CHAPTER 46 - TEARS PART 2

975 14 0
                                    

CHAPTER 46 - TEARS PART 2

NAMI’S POV

Natapos na lahat-lahat ng klase namin pero walang mukha ni Chalton ang nagpakita sa akin. Hindi siya pumasok today. Si Rae naman, hindi na bumalik after nung pagkausap niya dun sa babae. Hayyy, ano na lang ang gagawin ko? Si Chalton, absent. Si Mark, absent. Si Jason, pumasok nga pero umalis din agad kasama yung girlfriend niyang si Jam. Kaya ayun, loner ako ngayon. Makikipagkita sana ako kay Celyn at Princess kaya lang may klase pa daw sila.

Ano na lang ang gagawin ko!?

Naglibot-libot ako sa buong school. Halos maikot ko na nga ito nang hindi ko napapansin kasi busy ako sa kakaisip kay Chalton. Unti-unting bumabalik sa alaala ko yung mga magagandang memories na nangyari sa amin ni Chalton...

My tears run down like razorblades
And no, Im not the one to blame
Its you or is it me?

Nung muntik niya na ako masagasaan...

"Miss! Whatthe! Green light na, bakit tumawid ka pa???"

 

"I-I'm s-sorry. Hindi kasi ako sanay sa mga traffic lights. Sorry talaga."

 

"Dadalhin na kita sa hospital. Baka kung ano pang mangyari sa'yo. At kasalanan ko pa."

 

"Nako, wag na. Sorry talaga. Wala namang masakit sa akin eh. Okay lang talaga ako. Tatanga-tanga lang. Hehe."

  

"Sigurado ka ba?"

 

"O-oo."

 

"Ihahatid na lang kita sa inyo."

 

"W-wag na. Kaya ko na."

  

"Saan bahay niyo? Dalian mo na. Nagmamadali ako."

 

"Ha? Nagmamadali ka pala eh. Dito na lang ako. Nakakahiya naman. O-okay na talaga ako."

  

"Dalian mo na. Mas mapapabagal pa ako nang dahil sa'yo ehh. Mamaya, may internal hemorrhage ka pa at mag-collapse ka na lang bigla kung saan at walang tumulong sa iyo. Atleast sa bahay niyo may kasama ka."

And all the words we never say
Come out and now were all ashamed
And theres no sense in playing games
When you've done all you can do

 

Nung malaman kong magkatabi lang pala ang unit namin...

"Ano address mo?" Tanong niya. "What was that for?"

 

"Ahm, bago kasi ako sa lugar na ito. Kakalipat ko lang sa isang condo yesterday. Hindi ko kasi memorize address ko ehh. Kaya ayan yung address."

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon