CHAPTER 57 - GOOD NEWS

1K 18 1
                                    

CHAPTER 57 - GOOD NEWS

CHALTON'S POV

Nandito na ako ngayon sa bahay. Kakauwi ko lang galing sa hospital. Ramdam na ramdam ko yung pagod, lungkot, gutom, at kung anu-ano pang emosyon pero wala akong magawa kung hindi ang isubsob ang mukha ko sa mga palad ko habang nakaupo sa may bench dito namin sa garden.

Hindi ko na alam ang gagawin o iisipin ko. Ayoko nang umiyak kasi sobrang sawang-sawa at pagod na ako. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ehh magpakatatag para sa amin ni Nami. Kakayanin naman ito. Umpisa pa lang eh, hindi ako pwedeng sumuko. Hinding-hindi ako susuko. Minsan ko nang nasabi iyon kay Nami, siguro ehh panahon na para tuparin ko iyon kahit hindi pa nagigising si Nami.

"Hijo..." Maya-maya ehh narinig ko si mommy na dumating.

Napalingon ako sa kanya, "Mom."

"Anong nangyari?" Naga-alalang tanong sa akin ni mommy tapos tumabi ito sa akin tapos niyakap niya ako. "Bakit namamaga ang mga mata mo? Umiyak ka? Bakit??? Is it because of Nami, anak? Hindi pa rin ba kayo okay?"

Hindi ko kayang magsinungaling kay mommy at mas lalong hindi ko kayang magalit sa kanya kahit na isa siya sa mga dahilan kung bakit nag-away kami ni Nami. Ayoko nang isipin iyon. Ang gusto ko lang ehh magising na si Nami, then we will start all over again.

"Si Nami po... She got hit by a car." Mahinang sabi ko. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko na bumagsak. Hindi kasi mawala sa isip ko na kasalanan ko kung bakit nangyari kay Nami yun ehh.

"Oh my God, hijo!" Gulat na gulat yung ekspresyon ni mommy. "Is she alright??? Kamusta na siya??? Nasaan siya ngayon???" Sunud-sunod na tanong ni mommy.

"The doctor said that she's still in a critical situation. Nasa *insert name* hospital po siya ngayon. Galing ako kanina doon but they insist na magpahinga na muna ako..." Naiiyak na naman sabi ko. Tapos kinwento ko rin sa kanya yung ibang details at hindi niya naiwasan ang magulat. "Mom, balikan natin si Nami...Please??? Baka kasi gising na siya...Baka hanapin niya ako...mom...we need to go back there..."

Instead of answering, she just hugged me. I hugged her back. Nakalma naman ako bigla. Then after a moment of silence, mom spoke, "Bukas pupuntahan natin si Nami, okay? For now, kailangan mo munang magpahinga."

"Pero ma, hindi na ako bata... Kailangan ako ni Nami ngayon..." Sabi ko.

"Please, hijo, bukas nga pupunta tayo doon. Gusto ko rin makita si Nami..." Sabi niya.

"Mom, I miss her." Biglang nasabi ko.

"I can see how much you love her, hijo." Mom said still sitting beside me. Ang lamig ng paligid pero tila hindi namin napapansin yun.

"Mom, kasalanan ko ba..." Actually, It felt so good to talk with my mom about this. Dati kasi, hindi ako ganoong nagke-kwento sa kanya after nung nangyari sa amin ni Rain. Naging ilang ako sa kanila. I never thought na kakausapin ko ulit si mommy about this. Wala na kasi si dad, so si mom na ang tumatayong mommy at daddy ko. I just felt like I needed to stick with it. Kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ni mommy, she's still my mom and forever will be.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon