Chapter 25: The Endearment

1.5K 42 1
                                    

Maliwanag na tumama ang araw sa direksyon ko kaya napabalikwas ako ng higa at pinangtakip ang kamay ko sa sinag ng araw.

"Rise and shine Baby!" Bati ni Gavin sakin.

Tumayo naman ako ng kama at sinalubong nya ako ng yakap habang buhat sa pang upo ko.

"I love you!" He said sweetly.

"Of course I love you too!" I answered.

Our lips met for just a second. A sweet, memorable and soft kiss made my morning great.

I checked the time and it's just 6:00 in the morning. 3 hours pa lang pala ang tinulog ko simula ng mag-usap kami.

"Bakit ang aga mo kong ginising?" Tanong ko.

"Magde-date tayo. Para kahit papaano, hindi mo ko malilimutan hanggang pagtanda mo. At kahit sa huling sandali mo rito, sana mapasaya kita at mabaon mo yun sa mundo ng mga mortal." Sabi nya.

Ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Tila ba isang boses ng nasugatan pero tinitiis ang sakit.

Masakit para sakin na makita syang ganyan pero mas masakit kung pare-parehas silang malalagay sa panganib dahil sakin.

Bigla ko namang naisip na mamaya na pala ang alis ko. Magpapaalam na lang ako kina Miss Portia at magpapasundo kay tita.

After 8 months of staying here, I never knew that I could find my home. The place where I truly belong.

But in just a snap, I need to leave again. To leave my world again.
"Go, magbihis ka na. Aalis tayo." Sabi nya.

Ngumiti ako at nagsimula ng mamili ng damit sa bag na dinala ko.

"Wear white please." He requested.

I agreed and picked my clothes.

Pumasok na ako ng comfort room dala ang isang white knee length-off shoulder dress at isang puting sapatos.

Makailang minuto, nakita ko sya suot ang isang black shirt with matching black leather jacket and a pair of black pants.

"You look so handsome baby." I greeted him.

His face was enlightened the moment he saw me.

"A fallen angel." Bulong nya sa tenga ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta. Surprise ko yun sayo." Sabi nya lang at ngumisi.

Those smirks and frowns of him are one of the most precious expressions of him that I could keep forever.

"Let's go." Anyaya nya.

Inilahad nya ang braso nya sakin at sinalo ko naman iyon. Nagsimula na kaming maglakad at napagdesisyunang huwag magteleport para maenjoy pa namin ang isang buong araw na magkasama.

Habang naglalakad kami palabas ng school, nagsimula na syang magbilin.

"Basta pag nandoon ka na, huwag mo kong kakalimutan ha." Sabi nya.

"Oo naman. Hinding hindi." Sabi ko.

"Alam mo bang sa mga oras na nakatulog ka sa braso ko noon, sobrang saya ko na. Sobra sobrang saya ang binigay mo sakin." He said.

"You are the sun that gives light to the darkest shadow of someone or something and I am the moon. I get my light from you." He said.

"So what now? What if you're going to leave? Am I gonna live in the dark again?" He questioned me with a sad and painful tone of his voice.

"Then be a sun. That's all that matters. You have to light your dark world and so the others will see you glow." I exclaimed.

He smiled.

"Malapit na tayo." Sabi nya.

"Saan ba?" Tanong nya.

"Duon." Sabay turo nya sa isang madamong bahagi sa labas ng paaralan. Para ring grasslang pero may flowers na at benches. Meron na ring masisilungan.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Naalala mo nung gabi na una kang natulog sa balikat ko? Naalala mo pa ba yung pangako ko sayo?" Tanong nya.

Napangiti ako at napatalon sa kanya ng yakapin sya.

"Thank you.. thank you for bringing me here!" Pagpapasalamat ko.

I saw 3 graves.

Alam ko na kung kanino iyon.

"Mamamanhikan ako." Sabi nya.

Napatawa na lang ako sa sinabi nya. But beyond my laughters, I really appreciate the way of his romance version.

Naupo kami dun at pumwesto sa harap ng puntod ng mga magulang ko at ng nanay nya.

"Ma." Simula ko.

Pinilit kong hindi lumuha pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko.

"Mama, papa. I'm here now. Nandito na ako sa harap nyo. Andito na anak nyo ma, pa. Malaki na ako. Salamat kay tita dahil pinalaki nya ako." Sabi ko.

"Y'know I am so proud to have you as my parents. Sana naabutan ko kayo." Sabi ko.

"Pagod na pagod na ako sa mundong 'to mama, papa. Pagod na pagod na akong lumaban pa. Pero may isang taong nagbigay ng liwanag sakin." I said as I stare on Gavin's peaceful face.

"He calls hinself a moon but he's my sun. He gives light to my dark world." Sabi ko.

"Mabuti syang tao. Kasing buti nya ang nanay nya. Gusto ko kayong makita nila Mrs. Kingsley. Gusto ko kayong yakapin lahat para kahit papaano, maramdaman kong may magulang ako." Hindi ko na napigilan ang pag iyak.

"Para kahit saglit, may gumabay sakin. May humawak sa braso ko at sabihing tama na. Naiipit na ako sa parirala ng tama na at laban pa. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko."

"But I already made my mind. Just like you, I want to tell this world that I deserve to be somebody and not to hide in my shadows. I want to sacrifice something that for sure will cause good to the others." I said.

"I wonder kung naririto kayo. Ganito ba kamiserable ng buhay ko? Ganito ba ang magiging estado ng buhay ko?"

Napatawa ako ng sandali.

"Iniisip ko yung mga panahon na masusugatan ako dahil sa pagtakbo, sana kayo ang gumagamot sakin. Sa mga panaginip at bangungot ko na nagpapaluha sakin, kayo sana ang nagpapatahan sakin. Gusto kong maranasang tirintasin ang buhok ng isang bata gamit ang kamay niyo Ma. Gusto kong maranasang magpunta sa isang ice cream cart at bilhan nyo ni papa. Gusto kong lumabas ng bahay na kasama kayong dalawa habang pinag gigitnaan nyo ako. Gusto ko na kayong dalawa ang magtuturo sakin kung paano gamitin ang sixth sense ko. Gusto ko maranasan yung sinasabitan ng medals sa harap kasama kayo. Gusto ko na sa debut ko, si papa ang unang sayaw ko. At sa panahon na magmamahal ako, gusto ko yung pagprotekta nyo. Gusto ko lahat yun Mama, Papa." Sabi ko.

"Salamat po dahil kahit sandali lang,nailabas ko lahat ng gusto ko ng sabihin sa inyo. Kahit mahirap, kailangan ko ng lisanin ang mundong to. Ayoko na maraming madamay. Akala ko nun, sinumpa ako. Pero hindi. I'm extraordinary. And it's because of you mama, papa. I love you and I truly respect your memories." I said.

*****

Sixth Sense✔Where stories live. Discover now