Chapter 43:Destiny

897 40 0
                                    

Kurt.

He's back and now they're planning for their future at ako naiwanan na ng sistema.Sila magpapamilya na at ako wala pa ring girlfriend.Baka mamaya maging bakla nalang ako.

Pero kung sino man yung babaeng nakatadhana sakin tatanggapin ko sya pero sana sya na talaga.

"Kurt Lemuel Gonzales ?"napalingon ako sa nagsalita.May isang babae na mas mabata sakin siguro ng dalawang taon.

"Sino ka ?"

"Di mo na pala ako maalala.Oo nga pala di moko kilala.Im Cath naalala mo ?Ako yung babaeng sumigaw dati ng I love you Kurt.Haha"natatawa nyang sabi.

"Wait ikaw ba yun ?You looked better now"

"So pangit ako dati pa lang ?"inis nyang sabi.

Naaalala ko na sya.Sya yung babaeng sumigaw ng I love you at nagsabi sakin na ex-girlfriend ko sya pero ang totoo ay hindi.

"Di ko naman sinabi na panget ka diba ?"

"Oo nga pala i just want to say sorry sa nagawa ko dati.Nakakatawa talaga na parang tanga ako dati na sumisigaw dahil fan girl mo ko.Pero dati yun ah hindi na ngayon"sambit nya at umupo sa tabi ko

"Kunwari ka pa baliw na baliw ka pa rin naman sakin.Haha"

"Wag kang feeling"

"Bakit ka nga pala nandito ?"tanong ko.

Nasa park kami at nakaupo sa isa sa mga bench.Paano naman kaya nya nalaman na nandito ako ?

"Ah yun ba ?Lagi kitang nakikita dito pero hindi ko naman alam na ikaw si Kurt.Lagi din akong nandito kasi dito ang favorite place namin ng ex-husband ko"

"EX-HUSBAND ?"

"Oo nagka-asawa na ako.Kaso one year pa lang ang nakakaraan ng mamatay sya dahil sa cancer.Hindi kami umabot ng isang taon"

"Im sorry di ko naman gustong ipaalala pa sayo ang nakaraan"sambit ko at hinaplos ang likod nya dahil mukha maiiyak na sya.

"Okay lang.Ikaw ba nasaan ang girlfriend mo ?"

"Wala akong girlfriend"sagot ko.

"Weh ?Imposible.Sino yung Allysa at sino naman yung Alexandra ?"

"Si Ally kaibigan ko lang sya at girlfriend sya ng kapatid ko.Si Alexandra naman wala na sya"sagot ko.

"Wala na si Alexandra ?Bakit sya namatay ?"

"She sacrifice her own life for me.She donated her kidney and im the reason kung bakit nawala sya"mahina kong sabi at alam kong narinig ni Cath ang lahat.

"Wag mong sisihin ang sarili mo.Alam kong ginawa ni Alexandra yun dahil mahal ka nya at may dahilan sya.Siguro ayaw ka nyang mawala kaya nagsakripisyo sya para sayo.Ang swerte mo dahil si Alexandra ang nagmahal sayo dahil kaya nyang ibuwis ang buhay nya.Ako hindi ko naibuwis ang buhay ko para sa asawa ko"

Oo tama ka Cath pero masakit pa rin sakin na may nawala ng dahil sakin.Lagi nalang sigurong ganito ang mangyayari.

"Alam kong mahal mo sya at alam kong mahal ka rin nya dahil ayaw nyang ikaw ang mawala"

"Pero nasaktan ako"

"Gusto mo bang makitang magsisi at magalit sya sa sarili nya dahil nawala ka ng dahil sa kanya ?"tanong ko.

"Alam mo ba ?Pareho tayo.Pareho tayong nawalan"

"Anong pareho ?Di ko naman girlfriend si Alexandra ah"sambit ko.

Bakit ba lahat nalang ng tao iniisip na girlfriend ko si Alexandra ?

"Gusto kong maging magkaibigan tayo at kapag umangal ka patay ka sakin.So friends ?"inabot nya ang kamay nya sakin kaya inabot ko na rin ang kamay ko sa kanya.

"Friends"

Tama nga sila forgiving someone is the gift in the world.Minsan kailangan mong magpatawad dahil iyon ang nararapat.And now alam kong pinatawad mo na ako Alexandra.Utang ko ang buhay ko sayo.

Kung may masayang part ng buhay ko ay iyon ang nakilala ko ang mga kaibigan at mga kakilala ko ngayon.Minsan sasabihin mo na hindi pwedeng magbago ang isang tao pero hangga't hindi mo napapatunayan wala kang karapatang manghusga.

Minsan mahuhulog ka sa taong hindi ka magugustuhan.Yung kahit gawin mo ang lahat wala pa rin dahil hindi ikaw ang laman ng puso nya.Kahit sabihin mo pang sinamahan mo sya sa lahat ng oras pero kung wala naman syang nararamdaman para sayo wala pa ring kwenta lahat ng efforts mo.Minsan kailangan mo nalang maghintay dahil kung para sayo ang isang bagay kusa na itong mapupunta sayo.Pero kung hindi para sa iyo ang isang bagay kahit pilitin mo pang kunin ay hindi mapapasayo.

Minsan ang heartbreak ang pinakamasakit ngunit pinakamagandang mangyayari sa buhay mo pero the heartbreak will make you better in the mear future.

Ang mga bagay na sinusukuan ay nawawala nang tuluyan.Minsan kung kailan gusto mo ng sumuko tsaka lamang magkakaroon ng pag-asa.

Dahil alam kong si Cavill ang mahal ni Ally hindi ko na ipinilit ang sarili ko.Ally deserve better than me.Siguro kami noong umpisa pero hindi talaga kami ang sa huli.Hindi totoo na kung sino ang una mong nakasalamuha sa umpisa ay sya na rin ang makakasama mo sa huli.

Si Alexandra hindi ko inakalang magsasakripisyo sya para lang sakin.Ang mga tulad ni Alexa ay hindi kapani-paniwalang magsasakripisyo pero ginawa nya.Sya yung tipo ng taong walang awa pero yung totoo mabait naman talaga sya ,sadyang kinain na sya ng galit.

And now si Cath nalaman ko ang isa sa masakit na napagdaanan nya.Isang beses ko lang syang nakasalamuha sa buong buhay ko at ngayon isa na sya sa mga kaibigan ko.

We're not born to give up ,we're born to fight with our destiny ...

***


When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon