Tagalog Poetry

1.9K 7 0
                                    

Balang araw malilimot din kita
At sa oras na yon ika'y titingala
Sa'king mataas na paglipad
Ako'y maligaya san man mapadpad
At sa oras na yon ika'y titingala
Hanggan sa matutunan mong pagsisihan ang iyong ginawa.

Sige! Magpakasaya ka, ayos lang.
Di ko ibig na maghiganti
O ipamukha sa'yo ang ginawa mo dati
Tanging gusto ko lang ay maging maligaya sa aking paglipad
San man ako mapadpad
At kapag ika'y nagsisi
Di ko masisugurong ibabalik ko ang dati
Noong ako ang nagmamahal sayo
At sumusuyo araw at gabi.

Kapag naulit muli ang nakaraan
Ngunit ibang tao naman
Sana'y bigyan mo ng importansya
Para di ka na magsisi pa.

Free VerseΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα