Naubos ni Minghao yung pagkain nang sinusubuan siya ni Mingyu. Wala siyang magawa dahil ayaw magpapigil ni Mingyu at wala rin siyang lakas para kumain mag-isa. Joke lang daw yung sinabi niyang kaya niya kanina kasi hinang-hina siya ngayon.

Pinainom na ni Mingyu si Minghao ng gamot at pinahiga ulit sa kama. Chineck na rin nito ang temperature ng binata, 38.4°C. Medyo mataas pa kaya kukuha siya ng basang towel para punasan si Minghao.

Tiningnan muna ni Mingyu yung cellphone niya para tingnan kung anong oras na. 12:23 PM. Nagulat siya hindi dahil sa oras, nagulat siya sa dami ng missed calls at text message na galing kay Wonwoo. Shit, may usapan nga pala kami.

8 missed calls from Wonwoo hyung.
new messages from Wonwoo hyung.

11:03 AM
mingyu? nandito na ako san na kayo?

11:07 AM
wuii. san na kayo?

11:13 AM
tuloy pa ba? uuwi na ako.

11:32 AM
mukhang hindi na kayo dadating. uuwi na lang ako.

11:49 PM
tangina mo, kim mingyu.

Agad niyang tinawagan si Wonwoo para makapag-explain dito. Hori shiet, ngayon lang ako minura ni hyung. Mukhang galit na galit siya. sabi nito habang pinapakinggan yung pagring ng cellphone. Almost 10 rings yung nakalipas nang sagutin ni Wonwoo yung tawag at nagulat siya nang marinig niya yung boses ni Wonwoo.

Calling... Wonwoo hyung

00:01

"Hello?"

"Omg hyung sorry talaga!! Sorry ku--"

"Hindi mo na kailangan magsorry."

"Huh? Hindi ka galit hyung? Pero mi--"

"Hindi."

"Talaga?! Buti naman hyung akala ko ka--"

"Kasi galit na galit ako. Tangina mo. Pinaghintay mo ako dun ng isang oras tapos walang Mingyu at Minghao na dumating. Kung wala ka ng sasabihin ibababa ko na 'to"

"Teka hyu--"

Call ended
Call duration: 01:43

Hala galit na talaga siya sa akin. Pero may sakit pa si Minghao. Wahh anong gagawin ko? Sabi ulit ni Mingyu sa isip niya. Pumunta na siya sa kwarto para punasan si Minghao at pinalitan ng damit bago patulugin. Pagkatapos non ay nagstay si Mingyu sa living room para magpahinga at magpalipas ng oras. Hindi niya muna kinausap si Minghao at hinayaan itong magpahinga.

6 o'clock na ng ginising niya si Minghao para uminom ng gamot at kumain. Medyo bumaba na rin yung lagnat niya pero sa tingin ni Mingyu ay kailangan pa rin niyang magpahinga.

"Hindi ka pa ba uuwi, Gyu? Gabi na baka hinahanap ka na sa inyo. Kaya ko na yung sarili ko." Sabi ni Minghao at ininom yung gamot niya. "Hindi ako uuwi, sasamahan kita dito. Dito ako matutulog." sabi ni Mingyu at inalalayan si Minghao na ayusin yung pwesto niya.

"Seryoso ka? Dito ka matutulog? San ka naman hihiga?" Tanong nito. "Eh di sa tabi mo." Sabi ni Mingyu at umupo sa tabi ni Minghao. "May sakit ako, Gyu baka mahawa ka." sabi ni Minghao sabay pout."

"Hindi ako mahahawa, promise. At tsaka nag-aalala ako sayo eh. Hindi ka pa masyading magaling. Kaya matulog na tayo para makapagpahinga ka na." sabi ni Mingyu at tumayo palayo sa kama. "Oh saan ka pupunta? Akala ko ba matutulog na tayo?" nagtatakang tanong ni Minghao.

"Maliligo ako. Ang baho ko na. May damit ka ba dito na kasya sa akin?" Tanong nito at lumapit sa closet para maghanap ng damit. "Oo meron akong nabiling damit na sobrang laki sa akin. Nandyan yun yung color blue and white na stripes." Sabi ni Minghao. "Nakita ko na. Wag kang masyadong maggagalaw diyan. Baka mabinat ka." Sabi nito at pumasok na sa cr.

Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na si Mingyu na maligo. Nagulat si Minghao nang makita niya si Mingyu. Jusko, bagay sa kanya yung damit ko, he thought. The fact that Mingyu is wearing his clothes makes him blush. Hindi niya alam kung kinikilig siya o ano basta nakita niya lang si Mingyu nagkaganyan na siya.

"Oh bat namumula ka? Sabi ko sayo magpahinga ka na eh." tanong ni Mingyu habang inaayos yung buhok niyang basa pa. "Ah wala lang 'to. May sakit ako siguro kaya ganito ako. Hinintay pa kita bago ako matulog at tsaka kanina pa ako tulog nang tulog." sabi nito at tumingin kay Mingyu.

"Ganon talaga kasi kailangan mong magpahinga. Matulog na tayo kasi inaantok na ako maaga akong nagising kanina. Papatayin ko ba yung ilaw o hindi?"sabi ni Mingyu.

"Sige patayin mo. Buksan mo na lang yung lampshade." Sabi ni Minghao at ginawa naman ni Mingyu yung sinabi nito.

Nahiga na si Mingyu sa tabi ni Minghao. Tinalikuran naman ni Minghao si Mingyu dahil kinikilig siya. Bukod sa sa unit niya matutulog si Mingyu ay katabi niya pa itong matulog ngayon. "Mingyu?" sabi nito. "Hhmm?" sagot ni Mingyu.

"Thank nga pala ngayong araw. Thank you sa pag-asikaso mo sa akin. At sorry kasi pinag-alala kita." sabi nito at humarap kay Mingyu.

"Wala yun. At wag mo na akong pag-aalalahin nang ganon ha. Muntik na akong mamatay sa nerbiyos kanina. Matulog ka na, i love you." Sabi nito at hinalikan ang noo ni Minghao, na nagpapula na naman sa pisngi nito.

"Yah mahahawa ka sa akin pero, i love you too. Good night." sabi nito at pinalo ang noo ni Mingyu.

Sa halip na sumagot, niyakap na lang siya ni Mingyu hanggang sa makatulog ito na lalong nagpapula sa pisngi ni Minghao.

--
//ang panget ulit huhu
//dapat kahapon pa to pero tinamad aq eh hihi

rants ✩ meanieWhere stories live. Discover now