Chapter 22:Sampal

1.5K 100 10
                                    


Ally.

Sobrang sama ng tingin ko sa lalaking nasa harapan ko.Bakit nya ginawa yun ?

Sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko alam ang gagawin ko.

Gusto ko pa ng isa ? No!No way !

Naramdaman ni Kurt na hindi na ako kumikilos kaya agad nyang hinawakan ang kamay ko.

Napalingon kami kay Cavill at Alexandra pero mas nagulat ako sa reaksyon ni Cavill.Sobrang sama ng tingin nya kay Kurt na parang pinapatay na nya.

Hindi ko sya maintindihan !

Hinila na ako ni Kurt palabas .

Drag King lang !Drag king lang !

"Ano ba kurt ?"puna ko.Medyo matagal na nya akong hinihila at hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin.

Hinayaan ko nalang sya kung saan nya ako balak dalhin.Hindi ko mabasa ang iniisip nya.Ngayon ko lang naramdaman at napagtanto na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Sobrang kinakabahan ako ngunit hindi ko alam kung bakit ?

Huminto kami sa rooftop .Napakalakas ng hangin dito at para akong lumilipad.

"Bakit mo ako dinala dito ?"tanong ko kay kurt na ngayon ay nakayuko lamang.

Walang boses na lumalabas sa bibig nya.Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya.Para syang maiiyak na hindi ko maunawaan.

"Ano ba Kurt ?Wala ka bang balak na sagutin ang tanong ko huh ?"nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko subalit nakayuko lamang sya.

"Im sorry"

"Sorry for what ?Kurt !Lagi ka nalang humihingi ng tawad ?May nagawa ka bang kasalanan ?"madiing sabi ko.

"Im sorry Ally !Hindi ko alam kung mapapatawad mo ba ako ?"nakayukong sabi ni Kurt.

Napapikit nalang ako.Hindi ko sya maintindihan !Parang may mali sa ginagawa nya.Hindi ko alam !Hindi ko maintindihan !

"Kurt ,may problema ba ?Sabihin mo sakin !Ayoko ng ganito.Nalilito ako Kurt"ngayon ay parang kakaiba na ang nararamdaman ko parang sasabog na ako.

"Siguro ito na yung tamang panahon para malaman mo yung totoo"

"Anong totoo ?"

"About sa inyo ni Cavill"lalong bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay sasabog na ito.

May kakaiba akong naramdaman na hindi ko maintindihan.Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa upang alamin ang sinasabi nya.

"Ano ang tungkol samin ?"malakas na sabi ko.

"Im sorry Ally.Ayokong saktan ka !Ipinangako ko kay Cavill na hindi ko sasabihin sayo to !"hinawakan ko ang baba ni Kurt upang inaangat ang ulo nya ay doon ko lang napansin ang nag-uunahang luha sa mata nya.Sobrang tahimik nyang umiiyak.

"Sabihin mo sakin !Kurt sabihin mo"

"I am the reason why he broke up with you"biglang tumulo ang luha sa mata ko.Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Kurt !Paano ?Sabihin mo ,hindi kita maintindihan"

"Ako ang dahilan kung bakit ka nya hiniwalayan.Hindi si Alexandra ang dahilan kundi ,ako"muli akong napapikit at una unahang luha na ang bumagsak sa mga mata ko.

Hindi ko kaya !Parang ayoko ng marinig ang mga susunod nyang sasabihin.

"Kurt !"

"Dahil sa sakit ko kaya ka nya hiniwalayan"napahawak ako ng mahigpit sa braso ko at maraming luha na ang tumulo sa mata ko.

When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)Where stories live. Discover now