Chapter 23: Nightmare warning

1.6K 42 2
                                    

Isang maingay na putok ang kumawala sa paligid.

Napatingin ako sa hinihigaan ko at nakita ko si Gavin na hawak ang tiyan nya.

Nakita ko ang paglabas ng dugo doon at pagsuka nya ng dugo.

"Gavin!" Paulit-ulit kong sigaw.

Tuluyan syang bumagsak sa mga kamay ko at nakita ko ang tao sa likod nya.

Si Thiena.

Si Zeyo.

Si Xavier.

Sila ang naroroon pero si Thiena mismo ang pumatay kay Gavin.

"GAVIN!!" Sigaw ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Isang ngiti ang pinakawalan nya bago pumikit.

Tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata ko.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang lupa na halos balutin ng dugo.

Sila Alys, enzo, sofia, at hero ang naabutan kong nakahandusay at wala ng buhay. Nasaan si paulene?

"Hindi! Hindi!!" Banggit ko.

"See? You are a bad luck! And this scene? This reminds me of my daughter. My daughter who got killed for your survival." Sabi ni Thiena.

"Hindi ko---" hindi ko na maituloy ang sasabihin ko.

Gusto kong hanapin sila Miss Portia pero lahat sila ay wala ng buhay.

Hindi. Hindi pwede! Hindi.

"Bakit nyo---" I can't continue.

"Oh shut up little girl. Your life was long been fated and that fate of yours is a parallel scene like your parents." Sabi pa nya.

"Death. It'll be Death." Sabi ni Zeyo at humalakhak ng napakalakas na parang demonyo.

"Tama na! Tama na!!"

Isang baril ang nakatuon sa direksyon ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at dun inintay ang pagputok.

Naramdaman ko ang pagkalabit ni Zeyo ng gantilyo dahil sa sixth sense ko.

Inintay ko ang maliit na piraso ng bullet na papatay sakin pero ng marinig ko ang isang pagbagsak sa harap ko.

Isang paulene ang bumagsak sa lupa.

"Paulene!!" Sigaw ko.

Tinakbo ko kaagad ang distansya namin at nakita ko sya na sumuka ng dugo.

"Paulene no--" banggit ko.

"Salamat sa pagtanggap mo sakin sa maikling panahon." Sabi nya.

"Sandali lang paulene--" sabi ko.

"Masaya akong nakilala ka." Sabi nya at ipinikit ang mga mata.

"Paulene!!"

Bakit kailangan niyang mamatay para sakin? Bakit kailangan niyang isakripisyo ang buhay nya para sakin?!

Bakit?!

Isang malakas na yugyog ang naramdaman ko.

"Baby--" banggit ni Gavin.

I gasped for air the moment I saw him. I automatically hugged him as the tears flows.

"What's wrong baby?" He asked.

Sixth Sense✔Место, где живут истории. Откройте их для себя