Chapter 47

691 43 9
                                    

Kath's POV

"Ian, tawagan mo na si aldray. Okay na sabihin mo. Pwede na silang pumasok dito ni saki." Nakangiting sabi ko kay ian pagbalik namin sa mga pwesto namin.

Sabay sabay kaming nagsilabasan sa backstage. Actually, planado ang lahat. Noon palang unang practice nila at nakita namin kung gaano kaarte si dustine. We doubt kung may pag asa kaming manalo dahil sa kaartehan nya kaya naman umisip kami ng paraan to make sure na lalabas ang sweet side nya.

Si saki ang nakaisip nito. Simula noong nalaman nya na si crys na at dustine at nung nakita nya kung gaano kacorny ang mokong na yun. Naisip nya na pwede.

Actually naisip ko rin yun dahil ako naman ang mas naunang nakaalam sa relasyon ng dalawang yun kesa sa kanya kaso masyadong magulo ang utak ko. I'm too occupied lalo na't may lecheng nanggugulo sa akin araw araw.

Pinakalat namin sa buong campus na ang sasali sa pageant ay ang royal couple ng university pero we made sure na hindi muna malalaman ng dalawa.

Sorry agad sa kanila.

Wala na kasi kaming maisip na paraan para mailabas ni dustine ang pagiging sweet nya at isa pa, sadyang kay crys lang talaga sya nagiging tuko. Gets nyo? Feeling nya yata mawawala yung babaeng yun eh. Masyado syang paranoid.

Inayos ni president sheena ang lahat. Since magkasukat lang ang kurba ng katawan nila saki at crys. Hindi nahalata na lahat ng preparations mula sa lahat ng mga gagamitin nila na kasuotan ay para sa kanya.

Pangalan nya na rin ang nakalista. Palabas lang ang lahat kumbaga.

Galing namin no?

Actually sure na sure na kasi kaming sya na talaga ang rarampa. Kung sakali man na hindi sya pumayag, no choice rin kami. Si saki parin. Kaso sadyang epal ang rian na yon. Thank you na rin sa kanya dahil mukhang mas lumakas ang fighting spirit ni crys dahil sa pangdadown nya.

Everything's going well at mukhang naayon ang lahat sa plano namin. Hindi naman din kasi totoong nasprain ang paa ni saki. Echos lang yun. Ang totoo nyan, nasa labas lang sila ni aldray at naghihintay.

Alam ng lahat ang plano maging ang members ng supreme student council except kay crys at dustine. Yes, sila lang ang walang alam.

Mabilis kumalat ang balita sa buong campus pero ginawan namin ng paraan. As the campus idols, we used our power to manipulate the students. Sinabihan namin ang bawat isa na hindi ito maaaring malaman ng royal couple kundi ay matatalo ang NU at nakinig naman sila since ayaw rin nilang maging talunan ang NU.

Oo, kami na ang wise. Eh kasi naman no! Wala na talaga kaming maisip na paraan. Alam naman kasi naming laging kasama si crys sa practice at kahit ganun ang babaeng yon, alam ko ung utak non mabilis din at isa pa, may experience naman sya sa pagrampa. Hindi na masama. Sanay rin naman syang magsuot ng heels. O di ba?

"Baka nauuhaw ka. Tubig oh." Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko ng makita ko ang tubig na inooffer nya sa akin.

I rolled my eyes.

"Hindi ako nauuhaw. Thank you nalang." Pagsusungit ko matapos kong hawiin ung braso nya sa harapan ko.

Ngumiti sya sa akin ng pagkalawak lawak. Ay grabe talaga! Nakakainis! Bat ba sya bigla nalang naging ganyan? Akala ko ba nagkamali sya?

"I know you're still mad. Hindi naman kita masisisi. Pero matyaga naman ako kaya wag kang mag alala." Ngumiti pa sya lalo bago ibinalik ang mga mata sa entablado.

Napahugot nalang ako ng malalim na hininga.

Daven Kurt Dela Rosa. Why are you doing this to me? Can't you just stop it? Ayoko ng laro.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon