Chapter 32:Papa Kurt

1.3K 67 7
                                    


Ally.

"Jelai !"sigaw ko ng makita ko kung ano ang nasa table ko.

"Bakit Ms. Ally ?"taranta nyang tanong.Pawis na pawis sya at mukhang tumakbo pa sya mula mars hanggang earth.

"Ano tong nasa table ko ?Sino naglagay nito ?"inis kong tanong.

"Mukhang alam ko na po kung sino naglagay nyan dyan"natatawa nyang tanong.

"Sino ?"

"Si Sir. Kurt"natatawa nyang sagot.Napataas naman ang kilay ko.Paano nangyari na si Kurt ang naglagay nito ?

"Paano nangyari yun ?"nagtataka kong tanong.

"Nagpunta po sya kanina dito kaya mukhang sya talaga ang naglagay nyan dyan"

"Ilayo mo sakin yan"inis kong sabi.

"Naku si Ms. Ally kinikilig"nang-aasar na sabi ni Jelai .

Paano ba naman kasi ako kikiligin eh nilagyan ni Kurt ng piggy stuff toy ang table ko.Kapag may nakakita pa nyang stuff toy na yan aasarin ako.

"Sigurado ka Ms. Ally na ilalayo ko sayo to ?"tanong ni Jelai.

"Oo"matigas kong sagot.

"Akin na lang Ms. Ally kung ilalayo mo lang.Crush ko pa naman si Sir. Kurt !Ang pogi kaya nya tapos yung smile nya parang dadalhin ka sa heaven.Whoaa "agad na kinuha ni Jelai ang stuff toy at niyakap pero inagaw ko agad sa kanya.

"Akin na to.Itatago ko nalang ,sakin naman nya ibinigay eh!"

"Ms. Ally don't tell me na gusto mo na rin si Sir. Kurt"nang-aasar na sabi ni Jelai.Napairap nalang ako.

"For your information Jelai.May boyfriend ako ,i mean Fiance. Tapos magkakagusto ako sa kapatid nya ?Parang mali naman yata"inis kong sabi.

"Naku .Pero paano kung wala kang boyfriend. Magugustuhan mo rin kaya si Papa Kurt ?"tanong nya.

"Anong klaseng tanong ba yan ?"tanong ko sa kanya pabalik.

"Answer me nalang Ms. Ally !Posible kayang magkagusto ka sa kanya ?"

"Depende.Depende kung gusto ko sya"sagot ko.

"Ang ganda ng sagot mo Ms. Ally !I appreciate"sarcastic na sagot ni Jelai.

"Wag mo na nga akong tanungin about love.O baka naman gusto mong tanggalan kita ng trabaho"nakangiti kong sabi.

"Ano ba Ms. Ally ?Joke lang yun nuh !"

Natawa nalang ako sa isip ko.Posible kayang magustuhan ko si Kurt ? Matagal ko na rin syang kilala at dumating sa punto na pinasaya nya ako.Pero mahal ko si Cavill higit sa lahat.

"Jelai may ipapabili nga pala ako sayo"sambit ko nang maalala ko na may kailangan akong ipabili sa kanya.

"Ano yun Ms. Ally ?"tanong nya.

"Bumili ka ng snacks .Nagugutom na ako eh !"natawa naman sya sa sinabi ko.Ano nakakatawa dun huh ?

"Buntis ka po ba ?"natatawa nyang tanong .Inirapan ko nalang sya sa sinabi nya.

"Hindi.My virgin body!"

"Sige na Ms. Ally !Bye bye !"she waved at me.

Umupo nalang ako sa swivel chair at kinuha ang ballpen ko.Kailan kaya magigising si Cavill ?Isang buwan ko na syang hindi nakakausap.

Napapikit nalang ako ng maalala ko ang mga pangyayari last one month.

"What are you thinking huh ?"napalingon naman ako sa nagsalita at bumungad sakin si Kurt na nakaupo sa couch ng office ko.

"What are you doing here Mr. Kurt Lemuel Gonzales ?"tanong ko.

"Binabantayan ko lang naman yung Fiance ng kapatid ko.Baka mamaya ipinagpalit mo na sya sa iba"mahinahong sabi ni Kurt.

Sus !Kailangan araw-araw ?Kailangan talaga nuh !

"Okay !Bye !"sambit ko.

"Saan ka pupunta ?"

"Dadalawin ko si Cavill sa hospital"sagot ko.

"Waaggg!"pagpipigil nya.

"At bakit aber ?"

"Basta wag ! Masasaktan ka lang"napairap nalang ako.

"Bakit ?May nangyari bang masama ?"

"Yes may nangyaring masama.Diba hindi pa sya nagigising ?Isipin mo yun ! Kapag araw-araw mo syang binabalikan araw-araw ka rin na masasaktan"pagpapaliwanag nya.

Siguro nga may point sya pero hindi ko kayang tiisin ang boyfriend ko.Mahal na mahal ko kaya yun.

"Mahal ko sya"explain ko.

"Lagi mo nalang bang ipapamukha sakin na Mahal mo sya ?Pashnea !"bulong nya.

"May sinasabi ka ?"

"Hindi ba halata ?Aish"lumabas na sya ng office ko at pabagsak na isinara ang pinto.

Ano problema nun ?Nag-aadik ba sya ?Baliw na rin siguro sya ! Forever single eh.Haha.

Napaupo nalang ako sa couch. May nagawa ba akong masama kay kurt ?Para nalang syang laging badtrip .Broken hearted siguro.

Yumuko nalang ako sa table ko at nag-isip ng magagandang ala-ala.Parang nafreeze ako sa pagkakayuko ko ng may nagsermon sakin.

"Hoy Ms. Ally ?Bakit mo naman hinayaang umalis si Papa Kurt ng malungkot ?Kung nakita mo lang yung mukha nya maaawa ka !Kita mo namang may sakit yun tapos hahayaan mong maging malungkot sya !Dapat pinapasaya mo sya dahil kapatid sya ng Fiance kuno mo.Kung ako sayo papasayahin ko sya at hindi papaiyakin.Nakakainis ka Ms. A !Si Papa Kurt na yun huh ?Minsan ka na nga lang makakakilala ng pogi ,mabait at seryosong lalaki babalewalain mo lang.Tapos ang idadahilan mo naman ay yung boyfriend mong Isang buwan ng natutulog.Ms. A maawa ka naman kay Papa Kurt.Hindi mo ba alam na mah--"

"JELAI !"sigaw ko.

When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon