Chapter 32: Excitement

1.3K 41 0
                                    

Gavin's POV

Hindi na ako mapakali kanina pa lang, hindi ko na maexplain kung ano ang nararamdaman ko. Parang hihiwalay ang baga ko sa sobrang kaba.

I'm so excited and I can't control my emotions.

Hinanda ko na ang mga damit ko.

Marami akong kinuha dahil balak kong magtagal sa kanila.

Gusto ko syang makasama kahit ilang araw lang. Gusto ko syang mayakap, makita at mahagkan.

"What the heck dude! Kanina ka pa aligaga." Sabi ni Enzo.

"Shut up dude." Sabi ko at natawa lang sila.

"Excited to see your WIFE huh?" Sabi naman ni Hero.

"Shut up both od you. Heh." I said as they chuckled.

"Ano ba mas bagay ibigay? Flowers and chocolates or teddy bear?" Tanong ko.

"Kuripot ka. Ibigay mo na lahat. Kung ako kay alys, hmm, bibilhin ko na halos lahat ng makakapagpasaya dun." Sagot nya.

"What the eff is going on between you two?" Tanong ni Hero.

"I proprosed yesterday night and she said yes as my girlfriend." Sabi ni Enzo.

"What about you and sofia?" Tanong ni Enzo.

"Well, 'closer to each other' level." Sabi nya at brinush ang buhok nya gamit ang mga daliri.

"You know enzo what makes Alys cry into so much happiness?" Tanong ko.

He shrugged.

"Give her a dream catcher. Binigyan ko sya noon nung magkaaway kami noong mga bata tas yun. Kuya na tawag niya sakin since then pero nung nag high school tayo, sabi ko wag nya ko tawaging kuya kase baka isipin nila si Miss Olivia at Dad." Sabi ko.

"Thanks for the idea dude." Sabi nya.

---

Sabado ng umaga. Ngayon ang pag-alis namin.

"Are you guys ready?" Tanong ni Dad na kasama namin ngayon with the former mutants. Nakasakay kami kay Torc.

We nodded.

Dala ko na ngayon ang mga ibibigay ko kay Ashea.

Hindi na ako makapaghintay. Kung alam ko lang kung saan sya nakatira, kanina pa ako naroroon.

"Our trip will last for 2 hours. Medyo livlib ang mansyon nila Vanessa." Sabi ni Miss Portia na hawak ang timer at tracker pati GPS.

"Why don't we teleport?" Tanong ni Hero.

"Kase, merong malaking electroshield ang bahay ni Vanessa. Binigyan sila ng elemental protection noong pinahatid sila sa Burgundy clan para sa safety nila." Eksplanasyon ni Miss Loraine.

"By the way, bago pala tayo pumunta kina Ashea, we will visit the costa Cresmo okay?" Sabi ni Miss Olivia.

"For what?" Inip na tanong ko.

"Basta." Sabi lang nila.

Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko na syang makita.

Naiirita ako sa mga kaek-ekan nitong mga to. Bakit ba kase may mga ganun pang visit?! This ain't a study tour. It's a field trip. Tsh. If they only know.

"Well, ngayon... a person asked a favor to us. To bond with you. To our children. Except for Lorainita, walang anak kase binasted nya yung manliligaw nya nun kaya si Paulene, Hero at enzo, makakabond nyo si Lorainita." Asar ni Miss Olivia.

"Oh shut up Olive." Sabi nito at umirap pa.

I'm sort of entertained. I wanna hear there thoughts. The eay they used to be.

"So we will start our first activity." Sabi ni Miss Olivia.

"Ano gusto nyong activity?" Tanong ni Miss Loraine.

"SPIN THE BOTTLE!" sigaw ni enzo.

"Okay, what are the rules?" Tanong ni Miss Portia.

"Kung sino matuturo, ikwekwento yung love story nila ng asawa niya. Except for Miss Loraine. Suitors na lang sayo." Sabi ni enzo at nagtatatawa nanaman.

"Oo nga mommy. Gusto ko yun." Sang-ayon ni Sofia.

They all looked to each other and sighed.

"Fine. Spin." Sabi ni Miss Portia na tila ba wala ng choice.

Naituro ang botelya kay Miss Loraine kaya tumawa kami g lahat at halata ang pagkaasar nya. Inasar pa sya ni Miss Olivia kaya lalo syang naasar.

"Fine. Ako na yung walang love life. No, ganito kase yun. When I was still a mutant, kaming mga mutants ha. We are linked to some pathetic persons." Sabi nya.

"Pero type mo si Josiah noon kaya binasted mo si Clifford." Sabi ni Miss Olivia na ikinaasar ni Miss Loraine.

"Oo. Ganun nga. Si Josiah ay isa sa mga decendants ng Mystic high as well as Clifford. Kaso, yun..sila na ni Trishaine hanggang sa kinasal sila and I was left out of nowhere. Since then, ayoko na." Malungkot nyang pahayag.

"Okay na? Spin na." Sabi ni Miss Loraine na binali ang katahimikan sa sasakyan.

Naituro kay Miss Olivia ang bottle kaya nashock sya.

"Alys, watch your mom." Banta ni Miss Loraine na ikinatawa namin.

"Shut up Lorainita." Sabi nito at pinalo ang braso ni Miss Loraine.

"Hmm, when I was 7 years old, kaibigan ko na si Larry. We used to be bestfriends. He isn't a mutant but we still consider ourselves eith the same level." Sabi ni Miss Olivia.

"Then as time flies by, we labelled our relationship. We became lovers and we had a baby. She's now a grown up girl. She's brave and she's beautiful. She's fearless and she's loving. My pilar of strength and my everything." As she say that, her voice cracked. Pero naunahan na sya ng pag-iyak ni Alys.

Nakatakip sya ng mukha at nakatalikod sa amin.

Alys was always like that. She loves hiding her feelings even if it's obvious.

"Alysza Marielle is her name. She'll be my forever princess." Sabi nito at rumagasa na ang sunod-sunod na pag-iyak.

Hindi talaga sya nilapitan ni Alys.

Yan ang problema kay Alys. Pag nahihiya sya or nagkaroon sya ng galit sa to na iyon, she'll never approach that person. Sana hindi ganoon ang gawin nya kay Ashea.

Binigyan namin ng tissue si Miss Olivia. Parehas sila ng ugali ni Alys. They don't approach the people whom they have problems with.

Sumunod na pinaikot ang bote.

Tumama ito kay Miss Portia na nagpupunas pa ng luha dahil nadala sa mga pag-iyak ni Miss Olivia.

"Now, your Mom's turn." Sabi ni Dad kay Sofia na nagbalik ng tawa at ngiti sa amin.

I wonder what's behind their love interests. I don't know but I want to know.

*****

Sixth Sense✔Where stories live. Discover now