Chapter 28

678 41 29
                                    

Crystal's POV

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ng jerk na yun kanina. Damn! Why is he suddenly turning to a sweet pathetic man? Damn him. He's very unreadable and I wanted to punch him for being like that. Masyadong pamysterious type ang tukmol na yun. Kala mo naman bagay nya tsk.

'Bagay nya naman talaga diba? Isa nga yun sa mga nagustuhan mo sa kanya eh. Angal ka pa, pabebe ka rin.'

Napailing nalang ako sa bulong ng kabilang parte ng utak ko. Ako yata ung insane eh -_-

Itinutok ko nalang ung atensyon ko sa daan dahil ayoko pang mamatay, mahirap na baka mabangga pa ako dahil sa kanya psh.

"Damn it!" I cussed saka mabilis kong inapakan ung brake. Inis na inis kong tinanggal ung seatbelt ko saka ako bumaba ng kotse at nilapitan ung babaeng basta basta nalang tumatawid sa kalsada at ipapahamak pa ako. "What were you thinking young lady? Magpapakamatay ka ba? Kung balak mo, please naman, wag mo na akong idamay!" Inis kong sambit sa kanya pero nanatili lang syang nakaupo at nakayuko. Napasabunot nalang ako ng buhok ko at tangkang babalik na sa loob ng kotse ng marinig ko ang paghikbi nya. She's Damn crying! "A-are you okay? Nasaktan ka ba?" Hinawakan ko sya sa balikat ngunit mas lalo lang syang umiyak.

Nanlaki naman ung mga mata ko ng iangat nya ang kanyang mukha at makompirma ko kung sino sya.

"T-timmy?" Gulat na gulat na tanong ko.

"K-kilala mo po ako?" Umiiyak nyang tanong ng tuluyan ko na syang maitayo.

"Not really but--hey!" Sigaw ko ng bigla nalang syang natumba. Mabuti nalang at nahawakan ko sya kaya't hindi sya bumagsak sa sahig. "Oh Damn! Bakit ba ako minamalas?" Bulong ko saka ko sya inakay papunta sa kotse ko

She's sick. Again. Kung malas ako ay mas malas pa pala ang batang ito dahil sa tuwing makikita ko sya'y mayroon syang sakit.

"Ahhhhh! It hurts! Ahhhhh!" Mabilis naman akong nagpreno at iginilid ung kotse ko ng marinig ko syang sumisigaw habang nakahawak sa kanyang ulo.

"What's happening?" Hinawakan ko ung pisngi nya pero patuloy lang sya sa pagsigaw na parang namimilipit sa sakit. Nag aalala ako sa batang ito. I'm seeing shawn from her. Kung titigan sya'y nasa 13 or 14 palang siguro ang edad nya.

"It hurts! Ahhhhh! Kuya! Help me!" Sigaw nya na halos iumpog ung ulo nya sa kahit saang parte ng kotse ko pero pinipigilan ko sya. Damn! Natataranta ako.

"What am I going to do?" Kinuha ko ung cellphone ko at mabilis na idinaial ung number ni drake. Hindi ko na kasi alam kung ano nang gagawin ko sa batang to. Para bang nararamdaman ko rin ung sakit na nararamdaman nya ngayon.

"Oh crys! Napatawag ka--shit! Sino ung sumisigaw?!" Sabi nya sa kabilang linya ng marinig ang sigaw ng dalagitang kasama ko.

"Drake help me, hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang to. She's in pain. Dadalhin ko sya sa ospital, pwede bang sumunod ka? Please?" Pagsusumamo ko.

"Okay, tell me where." Sagot nya. Tumango naman ako saka mabilis na sinabi sa kanya kung saang ospital ko dadalhin si timmy.

Patuloy lang sya sa pagsigaw, awang awa na ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pag luha nya, nakahawak na sya ngayon sa kanyang dibdib at tila hindi na makahinga.

"Ano bang nangyayari sayo? Damn it! May hika ka rin ba?" Binilisan ko ang pagmamaneho at ng makarating kami sa ospital ay nakahinga naman ako ng maluwag lalo na ng ipasok na sya sa emergency room.

Nakaupo ako sa mga bleachers dito sa loob ng ospital, kinakabahan ang batang yun. Ewan ko ba pero iba ung pakiramdam ko sa kanya, pakiramdam ko may comnection kami.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon