CHAPTER 1 - THE BESTFRIENDS

5.5K 46 0
                                    

CHAPTER 1 - THE BESTFRIENDS

 

JASON’S POV

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! JASOOOOOOOOOOON!”

Ehhh? Sino naman yun? Parang may tumatawag sa akin? Jason daw? Ehh ako yun ehh? *Lingon sa kanan* *Lingon sa kaliwa* Wala naman. Aish. Makapaglakad na nga lang ulit. Baka ma-late pa ako noh. Nasaan na ba kasi sila Mark at Chalton? Kanina ko pa tinatawagan yung dalawang yun eh. Wala naman sila. Bahala silang ma-late. First day of class ko ngayon noh. Ano kayang feeling mag-college? Hmp.

“HOY JASON!”

Ako nga ba yung tinatawag? Pero marami naming Jason sa mundo ah. Ah, baka ibang Jason lang. Mahirap na maging tamang hinala. Hehehe.

“HOY BINGI KA NA NGAYON! HINTAYIN MO NAMAN AKO OY! JASON LAURINO!!!”

Jason Laurino daw? Ako nga. Pati ba naman dito marami pa rin akong stalker? Aish naman. Hindi na sila nagsawa. As if balak ko naming mag-girlfriend. Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses na yun. Familiar kasi siya sa akin eh. Pero imposible...

“KYAAAAAAAAAAAAAH JASON!!!”

Saktong paglingon ko ehh ang pagyakap nung babaeng tumatawag  sa pangalan ko. Gusto niyong malaman kung sino siya? Walang iba kung hindi ang aking maingay na bestfriend na si Celyn. Ano naman ginagawa nito dito? Paano siya nakapasok ehh alam ko hindi pinapayagang pumasok ang mga hindi naman nagaaral dito? Aish. Nakalimutan ko. Isa pa lang siyang Sylvana.

Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin. Ako pala si Jason Laurino.

16  years old. Taking up Engineering. Currently studying at Sylvana University na pagmamay-ari ng Slyvana family. And just like what I have said, isang Sylvana si Celyn, ang aking maingay na bestfriend.

Okay, tama na muna sa introduction.

Back to the story.

 

“Hoy, Celyn! Anong ginagawa mo dito?”

 

“Ano bang ginagawa dito?”

Aba at hindi pa rin nagbabago itong babaeng ito.

“Malamang maga-aral.”

“Ehh yun naman pala ehh, alam mo naman pala! Nagtatanong ka pa!”

 

“What I mean is, ano ngang ginagawa mo dito?”

 

“Mag-aaral nga. Ang kulit!”

 

“Sinong niloko mo?”

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon