CHAPTER 41 - FRAGILE

Start from the beginning
                                        

"Alam mo, sabi nila kapag malungkot ka tumawa ka." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kabahan ka nga. Paano ka tatawa kung malungkot ka? Ugok." Inirapan lang ako ng gago.

"Shunga mo bes. Ibig sabihin nun, kapag malungkot ka maghanap ka ng mga bagay na makapagpapasaya sayo. Kung wala kang mahanap, Edi ikaw mismo ang gumawa ng paraan para sumaya ka. Di ka lagi dedepende sa iba para sumaya ka. Kailangan lang alam mo sa sarili mo kung saan ka sasaya."

Minsan kahit nasa pinaka gagong version si Zac may mga sense din talaga ang pinagsasabi ng baliw na toh.

"Salamat, boy Labo."

"Walang anuman, hello kitty. Hahaha."

"Gago! Pakyu!" Kinurot ko nga sa gilid ayun napa ngiwi.

"Pakyu too!" Sagot niya.
"Ohmygad! We fuck each other na! Tayo na ba?" Binatukan ko nga.

"Bastos!"

"Pero nakangiti ka. Hahaha. Yan ganyan lang. Smile lang. Balato naman jan!" Kiniliti pa ko ni Zac baliw talaga.

"Aish! Yoko nga! Ang kulit mo noh? Ano meron?" Tanong ko. Nagtataka lang ako. Bang hyper ng gago.

Tinggal niya yung pagkakaakbay niya.

"Ayoko lang makita yung taong espesyal sakin na malungkot. Ayokong makita siyang nasasaktan, doble yung sakit sakin." Seryoso siya at sa dagat lang nakatingin.

Bilib talaga ako Kay Zac. Di ko man sabihin alam Kong nanjan lang siya. Di siya aalis. Di niya ko pababayaan.

"Salamat, Zac."

"Pero di ikaw yung tinutukoy ko.. hahhaah! Aray!" Binatukan ko nga.

"Ano ba! Seryoso kasi. Di ko alam kung paano babawi."

Tiningnan niya lang ako.

"Di ko alam kung paano kita masusuklian."

"Makita lang kitang masaya, okay na ko. Panatag na ko."

Sobrang swerte ko. Maraming tao na nanjan sa tabi ko.

"Aish. Payakap nga." Ako na ang humatak sa kaniya at niyakap ko siya.

Ramdam ko ang gulat sa kaniya Pero Natawa na rin siya at gumanti na rin sa yakap ko.

"Tama na. May nagseselos na oh." Napalingon ako sa sinasabi niya.

Si James. Walang emosyon at nakatitig kang sakin. Umalis na ko sa pagkakayakap at tingnan ko pa siya.

Pero agad siyang umiwas ng tingin at naglakad palayo. Nalungkot ako.

Napailing ako. Eto na naman. Nalilito na ko.

"Kayanin mo." Sabi ni Zac at hinihimas ang likod ko.

Napabuntong hininga lang ako.

Kinagabihan..

"Truth or dare?" Nakakalokong ngisi ni Brent Kay Bella.
Baliw talaga pati kaibigan ko niloloko nila.

Natapat kasi yung nguso nung bote Kay Bella.

"Truth na lang! Ayoko ng dare baka halikan na naman yang ganyan. Korni."

"Psh. Matapang ka ah. Sino saming mga boys na nandito ngayon ang pinaka gwapo at hot na nakita mo?"

"Si James. Crush ko pa nga siya eh!"

Napahiwayan ang mga tao, nagitilian naman ang mga babae. Tumingin sakin si James.
Ngumiti rin ako.

Okay lang. Magiging okay lang din ang lahat.

"Naks! Lakas talaga! Haha oh ikaw na!" Inabot sa kaniya yung bote at siya naman ang nagpaikot.

Tuwang tuwa ang gaga. May pinaplano yata.

Tumutok yung nguso ng bote Kay Brent. Napalunok ng tatlong beses Si Brent. Hahaha ang cute lang. Parang batang nakagawa ng kasalanan.

"Truth or dare?" Nakangising tanong ni Bella.
lumingon pa sakin ang gaga.
May di ako magandang nararamdaman.

"Truth."

"Pwede mo bang ipaalam samin kung sino dito yung taong importante sayo at takot kang mawala siya?"
Lahat ng tao seryoso at nakatingin lang Kay Brent. Ako din nakatingin lang sa kaniya.

Nakayuko siya at nilalaro yung buhangin gamit yung palad niya.

"Si Nica."

Lahat ng tao maliban kanila Inigo at James Napa singhap at halatang gulat na gulat. Lahat ng atensyon nalipat Kay Inigo.

Siguro, yun kasi ang alam nila tungkol sa amin ni  Inigo. Na kami talaga. Na inlove na in love kami sa isat isa.

"E-eh di ba... Si-Sila ni... sila ni Inigo?" Di ko alam kung saan nakakuha ng lakas ang gaga para magsalita ng ganyan.

Oo, kami nga. Yun ang alam niyo. Pero tatlo sila. Tatlo silang ginugulo ang damdamin ko.

"Oo naman. Kaya Si Nica ang sinabi ko because first of all, siya ang girl best of bestfriend ko." Napangiti ako. Ngitian niya din ako.

Aish. Si Brent talaga.

"Siya yung klase ng tao gagawin ang lahat maging light lang ang sitwasyon. Gagawa siya ng paraan para mapasaya ka. Matanggal lang ang lungkot na nararamdaman mo. Siya rin yung tao na sa tuwing nanghihina ka, gagawa siya ng paraan para mapalakas ang loob mo." Nakangiti lang siya sa kawalan. Na parang may mga naalala. Nakangiti lang siya sa buhanginan.

Parehas kami. Naalala ko yung kakulitan naming dalawa. Yung tawanan namin pati yung seryosong usapan namin minsan.

Marami na ring nangyari.

Mahabang katahimikan ang namayani sa gitna namin.

"Pero kabaligtaran nun, lahat ng sinabi ko tungkol sa ginawa niya di niya kaya gawin sa sarili niya."

Napatitig ako sa kaniya.

"Kaya niyang mapasaya at mapalakas ang loob ng isang tao. Pero di niya kaya yun sa sarili niya. She's very fragile. Para siyang babasaging baso na may maganda at nakakaaliw na design."

Huminga muna siya ng malalim bago ulit magsalita.

"Kaya niya mapangiti ang ibang tao pero sa loob niya mismo, babasagin siya. Kailangan may hahawak ng maigi sa kaniya para di siya mabasag. Ganun siya ka importante sakin."

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

KYOWA'S NOTE:

Just wow. Ganun pala nararamdaman ni Brent Kay Nica. Just wow lang.

Paulit ulit lang. Hahaha. Di pa rin ako maka move on sa new cover. Maganda talaga siya. Hemwehemwehemwe.

Salamat sa mga nagbabasa at nabovotes! Alam niyo na yan! Pati typos sensisya, marami yan paki intindi na lang. (ಥ_ಥ)

Yun lang po! Salamat! ♥

STATUS: In a RelationSHRIMPWhere stories live. Discover now