CHAPTER 35 - A DAY OF PAIN PART 3

1.2K 24 7
                                    

CHAPTER 35 – A DAY OF PAIN PART 3

 

MARK’S POV

 

NOW PLAYING: HAUNTED BY TAYLOR SWIFT --->

(Boy version lang po ito. Pero maganda yung version talaga ni Taylor. Hihi.)

You and I walk a fragile line
I have known it all this time
But I never thought I'd live to see it break

“Rae!” Patakbo akong lumapit kay Rae nang makita ko siya sa canteen. Pang-limang beses ko nang bumalik dito at buti naman ehh nakita ko na rin siya. Hayyy at buti na lang din at nawala na sa paningin ko yung babaeng grabe makayakap sa amin ni Chalton. Hahah! Tinakbuhan ko kasi ehh. Ang alam ko ehh sumunod siya, pero out of sight na siya ngayon. Buti naman eh tumigil na siya. Dahil wala siyang mapapala sa akin. Solid Rae to noh!

Malapit na ako sa kanya nang lumingon siya sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. “Rae...” Parang nahi-hypnotize ako habang nakangiti rin at nakatingin sa kanya. Unang beses kasi ngayong araw na nginitian niya ako since hindi niya ako pinapansin kanina dahil kasama niya si Christian. Buti naman at napansin niya na rin ako.

Palapit siya nang palapit sa akin habang hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi niya. Isang napakalapad na ngiti na unti-unting tumutunaw sa puso ko. Isang ngiting sa tuwing makikita ko, ehh napapatulala na lang ako bigla. Isang ngiting, gusting-gusto kong sa akin lang niya ibibigay. Isang ngiting habambuhay kong hihilingin na sana ehh hindi mawala sa kanya...

It's getting dark, and it's all too quiet
And I can't trust anything now
And it's coming over you like it's all a big mistake

Parang nag-slow motion ang buong paligid ko habang lumalapit siya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para na siguro akong tanga na nakatayo lang doon habang nakatulala at nakangiti pero wala akong pakialam, basta para kay Rae handa akong magpakatanga nang ganito. Basta para sa kanya, lahat gagawin ko...lahat titiisin ko. Hindi ko hahayaang makuha siya ulit ni Christian. Ayokong makita siyang nasasaktan at umiiyak muli.

Parang gusto ko nang lamunin ng lupa nang nilagpasan niya ako. Ohh diba? Parang movie lang ehh. “Christian, ang tagal mo ha? Baka tunaw na yang ice cream cake ko ha? Haha.” Narinig kong sinabi niya.

Humarap ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. “Pasensya ka na kung pinaghintay kita. Anyway, eto na yung ice cream cake mo oh. Tara upo na tayo doon oh...” Sabay turo niya sa table doon sa medyo tagong part ng canteen.

“Sure.” At naglakad na sila papunta doon. Ako naman ehh mukhang tangang nakatingin sa kanila. Sinusundan lang sila ng tingin hanggang sa marating na nila yung table na tinuturo nung Christian na yun.

Oh, I'm holding my breath
Won't lose you again
Something's made your eyes go cold

Umupo muna ako malapit sa kanila. Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Rae habang magkasama sila. Ni hindi niya nga ako napapansin ehh. Parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Parang si Christian lang yung nakikita niya. At ang sakit lang.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon