Chapter 4: History Class

4.5K 121 1
                                    

Nagproceed na kami sa kabilang building. Ang building ng Academics.

"Ms. Loraine Heiden will be our History Subject Teacher." Sabi ni Alys habang nakaharap sa amin ni Sofia.

Wala pa naman si Miss Loraine kaya kakausapin ko muna si Sofia at Alys.

"Sofia, galing ka rin ba ng mortal world?" Tanong ko.

"Oo. Kahit man ilang beses nilang ipaliwanag sa akin na immortal ako, di ko pa rin ganung matanggap." Sabi nya.

"Alam namin yun. Naiintindihan namin kayo. You know, ako at ang buwisit na lalakeng yun lang ang talagang nakakaintindi sa inyo kase nung freshmen lang kami lumipat dito. Si Gavin at si Hero lang talaga ang nag aral dito since preschool." Sabi nya habang tinuturo si enzo.

Naging interested naman ako sa sinabi nya Well, it's good for me and sofia dahil merong nakakaintindi sa amin.

"At first, di ko matanggap na immortal ako pero natanggap ko rin after how many weeks. Natrain na rin kase kami noong freshmen dahil ang curriculum dito ay hindi katulad sa mortal world. Walang grade levels dito. It's based with your level of sixth sense. Meron lang kami rito ay preschool,freshmen,
sophomore,Junior,seniors at  mutants. And to our level, we are at the second to the highest part of the hierarchy."  Sabi nya.

"The highest are the high profile personnels and staffs here in Mystic high like Ms. Portia, Mr. Lawrence and Ms. Loraine and the other more. staffs." Sabi nya.

Napalunok naman kami ni Sofia sa sinabi nya. Kaya ba ganun na lang kami respetuhin ng marami rito? Kaya ba ganun na lang kami titigan at tratuhin ng mga tao dito? Aah! I can't believe it.

"Yes. We are indeed a group of highnesses here. That's why they treat us like that." Sabi nya at ngumiti.

Issh! Nakakalimutan kong isarado ang isip ko.

"Kung nagagawa ng mga mutants na basahin ang utak ng nakabukas except for the closed by default at sa mga may ability na magbasa nun, kaya ko rin ba?" Tanong ko.

She nodded.

"Pero paano?" Tanong ko.

"Just think of it." Sabi nya.

Sinubukan kong basahin ang isip nya at...

"You are hungry. Am I right?" Tanong ko.

"Yes." Sabi nya.

Si sofia naman ang nagtry at nagawa nya rin. Well, I guess I'm happy na kahit katiting lang ay natututo ako.

Pumasok na si Ms. Loraine at nagulat naman ako sa nakita ko.

She is very beautiful. Lahat ata ng babae dito ay maganda.

She is tall. Almost the same as miss Portia's height. Maputi, may violet eyes na bilugan at may maitim na buhok hanggang siko nya na may pagka wavy pa.

Nakita naman namin na napatingin sya sa direksyon namin. Nagtama ang paningin namin at isang bagay ang nakita ko. Nag glow for a second ang mga mata nya.

Siguro normal na sa kanila yun.

Ngumiti naman sya agad at pumunta sa harapan.

"So, may bago pala kayong mga kaklase.. Hmm. They all look good." Sabi nya at ngumiti samin.

"Mutants, kailangan nyo akong tulungang matulungan sila na malaman ang history at culture ng Grevory at ng Mystic High." Sabi nya.

"So kailangan natin magrebrowse ng lessons para naman maintindihan nila." Sabi nya.

"Let's start?" Tanong nya.

Seems like marami kami ngayong pag uusapan kaya ayan, kulang siguro ang one hour and thirty minutes para makapagrebrowse kami.

Well, para rin naman to sa amin. We need to deal with them.

"Mutants, our main goal is to protect the mortals as well as our world. We need to save one another. Yan ang pinakagoal ng Grevory Leader na si Mr. Gin Grevory. Pero at the other hand, kalaban natin ang Ze-Lhord. Sila ang dark society. Sila ang main opponent ng Society natin including our allies which are the Leondale and the Burgundy Society." Sabi nito.

Nagulat naman ako. So it means, we have our allies. Strong allies rather.

"The last war was 17 years back. Noon kase, iisang malaking sama-samang tribes or societies ang bumubuo sa Carmeleon. Pero dahil sa pagiging sakim ni Mr. Zeke Merdegor kinalaban mya ang lahat ng tribes na bumubuo sa carmeleon hanggang sa naisipan ng council na ibuklod ang societies sa apat. Ito ang Grevory which is ours. The Leondale, the Burgundy and the Ze-Lhord." Sabi nito.

Halos bumagsak ang panga ko sa mga sinabi nya. Hindi na nga ata ako huminga ng matino dahil sa gulat ko.

17 years for real!? Akala ko naman kakatayo lang nito pero I didn't know na napakarami na palang naganap noon. Pero sandali, may kailangan pang iexplain si Ms. Loraine sa amin ni Sofia. Yun ang sinabi ni Ms. Portia.

"Mamaya na lang tayo magchikahan Ashea and Sofia ha." Sabi nya.

Gosh! Binasa nya nanaman ang utak ko. Come on Ashea. Close it!

Natapos ang rebrowsing namin at pinatawag naman kami ni Sofia sa labas.

Naupo naman kami sa waiting corner ng hallway at duon nag-usap.

--

"Sinabihan na ako ni Portia patungkol sa mga tanong nyo." Sabi niya at ngumiti.

Mas nakakagaan syang kausap kaysa kay Ms. Portia at Sir Lawrence. Issh! High profiles.

"Your heads are screaming because of questions without answer isn't it?" Tanong nya.

We nodded.

"Alam nyo naman na siguro na ang parents nyo ay pure Grevorians right? And Mind you—kayo ang new generation ng mutants ngayon." Sabi nya.

"To make it clear.." she said and cleared her throat.

"Kayo nila Alys,Enzo,Hero at Gavin ang magliligtas sa mortals at immortals. We, older ones are still looking for the better side. For the peaceful side of this world. We need light. We need calmness and peace. At sa inyo kami humihingi ng tulong. Iniiwasan natin ang mga gulo at krimen sa mundo ng mga tao at sa mundo natin." Sabi nya.

"Pero bakit kami nanatili sa mortal world? And protect us from what?" Tanong ko.

"Nanatili kayo sa Mortal world dahil kailangan kayong mailayo dito. Para maprotektahan kayo laban sa Ze-Lhord. Ikaw,si Enzo, si Alys at si Sofia ay hindi pa gaanong handa gaya ni Hero at ni Gavin kaya kailangan nyo mailayo muna. Pwede kase kayong matunton ng Ze-Lhord at gamitin laban sa amin." Sabi nya.

"See this mark like mine?" Tanong nya habang tinuturo ang...

Ang mark na nasa likod ng rihht shoulder nya gaya ng sakin.

"Lahat ng Mutants ay merong ganitong mark dahil pagkapanganak nyo pa lang, pinipili na ang mga magiging mutants ng susunod na generation." Sabi nya.

Nanlaki ang mata namin ni Sofia sa sinabi nya.

They are...

Mutants?!

"You mean to say, mutants din kayo noon Ms. Loraine?" Tanong ni Sofia.

She nodded and smiled.

"Ako, si Portia, si Lawrence, si Asleine, si Rome at si Olivia ang dating Mutants. We have the same situations with you." Sabi nya.

I am really amazed. And this time, naintindihan ko na. And I think, naintindihan na rin ni Sofia.

*****

Sixth Sense✔Where stories live. Discover now