Chapter 31:Spell Pogi

1.2K 67 0
                                    

Ally.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko.Puro puti lang ang nasa paligid ko.

Nakita ko na agad si Kuya Allen na nilapitan ako.

"Ally okay ka lang ?"i nodded

"Kuya nasaan si Cavill ?"tanong ko.Napapikit nalang si Kuya Allen bago nya sinagot ang tanong ko.

"Nasa kabilang kwarto sya"sinubukan kong tumayo ngunit sobrang sakit ng buo kong katawan.

"Wag mo munang pagurin ang sarili mo"

"Pero kailangan ko syang makita.Ano ba nangyari sa kanya ?Okay lang ba sya ?"tanong ko.Matagal bago sagutin si Kuya ang sagot ko "Kuya ano nangyari sa kanya ?"tanong kong muli.

"Wag mo syang puntahan.Paniguradong masasaktan ka lang"

"Kuya ?Ano ba talaga ang nangyari sa kanya ?"inis kong tanong dahil paligoy-ligoy pa sya.

"Matindi ang tama ng ulo nya.Comatose sya at posibleng hindi na sya magising"unti-unti ng tumulo ang nag-uunahan kong luha.

"K-kuya sabihin m-mo sakin na nagbibiro k-ka lang"napahawak na ako sa mukha ko dahil hindi na mapigilan ang emosyon ko.Lalong bumigat ang nararamdaman ko.

"Im not"lalo akong napaiyak sa sagot ni Kuya.

Kung kailan mahal na mahal ko sya tsaka magkakaganito ang lahat.Tadhana napakalupit mo talaga.

×--×

One month later.

Papasok pa lang ako sa hospital ng makasalubong ko si Kurt.Mukhang dito rin sya nanggaling.

"Ally"

"Kakagaling mo lang dun ?"tanong ko.Nginitian naman nya ako bago sya tumango .

"Hinihintay ka na nya.Ingat"tinapik nya ang balikat ko bago sya umalis.

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ni Cavill napangiti agad ako.Nilapitan ko agad sya at ibinaba ang mga gamit ko.

"I miss you ,baby.Bumalik ka na ,mahal na mahal kita eh"natawa nalang ako ng kausapin ko sya kahit alam kong hindi sya sasagot.

Siguro kung nakikita nya ako magagalit sya sakin dahil malungkot ako.Pinipilit kong maging masaya para sa kanya.

"Ikaw kasi eh.Ayaw mo pang bumangon dyan.Gusto na kitang makasama at mayakap .Sana naman gumising ka na.Gusto ko nang marinig yung boses mo"pinunasan ko ang luhang bumagsak mula sa mata ko.

Isang buwan ko na syang hindi nakakausap dahil natutulog pa rin sya.Pagkagaling ko sa trabaho dinadalaw ko sya at binabantayan dahil mahal na mahal ko sya.

"Gumising ka na ,baby.Gigising ka pa naman diba ?Hindi mo naman ako iiwan diba ?Magkakasama pa tayo.Ikakasal pa tayo diba ?Nangako ka !"para akong tanga na umiiyak at kinakausap ang taong alam kong hindi sasagot.

Napayuko nalang ako sa tabi nya.Iniisip ko yung mga memories naming dalawa.Simula sa una kaming nagkita hanggang sa sinagot ko sya at naghiwalay kami.Parang isang drama story ang buhay ko.Sinaktan na nya ako at ngayon uulitin nya na naman.Iiwan na naman nya ako.

Dati fake girlfriend nya ako at inaalila .Lagi nya akong iniinis at binubully.Lagi nya akong ipinagtatanggol kapag may umaapi sakin.Pagkatapos nya akong ipagtanggol sya naman ang mangbubully sakin.Maraming nangyari ,kinuha nya ang first kiss ko at iniligtas nya ako.Nalaman kong adopted sya at nagtapat sya ng feelings sakin.Niligawan nya ako at pinatunayan nya ang sarili nya sakin.Minahal nya ako hanggang sa kaya nya.Pero iniwan nya ako at niloko.Akala ko niloko nya ako pero nagkamali ako.Binalikan nya ako at nagsimula mula kami.Tapos ngayon sinasaktan nya akong muli.

When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon