Chapter 6

889 38 14
                                    

Hinahanap ko si kath ngayon. Lunch break na kasi at usually naman sabay kaming pumupunta sa tambayan o kaya naman sa cafeteria. Nakasalubong ko naman si liz na nakikipag usap sa mga babae na sa tingin ko may dinidiscuss about sa subject nila.

"Liz!" Natigilan naman sya at napatingin sa akin.

"excuse me.." Paalam nya sa mga kausap at lumapit sa akin. "oh? Anong problema?"

"Naglunch kana?"

"Oo e, pasensya na. Kinailangan ko kasing sumabay dito sa mga groupmates ko."

"okay lang, sila saki? Nakita mo?"

"hindi e, pero sa pagkakaalam ko magkasama si saki at aldray. Si ian naman at si cess magkasama din. Si lyn? Ewan ko nalang"

"ganun ba? Sige, una na ko girl! Hahanapin ko si kath e"

"sige!"

mabilis na akong naglakad palayo. Nasaan na ba ang babaeng yun? Nakakaloka sya huh!

Nakasalubong ko naman sila matthew at drake. Another question mark on my mind. Hindi nila kasama si jerk? Usually naman kasama rin nila yun ah.

"Hi crys! Are you looking for someone?" Drake asked me.

"yep! Hinahanap ko si kath e, nakita nyo ba?" Tanong ko umiling iling naman sila.

"I haven't seen her, baka may importanteng ginawa?" Sagot ni matthew.

"s-sige.. Salamat nalang!" Tinalikuran ko na sila at nagpatuloy na ako sa paghahanap sa bruhang babaeng yun.

Nakarating na rin ako sa field baka kasi nagawi sya dun pero wala naman akong nakita. Wengya! Saan nanaman ba nagsuot yung babaeng yun?

Luminga linga pa ako sa paligid hanggang sa nagulat ako ng may kumapit sa likuran ko.

"H-hoy! Sino ka? Bakit ka kumakapit sa akin? Bitawan mo nga ako hoy!" Reklamo ko.

"Crys! May babae humahabol sa akin! Crys!" Humahangos na sabi nya. Boses palang kilala ko na.

"K-kurt?" Hinila ko sya. "kurt! Anong ginagawa mo dito sa school namin?" Tanong ko pero di nya ako pinansin. Hinila nya nalang ako saka tumakbo.

"Crys nandyan na ung sadistang babae!" Sigaw nya.

"ha? Kurt wag mo akong kaladkarin ano ba!"

"nandyan na sya crys!"

"Crys!!!! Pigilan mo yang manyak na yan!" Narinig kong sigaw ng isang babae kaya napahinto ako saka ko pinigil si kurt.

"kath???"

"Pigilan mo crys!" Sigaw nya.

Hinawakan ko naman si kurt pero nagtago sya sa likod ko. Ano bang nangyayari? Naguguluhan na ako ah!

"Manyak yan crys! Lumayo ka sa lalaking yan!" Sigaw ni kath.

"ha?!" Tiningnan ko naman sa likod ko si kurt. "kurt, ano bang sinasabi nya?"

"hindi yun totoo ah!" Umiiling iling na sabi ni kurt "Hoy sadistang babae! Wag mo nga ako inaakusahan dyan! Sa gwapo kong to? Manyak? Mahiya ka nga!" Sigaw nya pa.

"aba't loko ka pala e! Manyak! Hoy crys lumayo ka dyan!"

"huh? Kath ano bang nangyari? Kurt!" Tinitigan ko sya ng masama.

"Kilala mo yan crys?"

"Oo, kaibigan ko sya kath. Ano bang nangyari ha? Kurt! Magpaliwanag ka nga!"

"eh yang babaeng yan e! Basta basta nalang ako binatukan, hinampas hampas at hinabol habol"

"anong basta basta?! Crys, yang walangyang lalaking yan bigla ba naman akong inakbayan at hinalikan!"

Campus Idols [COMPLETED]Where stories live. Discover now