Chapter 38:Together

956 50 1
                                    

Kurt.

Biglang may nag doorbell kaya naman agad binuksan ng isa sa mga maid namin ang pintuan.

"Sir Kurt ,si Maam Ally po nasa labas.Papapasukin po ba ?"

"Papasukin mo"cold kong sabi.

Unti-unti na akong nakarinig ng mga yapak na papasok sa bahay namin.Inangat ko ang ulo ko at nakita ko na agad si Ally na nakatingin sakin.

"What are you doing here ?"tanong ko.

Umabante sya ng kaunti papalapit sakin para na rin siguro marinig kong mabuti ang sasabihin nya.

"Gusto ko lang mag-sorry"

"Yun lang ? Tch.Nagsasayang ka ba ng oras para lang sa walang kwentang bagay na ito ?Para lang ba sa isang sorry ?Ang babaw mo na ngayon ,nagbago ka na nga talaga"inis kong sabi.

Napansin ko ang unti-unti nyang pagyuko at biglang pagpatak ng luha sa sahig.Umiiyak na sya.

"Kurt ,oo nagbago ako pero ikaw ? Kurt nagbabago ka na ,hindi ka na ang kurt na kilala ko.Ibang kurt na ang nasa harapan ko"pinunasan nya ang luha sa mata nya pero nagtuloy-tuloy pa rin iyon.

"I changed because of you.Hindi na kita makilala Allysa Maniego.After my brother's death ,wala ka na.Wala na yung Ally na lagi kong dinadamayan,wala na yung Ally na lagi nandyan kapag may problema ka.Kung nagbago ako tell yourself kung wala bang nagbago sayo"pinunasan ko agad ang mga mata ko bago pa man pumatak ang luha ko.It's so gay to be like this.

"Kaya nga ako nandito diba ? I want to say sorry."madiin nyang sabi.

"Okay nasabi mo na pwede ka nang umalis"cold kong sabi.

"Kurt naman,ayoko na.Suko na ako lagi nalang bang ganito ? Lahat nalang kayo iiwanan ako ? Akala ko hindi nyo ako iiwan.Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki"inis nyang sabi at tumalikod na.

Pero bago pa man sya makalayo ay niyakap ko sya sa likuran nya kaya napahinto sya.Hindi sya makagalaw at halatang nanginginig ang mga binti nya.

"Im sorry din.Sorry sa lahat ,i just want to make sure na totoo lahat ng simasabi mo"

"Kurt"

"Sshhh.Sorry"bulong ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at tsaka sya umikot para makaharap sakin.Umiiyak sya na humarap sakin at pinunasan nya ang mga luha nya.

"Pangalawang beses mo nang ginawa ito Kurt.Sana wala nang susunod"bulong nya.

Oo tama i used to do this para malaman ko ang gagawin nya.Ayokong lagi nalang maging mabait at maging tanga.Im human too and i want to be fair.I want to know if she sincerely want to say sorry.But i think she did.

"Sana hindi ka na umiyak ng dahil sa kanya.We're matured para umiyak ng umiyak at hindi matutong mag move on.That's life what really is.Be honest and be brave at all.Do what makes you happy"

"Thank you"nakangiti na sya ngayon.She deserves to be happy.

"Ice cream ?"tumango naman sya sa tanong ko.

***

Habang nasa mall kami pumunta muna kami sa NBS bibili daw muna sya ng mga libro.Nakasunod lang ako sa kanya habang pumipili sya ng libro.

Habang paikot-ikot kami sa National book store napansin ko ang isang magazine.Kinuha ko iyon at tsaka ko tinignan ang cover.

Si Ally ?

Oo nga pala model sya.Ang ganda nya dito ,hindi pa rin nagbabago ang itsura nya.

"Ano yan ?"

"I will buy this"tipid kong sagot.

Pagkatapos ni Ally na bumili ng libro nagbayad na kami.Seryoso ,binili ko talaga yung magazine.

"Tara na ?"bago pa man ako maka-react ay hinila na nya ako.Hawak hawak nya ang kamay ko kaya napaisip ko.

TSANSING ?

Joke lang.Hahaha.

"Teka wait sandali"napahinto si Ally sa paglalakad at nagtataka ang mukha nya.

"Bakit ?"

"Si Joshua ba yun ?"tanong ko at nakaturo sa isang direksyon kung saan nakita ko si Joshua.

"Oh my God.Oo sya nga!"

"Sino yung kasama nya ?"tanong ko.

Hindi namin masyadong makita yung babaeng kasama nya.Is he dating someone at hindi nya sinasabi samin ?

"Tara kurt"nagtaka na naman ako.Saan kami pupunta ? "Tago"bigla nalang nya akong hinila sa kung saan at nang huminto kami ay tinakpan nya ang bibig ko.

"Don't make some noise"sobrang hina nyang sabi.

RAPE ? Whoaa . RAPE ?

Lord virgin pa po ko.Wag nyo pong hayaan na may kumuha na nito.Mahal na mahal ko po ang sarili ko at sa mapapangasawa ko lang ibibigay ito.

"Ano ba iniisip mo huh ?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan"sambit ko.

Napahinto kami ng biglang dumaan si Joshua together with a girl .

Wait.Stephanie  ?

"Stephanie"mahinang bulong ni Ally.

Dahan-dahan namin silang sinundan sa isang restaurant.Tinakpan nalang namin ng menu ang mukha namin para hindi kami mahuli.

"They are dating ?"tanong ni Ally.

Umiling nalang ako.I don't know.

Pinakinggan nalang namin ang usapan nila.

"Step ano pag-uusapan natin ?"tanong ni Joshua.

Nanatili lang ang pakikinig namin hanggang sa sumagot na si Stephanie.

"I want to talk about our wedding"

"Wedding ?"bulong ni Ally.

Yes.Ang alam ko ipinagkasundo sila pero mukhang may feelings na sila sa isa't isa.

"So how do we start ?"tanong ni Joshua.

"About the exact date"

"Kurt paano si Brittany"medyo napalakas ang sabi ni Ally kaya napalingon samin sina Joshua.

"Don't hide your face.Tanggalin nyo yang nakaharang sa mukha nyo"

Dahan dahan naming tinanggal ang menu at nakangiting humarap sa kanila.

"Sabi na nga ba eh.Ally and Kurt"sambit ni Joshua "Bakit nyo kami sinusundan ?"tanong ni Joshua.

"Akala namin nag-dadate kayo"

"Mukhang kayo ang nag-dadate"sambit ni Stephanie.

WHAT ?



When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)Where stories live. Discover now