Chapter 8:Cavill's Side

2.2K 122 5
                                    

Cavill's Point of view

Naiinis na rin ako sa sarili ko.Naiinis ako !Naiinis ako dahil pinakawalan ko pa sya.

"Bakit ganyan itsura mo ?"tanong ni Alexandra.Isa pa sya sa nakakainis e.

"Wala to"tinalikuran ko sya.

"Ikaw lang ba yung nasasaktan huh ?"malungkot na sabi ni Alexandra.

Ngayon na naman sya magdadrama ?Sawang sawa na ako .Sawang sawa sa kadramahan nya.

Kailangan ko pang magsakripisyo para lang sa mas makakabuti kahit alam kong masasaktan ako.

"Kung gusto mo puntahan mo yung kapatid ko para manlang sumaya ka"nagsimula na akong maglakad at iniwan ko sya.

Kung wala lang syang sakit edi sana masaya pa kaming dalawa ngayon.

Sobrang nagsisisi ako sa lahat ng desisyon na ginawa ko.

Pero alam kong ito yung mas makakabuti.Mas makakabuti sa kanilang dalawa.At hindi para sakin.

Sana sa susunod hindi pa huli ang lahat .Para kami pa rin hanggang huli.

Ang dahilan ng lahat ay ang...

Flashback

Habang hinahanap ko yung notebook ni Kurt sa kwarto nya biglang may nahulog na papel mula sa table nya.

Hindi ko alam kung anong pwersa ang nagtulak sakin para buksan ang sobre na may lamang papel.

Napapikit ako sa nabasa ko kasabay ng tulo ng luha ko.

Bakit hindi nya sakin sinabi ?

Bakit hindi nya samin sinabi na may sakit sya ?

"C-cavill ?What are you doing here ?"nilingon ko sya.Oo nilingon ko si Kurt at pinunasan ko ang luha sa mata ko.

Sh*t lang .Ayokong umiyak pero hindi ko mapigilan .

"Bakit hindi mo sinabi samin ?"

Nakatulala na sya ngayon.Hindi nya siguro akalain na malalaman ko to.

"B-bakit mo hawak yan ?"kinuha nya sakin yung papel na hawak ko.

"Kuya kurt naman !Bakit hindi mo sinabi sakin ?"

Sh*t lang.Gustong gusto ko na syang suntukin ng sobrang lakas dahil sa paglilihim nya.

"Ayokong mag-alala kayong lahat ng dahil sakin"

Sa sinabi nya gusto ko na talaga syang suntukin pero hindi ko magawa.

"Hindi mo ba alam na mas mag-aalala kami sayong ugok ka.Sh*t"pagalit kong sabi.

"Cavill sana wag mong sabihin aa kanila"

"What ?Ano gusto mong gawin ko ,ako yung may kasalanan ng lahat ?Ayoko !Kailangan nilang malaman to"sigaw ko at palabas na ng kwarto.

"Please cavill .Magiging masaya ako hanggang sa huli .Hindi ko hahayang maging malungkot ako at malaman nila ang totoo .Tutuparin ko ang lahat ng pangako ko.Pati na rin yung pangako ko kay Ally"napataas ang kanang kilay ko ng marinig ko ang pangalan ng girlfriend ko.

Pangako ?Pangako kay Ally ?

"Baliw ka na ba ?Bakit nadamay dito yung girlfriend ko ?May girlfriend ka bro kaya yung pangako mo sa kanya yang tuparin mo hindi yung sa girlfriend ko!"sigaw ko.

"Ayokong maging malungkot sya dahil minahal ko rin sya.Yung pangako ko sa kanya na papakasalan ko sya dati noong bata pa lang kami .Kahit hindi ko na matupad yon .Basta maipadama ko sa kanya na lagi ko syang babantayan kahit wala na ako"kinuwelyuhan ko sya.

"Ano bang sinasabi mo ?Hindi ka mamamatay !"sigaw ko.

"Sana nga e .Sana hindi ako mamatay .Pero sa tingin ko yun yung nakatadhana"binitawan ko sya at tinapik sa balikat.

"Payag na ako .Makikipag-break ako sa kanya next month"nagulat pa sya sa sinabi ko.

"Anong makikipag-break ?Wag na wag mong gagawin yan dahil masasaktan sya"halatang gulat na gulat pa rin sya.

Kahit masakit sakin basta matupad lang nya ang pangako nya kay Ally.

"Kailangan kong gawin to .Dahil mahal ko sya at kapatid kita.Kahit alam kong masasaktan ako basta maging masaya ka hanggang sa huli ng buhay mo"

"Hanggang huli ng buhay ko ?Bakit malapit na ba akong mamamatay ?"binatukan nya ako.

Akala ko ba may sakit ang ugok na to ?

Kaya binatukan ko rin sya.

Masakit pero alam kong ito lang ang kaya kong gawin.

END OF FLASHBACK

Napaupo ako sa may bench ng village namin.

"Monster ?"nag-faflashback sa utak ko yung boses nya.Yung boses nya na tinatawag akong Monster .

Ang tanga ko !Ang tanga ko para pakawalan sya.

Pero wala na rin naman akong magagawa dahil ako na mismo ang nagdesisyon.

"Oh cavill what are you doing here"napalingon ako.

"Ate Patt ?"tinabihan nya ako sa bench.

"Oh bakit ka na naman nag-eemote dito ?Huh ?"tanong ni Ate Patt at tinapik ang balikat ko.

"May naalala lang .Tsaka nag-offer nga pala sakin yung ABC Advertising company para maging model "

"Weh ? "May tanong sa mata ni ate patt kaya tumango ako.

"Totoo .I don't know kung tatanggapin ko ba"

"Tanggapin mo na ,minsan lang naman yan eh"tinulak tulak ako ni Ate Patt.

Ate ko talaga oh !Parang si Ally lang dati :(

Kapag naaalala ko yung pangalan nya bumibilis yung tibok nang puso ko.

Kapag naiisip ko sya bumabalik lahat ng ala-ala namin.

Kapag nakikita ko sya mas lalo ko syang namimiss na mayakap at makasama.

"Oy tulala ka na naman !"binatukan ako ni Ate Patt ng malakas.

"Masakit ba Ate ang masaktan ---Aaray !Awww"binatukan na naman ako ni ate patt.

"Malamang !Common sense naman cavill oh "umiling iling oa si ate patt.

"Ate i have to tell you something"

I think this is the right time to make her know kung ano ang dahilan ng lahat.

Puro pag-papanggap nalang ang nagyari sa buhay ko.

Ayokong malaman nya ang totoo .

×- - - - - × - - - - - ×

Author's Note:

Salamat .Salamat sa mga nag-abang (Kung meron man !) May the good Lord bless you .Hahaha.

Hindi daw pwedeng malaman ni Ally ang lahat.Hanggang kailan nga ba aabot ang pag-papanggap at ano na ang mangyayari sa mga susunod na araw nila.

Dedicated sa lahat ng naglibrary at naglagay ng Miss Loner meets the Campus King /When nobody turns into somebody sa reading list nila.At pati na rin sa mga dahilan ng pagbaha ng notification ko dito sa wattys at sa mga walang sawang nag vovote at comments .Keep it up guys .And silent readers thank you din.

When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)Where stories live. Discover now