CHAPTER 62 - DRUNK PART 3

1K 12 2
                                    

CHAPTER 62 - DRUNK PART 3

OLIVE'S POV

Nakakahiya ka, Olive! Kyaaaaaaaaaaah!!! Talaga bang naging wild ka kagabi!? Psh. Totoo kaya yung mga pinaggagagawa mong kahihiyan!? Huhu, hindi na talaga ako uloit iinom kung ganito lang ang magiging kakalabasan! After ni Mark ikwento lahat ng kahihiyang ginawa ko ehh eto, tumakbo ako papasok ng banyo niya sa kwarto.

Well, ano bang mga sinabi ko sa kanya? Wala naman siyang nabanggit na may nasabi akong iba maliban sa halikan ko siya kuno!!! Waaaaah!!! Kakahiya talaga!!! Nagiging mukhang hostess tuloy ako kagabi!!! T-teka, wala namang ibang lumabas sa bibig ko maliban doon diba??? He told me we kissed a couple of times...pero may iba pa ba akong nagawa?

May iba pa ba kaming nagawa? Sabi naman niya, wala naman daw at naniniwala ako sa kanya tsaka wala naman din akong nararamdamang kakaiba sa sarili ko.

Pero nakakahiya talaga! At nagawa ko talagang maghubad sa harap niya!? Sht lang! I stared at myself sa may mirror sa loob ng banyo ni Mark at halos mapatili na lang ako nang makita ko kung anong suot ko ngayon! Tae! Ang nipis-nipis naman ng suot ko! Parang wala na akong damit nito ehh!!! Waaaaahhhh!!! Confident naman ako sa katawan ko, pero takte lang!!! Lalaki ang pinakitaan ko ehh!!! Lalaki si Mark!!! Waaaaaaaaaaahhhh!!!

Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya sa ayos ko na ito at sa mga nagawa ko kagabi! Kyaaaahhh! At nagsinungaling pa talaga ako kila mama??? Paano ko nagawa yun??? Huhuhu ang sama-sama kong anak!!! Kyaaaaaaaaaaah!!!

*knock knock

Halos mapatalon na lang ako nang marinig ko ang tawag ni Mark sa akin sa labas ng banyo, "Rae! Lumabas ka nga diyan!"

What to do, what to do!? Nakakahiya ako! Wala akong mukhang ihaharap sa kanya ngayon!!! Tapos idagdag pa yung suot ko! Hindi ako makakalabas ng banyo nang ganito ang suot ko! Nakakahiya! I look around the room para humanap ng tuwalya man lang pero wala eh. Huhu, anong klaseng banyo to!?

Ehhh? Bahala na. Pakapalan na lang ito ng mukha.

I opened the door slightly. Yung kumbaga, may konting siwang lang para magkakitaan kami ni Mark pero yung katawan ko ehh nakatago sa likod ng pinto ng CR, "E-eh...M-mark...P-pwede b-ba akong m-manghiram ng isang T-shirt mo...kasi ang nipis ng suot ko ehh... N-nakakahiya..."

Halata naman natatawa siya sa reaksyon ko eh! Bwisit! Paniguradong pulang-pula na ang kabuuan ng mukha ko pero anong magagawa ko!? Kaya nga pakapalan na lang eh! Huhuhuhu!

"Sige lang. Kuha ka sa closet ko." Nakangising sabi pa nito.

Ugh! Paano ako makakakuha sa closet niya ng damit kung hindi nga ako makalabas dito sa banyo niya!? "E-ehh Mark naman... P-pwede bang i-ikaw na k-kumuha???"

Pero hindi pa rin naalis yung ngisi niya. Bwisit! Nanga-asar ba talaga to!? Alam naman niya yung suot ko ngayon eh!? Ugh!!!

"Ahm...No? Masyado mo naman ata akong pinapahirapan niyan." Nakangiti ng pang-asar pa rin ang loko. Pinapahirapan!? Mahirap bang kumuha ng damit!? "Sobrang pahirap ang ginawa mo sa akin kagabi...Tapos hanggang ngayon ba naman???"

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon