Chapter 1

1.5K 54 19
                                    


Pagpasok ko sa klase ko, lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Maging ang professor ko na nakasabayan ko lang din sa pagdating ay nakatingin sa akin. I even said sorry to her dahil muntik na akong mahuli sa klase nya, but instead na magalit, napatingin nalang sya sa paa ko. Ugh!

Ganun na ba kabigdeal sa kanila ang pagsusuot ko ng slippers?!

"I didn't know na hindi ka pala maarte Ms. Andrade" she smiled.

"y-yeah?" I said. "masakit po kasi ung paa ko" napangiwi ako.

"ganun ba? Okay take your seat please" sabi nya "sit down beside the guy over there" sabi nya sabay turo sa nag iisang empty chair sa likuran katabi ng isang lalaking nakayuko at may suot pa syang earphones huh? Nasaan ba sya? Nasa bahay o nasa school? Feeling athome? Psh!

"Hi!" Bati sa akin ng ilan sa mga kaklase ko. I smiled at them saying hello.

Pag upo ko, ibinaba ko nalang ung bag ko saka ako umayos ng upo pero nagulat ako ng may mag abot ng mga libro sa akin, tumungo ako at nakita ko si kath.

"kath?"

"classmates pala tayo sa subject na to, buti naman, hinabol kita kanina pero di na kita naabutan. O ayan na ang mga libro mo" she smiled. Nagpasalamat naman ako bago sya bumalik sa upuan nya sa harapan.

"Goodmorning class!" Bati ng professor namin.

"Goodmorning Ma'am!" Sagot namin habang nakatayo pa pero pansin kong ni hindi manlang tumatayo tong katabi ko. Nakayuko lang sya at tila walang pakielam sa mundo.

"you may now take your sit" she said.

Nagpakilala sya sa amin as Ms. Bea Santos but she preferred being called teacher bea kaya sinunod nalang namin.

"okay, since it's our first meeting for today. Gusto kong magpakilala kayo isa isa sa harapan. But, since we have two campus sweethearts here and.."tiningnan nya ung katabi ko na ewan ko kung natutulog ba "we have here one campus heartthrob at magkatabi pa sila ng kanyang lady, magpapakilala sila as partners. And Ms. Katherine Yumi Aragon, as one of the campus idols and girl sweethearts, makakasama mo sa pagpapakilala ang kaibigan nya na si Matthew Monroe. Aryt? At kayo naman, pick one of your classmates to be your partner sa pagpapakilala sa harapan. This is how you are going to do it. Claim your partners, get some ideas behind their personalities, kayo ang magpapakilala sa mga kapartner nyo. Hindi ung sarili nyo ang ipapakilala nyo. Understand? Ms. Aragon and Mr. Monroe, kindly sit at the back. Gusto kong kayong apat ang mahuhuli sa pagpapakilala" sabi nya. Agad namang tumayo si kath at tumabi sa akin, ung matthew naman umupo sa tabi nya. "okay, i'll give you ten minutes to talk with your partners."

Napabuntong hininga nalang ako ng magsimula ng mag usap usap ang mga kaklase ko. Paano ko iaapproach ang isang to? E mukhang nananaginip pa nga! At saka ano daw? Isa sya sa campus idols? So baka si jahlen to? Or aldray? Coco? Christian? Ian? Or ung jerk?! Ugh!

"hey classmate" kinalabit kalabit ko sya pero di sya umiimik. "classmate wake up, we need to do something as partners! Wake up!"

"what?" Inis nya akong tiningnan. Napataas naman ako ng kilay ng makumpirma ko kung sino sya.

"ikaw?!/you?!" Nagtitigan kami ng masama. Buti nalang at medyo malakas din ang bulungan ng mga kaklase namin kaya hindi nila napansin ang pagsigaw naming dalawa.

"I'm bored" sumandal sya sa upuan nya at isinuot uli ung shades nya.

"kainis!" Nanggagalaiti akong tumingin sa harapan. 

I will never ever introduce that guy infront of these people! Kapal nya huh! Matapos nya akong bastusin kanina?! No way!

"10 minutes is over, we will now start introducing your partners infront. Okay, Ms? Start"

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon