Chapter 45

752 38 12
                                    

Crystal's POV

Monday morning, maaga ang klase ko dahil ang first subject ko ay si teacher bea. I'll be sitting next to that jerk. Mabuti nalang at maaga akong nagising despite the fact na anong oras na akong nakatulog dahil halos alas-diyes na rin kagabi ng makauwi kami galing kila tita Venice.

Masyado kasing nag enjoy sila mommy at tita sa company ng bawat isa at masyado rin silang nag enjoy sa pagkkwentuhan samantalang si kurt naman, ayun, iniinterrogate ako kagabi sa kung anong mga gusto at ayaw ni kath. Para syang timang na nagtetake down notes sa mga sagot ko. Imememorize nya daw para may alam sya kay kath. Talagang pursigido sya huh? Nakakaexcite naman. Hindi ko naman kasi alam kung anong nagaganap sa kanilang dalawa.

I sighed deeply saka ko inilagay sa bag ko ung phone ko.

Ang balita nga naman, agad agad na kumakalat. Why? Habang naglalakad ako papunta sa classroom. May mga nakakasalubong akong kumpulan ng mga studyante and because I am not deaf, naririnig ko ang mga pinag uusapan. It's not that I'm "chismosa" naririnig ko lang talaga lol.

They're talking about the pageant. Halatang masaya silang lahat, gusto talaga nilang sumali ang jerk na yun ah? Hmm..

"Goodmorning lady crys!" Natigilan ako ng may humarang sa akin na tatlong babae.

"Uh? Goodmorning." Napangiwi ako pero nagulat ako ng bigla nalang humawak sa magkabilang braso ko ung dalawa babae tapos ung isa nananatiling nakatayo sa harapan ko. Ang saya saya nila ah.

"Lady crys! Omygosh! Thank youuuuuuuuuuuu!" Kinikilig na wika nila sa akin.

Nangunot naman ang aking noo. Thank you? For what?

Magsasalita sana ako upang tanungin sila subalit sabay sabay kaming natigilan sa pagdating ng isang lalaki na ngayon ay nakatayo sa aming harapan.

"What are you doing to her?" Taas kilay na tanong nya habang nakapamulsa. "I don't want any of you touching, my queen. Let her go."

Napailing iling nalang ako ng bitawan ako nung dalawang babae tapos nagsikit dikit sila sa right side ko pero hindi parin nawawala ung ngiti sa kanilang mga labi.

"My queen?!" Sabay sabay nilang sigaw.

Napalunok ako ng maglakad palapit sa akin si jerk saka nya ako kinabig. He wrapped his arms around my waist then he smiled at these women. Todo ngiti naman na sila, minsan lang kasi sumilay ang ngiti sa labi ng lalaking ito sa harap ng kung sinong babae lang and now he's smiling at them? Oh jerk! For sure, kinikilig na ang mga iyan.

"You heard it right. She's not just my lady because of that campus idol title, she's my queen either, and of course, my girlfriend." He smiled.

"G-GIRLFRIEND?!" Nagtinginan silang tatlo. "Omygosh! Omygosh! Omygosh! For real!" Sigaw nilang tatlo saka sila nagtatakbo palayo sa amin habang tumitili. What the hell?

"Look what you did. Alam mo namang mabilis kumalat ang chismis dito sa school tapos--"

"It's not just a rumor brat, it's true. And so what if everyone will know about us? I think that's better." Ngumisi sya. "So, no one will have the guts para pormahan ka." He shrugged.

"Tss! Baliktad yata? Ikaw ang maraming fangirls. Nakita mo ung tatlong yun? Crush ka nila." Ngumuso ako.

"Crush nila ako?" He chuckled. "Too bad my heart was actually made just for you. Your name were imprinted here, permanently." He said pointing his heart. Napangiti naman ako.

Huminto sya sa paglalakad nang makaakyat kami sa hagdan saka nya kinuha ung kamay ko. He placed it in his chest. Gosh! Buti nalang walang mga studyante dito sa paligid.

Campus Idols [COMPLETED]Where stories live. Discover now