Chapter 17

795 43 9
                                    


This chapter's dedicated to Ms. Leyana Marie Concepcion.Thanks for the support! ^_^

==============


Crystal's POV

Hindi parin mawala sa isip ko ung nangyari kanina. Bakit ganun? Pakiramdam ko lamang na ako kay rian? Pakiramdam ko mas pinapahalagahan na ako nung jerk kesa sa kanya? Pero kahit yun na ang nararamdaman ko. Mahirap parin naman kung mag aassume ako diba? Kung mag assume ako ng sobra.

Nakatitig ako ngayon sa mukha nung jerk. He's sleeping comfortably, bakit nga ba magkasama kami? Kanina kasing hinila nya ako at niyakap. Sinabi nya sa akin na samahan ko daw muna sya. He needs air, I needed it too kaya nagpatianod nalang ako sa kanya.

Hindi ko mapigilang mapangiti kung paanong pinili nya akong makasama ngayon kesa kay rian. Rian's here, bakit ako ang kasama nya? Bakit hindi si rian? Nakakatuwa. Hindi ko maiwasang maramdaman ung kakaibang spark ng hawakan nya ang mga kamay ko.

Inggit ka? Gusto mo ng spark? Edi magpakuryente ka para magkaspark ka rin. Dejoke! Ako na ang walang originality haha. Nababaliw na kasi ako sa saya ngayon.

Nandito kami sa rooftop ngayon. Nakasandal sya sa pader habang nakapikit. Ako naman nakasandal din sa kabilang pader since magkaharap lang kami. Gustuhin ko mang mas lapitan sya hindi ko magawa. Kahit gaano kakomportable ako ngayon, hindi ko parin maitatangging maraming pumipigil sa akin. Isa na dun ang mismong sarili ko.

Kasi kahit gaano sya kalapit sa akin ngayon. Still, I can't change the fact that he's very unreachable. Napakalayo nya parin sa akin.

"I'm sorry.." I heard him whispered.

"Why are you--eh?" Tumunhay ako at tiningnan ko ung mukha nya. Tatanungin ko palang sana sya kung bakit sya nagsosorry pero ng makita kong nakapikit sya, narealized ko tuloy, nananaginip pala sya. "He's talking while sleeping. He's saying sorry.. Ano kayang meron sa panaginip nya?" I whispered.

Mas lumapit pa ako sa kanya. Itinukod ko ung siko ko sa tuhod ko habang pinagmamasdan ko ung mukha nya.

"I love you.. I didn't mean everything. Please say you love me too.." He said again.

Natigilan naman ako.

A-ano daw?

Hahawakan ko na sana sya para gisingin ng makita kong gumalaw na ung ulo nya pero bigla syang dumilat. Nakakunot ang noo nya habang nakatitig sa akin kaya napaatras ako bigla. Kinilabutan ako kasi ang sama ng titig nya sa akin at napakadilim ng aura nya. Nakakatakot.

"What are you doing?" He asked.

I bit my lower lip. Ano nga bang ginagawa ko? Wala naman diba? Bukod sa pinagmamasdan ko sya habang natutulog sa harapan ko wala na akong ginawa.

"what?" Tinaasan nya ako ng kilay.

"W-wala." Napaiwas ako ng tingin. "nananaginip ka kasi, lumapit lang ako para gisingin ka sana pero dumilat ka naman na kaya nagulat ako." Paliwanag ko.

"Tsk!" Sabi nya lang tapos tumayo na sya at mabilis na naglakad.

"T-teka jerk! Iiwan mo ako dito?" Sigaw ko pero di na nya ako pinansin. Naglakad nalang sya palayo habang nakikita ko pa kung paano nya ilabas ung cellphone nya at itinapat sa tenga nya.

Napaupo nalang ako ng matamlay. Ganyan nalang sya lagi, hihilahin ako tapos iiwan din ako. Hindi na kasi ako nadala. Ilang beses nya na ba tong ginawa sa akin? Nakakainis!

Campus Idols [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang