CHAPTER 43 - AT THE BAR

946 18 0
                                    

CHAPTER 43 - AT THE BAR

OLIVE’S POV

Nasaan na ba si Christian? Bwisit naman oh. Saan ba pumunta yun? Nandito kami sa bar ngayon kasi may ime-meet daw si Christian kaya naman pumayag ako. Pero dahil nga may kakausapin siya, iniwan niya muna ako somewhere sa loob ng bar na ito. First time ko sa lugar na ito at talagang nangangapa ako dahil sa malaki rin yung bar na ito.

Kung saan-saan na ako nagsususuot para hanapin si Christian dahil naiinip na ako.

I check my phone.

10 messages received.

 

Baka si Christian na ito. Pero nang buksan ko ito ehh puro text pala ng mga kaibigan ko. At iisa lang ang laman ng mga text messages nila. Na pumunta daw ako kila Celyn dahil magmo-moviemarathon daw kami. OMG, bakit ngayon ko lang nabasa ito? Pero sabagay, alam na rin naman nila na si Christian ang kasama ko ngayon dahil nga nabanggit ko ito kila Nami at Celyn kahapon sa school.

Sila-sila lang din ang nag-text pero ni isang text galing kay Mark? Wala akong natanggap. Hindi ko alam kung masama pa rin ang loob niya sa akin dahil sa ginawa ko. But what can I do? Huli na ang lahat eh. I accepted Cristian again. Sana lang ehh wag kong pagsisihan ang pinili ko.

Sa totoo lang ehh nalulungkot ako. Nalulungkot ako sa nagawa ko kaya nga hindi ko alam kung tama ba ang desisyon na pinili ko. Ang busted’in si Mark at makipagbalikan kay Christian. Tama ba ang isang desisyon kung hindi ka masaya dito?

I mean...masaya ako na kasama ko si Christian...Napapasaya niya ako pero malungkot ako kasi nasaktan ko ang kaisa-isang taong walang ibang ginawa sa akin kung hindi ang mahalin at ipagtanggol ako. Pero anong ginawa ko? Binalewala ko kung ano mang nararamdaman niya para sa akin.

Nami-miss ko na rin siya. Nami-miss ko na yung mga panahong nagtatawanan kami...yung mga panahong naga-asaran...Mababalik pa ba iyon?

Sa tuwing kasama ko si Christian, hindi siya mawala sa isip ko. Sa tingin ko naman ehh dahil masakit din para sa akin na nasasaktan ko ang kaibigan ko. Hindi bay un lang naman yun? Nasasaktan ako dahil nasasaktan ko siya?

Hayyyy, kaya din ako sumama dito kay Christian ehh para magsaya. Gusto ko rin uminom kahit konti. Gusto kong makalimutan muna lahat ng problema. At dapat na si Christian ang kasama ko dahil boyfriend ko siya at girlfriend niya ako. Pero nasaan na nga ba yung lalaking yun? Sabi niya saglit lang daw siya eh.

I passed several tables...Tinatawid ko na ngayon yung dance floor kung saan punung-puno ng mga taong nagsasayawan. Nakakaasar! Ganito ba talaga sa bar na ito? Puro sexy dance? Tapos yung mga suot pa ng babae akala mo mga prostitute! Seryoso ako, promise. Napakaiikli ng suot tapos puro pakita pa ng cleavage at likod. Nahiya naman daw yung outfit ko sa kanila noh? Paano ba naman ehh naka-pants ako ng kulay white and blouse navy blue at sleeveless tapos naka-flats lang ako.

Yung totoo? Kung hindi nga lang madilim sa bar na ito ehh baka napagtawanan na yung suot ko. Bukod-tanging sa akin lang yung conservative tignan na damit eh. Psh. Kung alam ko lang na ganito ditoat kung alam ko lang na mawawala si Christian, eh di sana hindi na lang ako sumama diba. Yung totoo? May dress requirement ba dito? Bakit nakapasok ako? -_-

Habang dumadaan ako sa dancefloor, hindi maiwasan yung mga taong nahahawakan na ako. At alam kong kamay iyon. Sobrang naiilang ako kaya napagdesisyunan ko na lang na bumalik sa inuupuan ko kanina kaysa naman sa nababastos ako ng ganito. Hindi ko rin naman makita kung sino yung humahawak sa akin dahil nga madilim. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko nang yung pang-itaas na bahagi na ng katawan ko ang nahawakan. Nakita ko kung sino ang gumawa nun kaya naman sinampal ko ito.

“Ang arte mo, miss! Halika nga dito.” Tapos hinatak ako habang nakahawak yung kanang kamay niya sa batok ko at akmang hahalikan ako. Hindi ako makapalag dahil masikip ang paligid at hawak naman ng isa pa niyang kamay ang isa ko rin kamay. Ang nagagalaw ko lang ehh yung kaliwa kong kamay pero hindi sapat ito dahil sa mas malakas siya sa akin.

 Naririnig “Bitawan mo ako!!!” Pero tila walang naririnig yung bastos na lalaki. Patuloy ako sa pagwawala pero hindi ko kaya. Tila wala ring nakakapansin sa amin dahil sobrang lakas din ng pagpapatugtog at gaya nga nag sinabi ko, madilim ang paligid. Busy sa kanya-kanyang Gawain ang mga tao. May sumasayaw, may umiinom, may nagke-kwentuhan lang, may nagme-makeout at kung anu-ano pa, dahilan upang walang makapansin sa sigaw ko.

“Bitiwan mo siya.” Pero laking gulat ko na lang nung sa isang iglap ehh nakaupo na siya sa sahig. Yung boses niya... Kilalang-kilala ko siya. Hinatak na ako nung taong sumuntok sa lalaking nambastos sa akin. Hindi na ako nagprotesta at patuloy na nagpahatak na lang sa kanya.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon