Chapter 20: The Encounter

1.9K 67 0
                                    

Agad na kaming dumiretso sa bahay ni Edgar para isiwalat na ang mga ideas namin at para mahuli na ang killer.

Kinausap na rin namin ang pulis at ininform na huliin kaagad ang killer pagkatapos ng pagsiwalat.

Lahat ng leads ay mga tulala at balisa.

Tinitigan ko ang killer at napalunok sya dahil sa kaba.

Pinapakita nya lang ang takot sa mukha nya.

"We already deducted accurately, and the ideas plus the evidences and your statements connects each other. Pero sa kabilang banda, nalaman na rin namin ang killer." Sabi ni Gavin.

"Oh come on, sino na?!" Reklamo ni Cristal.

"But first, gusto kong malaman nyo at ng killer na ang pera na hawak ni Edgar ay ibabalik sa Spade Casino. In that case, walang makikinabang." Sabi ni Enzo.

"It's.. it's you." Turo ko sa killer.

Nanlaki ang mga mata nila.

"What the... how did..." putol putol na sabi ni Felix.

"Yes Felix  Rodriguez, ikaw ang killer. sinabi mo na natalo mo sya hindi ba? At nalaman namin na ang panalo mo ay katumbas ng 5 million pesos. Pero hindi mo nakuha dahil nakatago ito sa isang gilid ng cabinet and nagmadali ka na umalis ng marinig mong nagrecord sya ng voice hindi ba? Hindi nya nga lang nabanggit ang pangalan mo dahil ayon sa autopst, nagkaroon sya agad ng rigor mortis which means, maaaring nagpang abot pa kayo. Ayaw nya rin ibigay ang limang milyon kaya napatay mo sya." Paliwanag ko.

Agad na syang natulala at nakita ko ang guilt sa mukha nya.

"Pero may kasalanan din sya! Kung sana ay naging patas sya, edi sana hindi sya namatay! Masyado syang sakim!" Pagwawala niya.

Dinismiss na rin namin ang dalawang leads kanina at sumakay na kay Torc.

Ng pasakay na ako, napatigil ako.

Napalingon naman sila sa akin.

Lumingon ako sa likod ko at naramdaman ko ang presensya nya. Hindi ko lang makita dahil madilim na rin.

'Victory will never be in your group. Never'

Napakurap na lang ako ng mawala ang bigat ng presensyang nararamdaman ko.

"Dark Apparatus!" Sigaw ni Alys at napatingin kami sa tinititigan nya.

Lumabas dun ang tatlong tao.

Isang babae, isang lalake at isa pang babae.

Sandali, namumukhaan ko ang nasa gitna.

"Rosemarie." Bulong ko.

Napatingin sila sakin.

"Anak ni Thiena! Ang kasama nya ay descendants!" Sambit ni alys.

Lumapit sila sa amin.

"See this?" Sabay litaw ng isa pang babae.

"Isa yun sa burgundy fighters." Bulong ni enzo sa amin.

"This is our comeback bitches!"

Sabi ni Rosemarie sa amin at nakita ko na ginilitan nya ng leeg ang babae.

Sumuka ng dugo ang babae at pagbagsak nya ay sinabayan namin nila Alys ng pagsigaw at pagtakip ng bibig.

Lumapit sila lalo at nakita ko ang pag ilaw ng violet cold eyes nila.

Biglang naglabas ng baril ang babaeng katabi ni Rosemarie.

"Tuloy mo na Keira." Sigaw ng lalake.
"I got this Niko!" Sabi ng babae at tinutok ang baril sa amin.

Sixth Sense✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora