. Haha.

"Talaga." Simpleng sagot ko. Sabay nag-inat-inat na dahil tatayo na ako at aalis para humanap ng panibagong lugar kung saan hindi niya ako makikita at magugulo dahil seryoso ako sa hangarin kong matulog.

"How dare you! Don't turn your back on me when I'm talking to you!!!" At pagkatapos niya sabihin yun, parang isang lightning at hawak-hawak niya na yung kwelyo ko at nakatitig siya sa akin nang masama. Creepy.

"O-okay... Easy lang..." Sakit nun ah! Parang mamamatay na ako sa higpit ng kapit niya sa kwelyo ko. Tsk. How dare you do that to Jason Laurino!!!? Buti na lang ehh inalis din niya yung mga kamay niya.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon