Last Chapter

1K 51 3
                                    

PS:Bawal magreklamo !

***

Ally.

The best day of their life.I know na ito talaga ang nakatadhanang mangyari at ito ang alam kong nararapat.

Habang nasa reception kami ay biglang hinawakan ni Brittany ang kamay ko.

"Are you okay Bessy ?"tanong ko.

"Oo naman"sambit ni Brittany at huminga ng malalim.

"Mommy oh si Daddy"pagrereklamo ni Katie kay Ate Janine.

Si Katie ang pamangkin ko.Sya ang panganay ni Kuya Allen at Ate Janine ,3 years old na sya ngayon.Maganda si Katie at mana sya kay Ate Janine.Hahaha.

"Ano na naman ba yan Allen niloloko mo na naman si Katie ?"

"Blehh"biglang dumila si Baby Katie kay Kuya Allen.At ngayon si Baby Katie lang makakapang-inis sayo Kuya Allen.

"Sweetie ano na naman mga tinuturo mo kay Katie"inis na sabi ni Kuya allen.Talagang pinagkakaisahan nila si kuya.Haha.

"Eat more Drian"inis na sabi ni Ate Stephanie.Nakakatawa talaga ang sistema ng mag-mommy na ito.Halatang naiinis na si Ate Stephanie kay Drian dahil nag-gagadgets lang ito at ayaw kumain.

Si Drian ang anak ni Ate Stephanie at Joshua.

"Drian sundin mo si mommy"sambit ni Joshua kaya naman agad na kumilos si Drian para kumain.

Nakakapagtaka lang na kay Joshua lang sumusunod si Drian.Ano yun mag-ama goals ?Haha.

"Why so cute naman Laurice"sambit ko at kinarga si Laurice.

Hulaan nyo kung kanino syang anak.Anak sya ni Kurt at Cath ,oo tama sila nga.

"Kanino pa ba magmamana si Laurice ?Edi sa daddy nya"sambit ni Kurt at nag-smile ng malupit agad naman syang binatukan ni Cath kaya bumawi sya."Joke lang naman eh.Pogi ako at cute lang si Laurice"

Nakakatawa lang na after all his heartbreaks ngayon nakilala na nya ang babaeng para sa kanya.Minsan iniisip ko na siguro tama lang na sinabi ni Cath kay kurt ang salitang i love you.Dahil kung hindi sinabi ni Cath yun hindi sana sila ang naging mag-asawa.

"Baby ?"napalingon ako ng biglang may nagsalita.

"Monster ?"napahawak ako sa bibig ko ng makita ko si Cavill.

"Yes i am"sambit nya at ngumiti.

"Nakauwi ka na ?"tanong ko.

Nagpunta sya sa America for his business.Ilang taon ko din syang di nakita.Hindi ko nga alam kung uuwi pa ba sya dahil ilang taon na sya don.

"Ay hindi ,hindi pa nga ako nakakauwi from America.Nasa America pa rin ako"sarcastic nyang sabi.Lumapit sya sakin at hinalikan nya ako sa noo."Miss mo na ako nuh ?"

"Hindi ah.Hindi kita miss dahil miss na miss na kita"sambit ko at niyakap sya.

"Hoy bawal yan may mga bata kaya dito.Baby wag kayong titingin rated SPG"sambit ni Kuya Allen.Nagtawanan kaming lahat pati mga bata na hindi naman alam ang pinag-uusapan namin.

"Labas muna kami mag-uusap lang kami"sambit ni Cavill.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinawakan na nya ako sa kamay at lumabas muna kami sa reception.

"Ano ginagawa natin dito ?Ano ba pag-uusapan natin ?"tanong ko.

"Naalala mo yung pangako ko sayo ?"

"Anong pangako?"tanong ko.

"Diba sinabi ko sayo na papakasalan kita ?And now ito ang gagawin ko"lumuhod sya sa harapan ko kaya naman kumunot ang noo ko.

"One day i met a girl and i know that she hate me so much dahil pinahirapan ko sya.And one day i realized that im falling for her.Noong iniwan ko sya alam kong nasaktan sya pero hindi sya sumuko she fight alone.And for the second time i broke her heart dahil sa maling pag-aakala.At noong bumalik ako tinanggap nya ako.At sa mga susunod na panahon papakasalan ko na sya.Ally ,Baby ,Babe will you be my wife ?"tanong nya pagkatapos buksan ang isang kahon na maliit.

"Yes i want to be your wife until forever"bulong ko.Tumayo sya mula sa pagkakaluhod at tsaka nya ako niyakap.Isinuot nya sakin ang isang singsing at tsaka nya inilapit ang mukha nya sakin ng dahan dahan.Pagkatapos ay hinalikan nya ako sa noo.

"Andyan lang pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap"inis na sabi ni Brittany habang nakasuot ng wedding gown.Inaalalayan naman sya ng groom nyang si Zeus.

"Brittany ,Zeus ano ginagawa nyo dito ?"

"Hinahanap namin kayo kasi mag-pipicture pa tayo.Pinapagod nyo ako ah"sambit ni Brittany.Kanina pa talaga sya kinakabahan eh.Pero halatang masaya sya.

Tama wedding nila ngayon.Ngayon ko lang sasabihin na si Zeus at Brittany ang nagkatuluyan.Nakakatawa lang na walang nag-akala na sila pala talaga.Maging ako ay hindi ko inasahan na mangyayari ito.

Pumunta na kami sa reception at nag-picture.

Walang nag-akala na ganito pala talaga ang nakatadhana.Minsan may mga bagay na unexpected talaga.

Ngayon masaya na ako sa nangyayari at ayokong matapos pa ito.Minsan sa lahat ng masasamang nangyari sa buhay mo ay may magandang idudulot ito sa future mo.

Ngayon ay masaya na ako sa mayroon ako.At sana lahat ng bagay ay maayos na.

Marami mang heartbreaks sa buhay mo wag kang susuko dahil ang sumusuko ay laging talo.Kaya ngayon kapag sumuko ka ikaw din ang masasaktan.Don't give uo ,just do it.

THE END



When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)Where stories live. Discover now