Chapter 43 - Date ( Part 2 )

Magsimula sa umpisa
                                    

"Eh ayaw mo naman kasi ako patapus---"

"Answer me first wife!" Oh tamo. Bastos talaga to si Zeke.

"Eh dong masama ba? Huhuhu." Tanong ko sa kanya.

"Yes" Diretsong sagot niya.

Eh? Huhuhu.

"Bakit naman Zeke?" Tanong ko ng nagtataka.

Bakit bawal? Magagalit ba si kuyang sinusundan naming kanina? Eh hindi naman niya alam diba? Huhuhu. Hindi kaya chinikabels na ni Zeke sa kanya? May pagka-tsismoso pala to si Zeke.

"Because I-I'm jealous" sabi ni Zeke ng nakatungo kaya mabilis akong napatingin sa kanya.

Jealous?

"Dong diba si Zeke ka? Paano ka naging si Jealous?" takhang tanong ko sa kanya.

Ano bay an! Ang dami namang pangalan nito ni Zeke.

Mula sa pagkakayuko ay tumunghay si Zeke na may nanlilisik na mata. "Ginagago mo ba ako babae?"

Ako pa? Ako pa daw nanggagago? E sya nga tong Ezekiel Roswell ang pangalan tapos biglang magiging jelous---

Omygod! Hindi kaya—"Nagseselos ba ang ibig mong sabihin dong?" ano bay an Aemie! Bakit ba hindi ko agad na-gets? Nahahawa na yata ako minsan sa pagka-slow ni Zeke eh.

"Tss."

Ibinalik ko ang tingin dun sa kuyang sinusundan naming kanina.

Nag-iba nap ala taste ni Zeke sa lalake ngayon?

"Dammit wife, will you stop staring at him?"

"Hehehe. Sige dong." Napaka-seloso naman nito, hindi ko naman aagawin sa kanya si Kuya eh, saka ano ba nagustuhan nya don? Mas gwapo pa nga sya dun eh.

"Good. Tss."

Nagseselos nga si Zeke. Huhuhu. Na-love at first sight yata siya dun kay Kuya.

"Tss." Napatingin ako kay Zeke. Akala ko sakin siya nakatingin pero sa likod ko pala. Eh?

"Sino tinitignan mo dong?"

Hindi niya ako sinagot kaya tumingin nalang din ako sa likod ko.

Nakasuot ng gray suit at napapaligiran ng maraming lalakeng nakasuot ng black suit ang tinitignan ni Zeke.

"Men in black dong?" pabulong na tanong ko sa kanya.

"Nah" tipid na sagot nito.

Ibinalik ko ang tingin dun sa mga taong nasa likod ko pero hindi ko gaano makita kasi nakatalikod din saken yung lalakeng naka-gray. Don't tell me type din to ni Zeke?

Aba! Sumosobra na to ha! Date naming tapos kung kani-kaninong lalake nakatingin.

"Here's your order, Mr. and Mrs. Roswell" Umayos ako ng upo nung dumating ang order—wait "Naka-order ka na agad Zeke?" parang hindi ko naman napansin.

"I call for a reservation"

"Ahh" tumango-tango nalang ako. Buti naman at hindi na masyadong mainit ulo nito.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon