Chapter 42 - Date ( Part 1 )

Start from the beginning
                                    

Naningkit naman ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Tinignan ko pa syang maigi at saka kinapa ang noo. Medyo umiwas pa nga sya nung dinikit ko palad ko sa noo nya. Eh? Wala naman syang lagnat. Tinignan ko ulit sya ng may pagtatakha sa mukha bago nagtanong "Umamin ka nga dong, drug addict ka ba?"

"What!? Tsss" bumitaw naman sya mula sa pagkakahawak saken at saka bumalik sa may dining table at isinubsob ulit ang mukha sa lamesa. Ako naman ay nakatayo pa din at hindi padin nakaka-alis sa pagkakasandal ko sa may lababo. Ang bilis kasi ng mga pangyayari, bigla-biglang nakaalis agad. "Me? A fvcking drug addict? Tsss" bulong ni Zeke, habang nakasubsob pa din sa lamesa.

"Dong naman kasi, mag-aalas tres pa lang ng madaling araw tapos nag-aaya ka mag-date, kahit naman yata sinong matinong tao hindi maiisipang makipag-date ng ganitong or---"

*death glare* "Tsss. You really know how to spoil the moment, Mrs. Roswell" sabi nya

*pout* "Eh kasi naman Zeke ang aga pa naman talaga---"

"I don't care" putol ni Zeke sa sinasabi ko.

OMYGOD! Adik nga!

"He-he" tumalikod na ulit ako at saka bumalik sa ginagawa ko, baka gutom na din kasi yung tatlo eh may training pa kami mamaya. Waaaaa tamaaa!

Mabilis akong humarap ulit kay Zeke at saka nagtanong "Dong mamaya ba, magte-training---"

"No. We'll going to have a date the whole day"

Waaaaa "Pero paano yung training? Akala ko ba---"

"End of conversation, wife"

Hayyyyy!!! Ano bang nakain nito ni Zeke at parang bata? Nakakainis, magpapractice pa ako bumaril eh. Babarilin ko pa nga sila Vash diba? Hindi pa din tapos yung match naming ni Sebastian tapos uunahin pa yung date?! Hayyyy!!

-----

Sinubo ko ng buo yung isang ham at saka sumubo ng tinapay, at saka sumubo naman ng hotdog at ng at bacon hanggang sa mapuno ang bibig ko. Nakakainis naman kasi si Zeke. Puro date nasa isip. Sayang naman yung gising ko ng maaga kung date lang ang aatupagin namin buong araw. Huhuhuhuhu.

"Don't massacre the food, wife. They can wait, so don't eat them all at once" Natatawang sabi ni Zeke habang disenteng-disente na kumakain. Ibinaling ko ang tingin ko kanila Vash, Sebastian at Jacob na nagpipigil din ng tawa.

Anong nakakatawa? Eh ayoko kasi mag-date. Huhuhuhuhu.

Hindi na lang ako nagsalita at itinuloy ang pagkain.



Jacob's PoV

Nung makatapos kami maligo at mag-ayos ng mga sarili ay nauna na kaming tatlo nila Boul at Lerwick sa parking lot nitong mansion nila Mr. Roswell.

"Inaantok na ko" reklamo ni Boul sabay hikab. Habang nag-aantay sa tapat ng kotse nya.

Nung lingunin ko naman si Seb ay napailing na lang ako, dahil may kausap na naman sa cellphone. Paniguradong isa na naman sa mga babae nya. "Syempre naman namiss kita sweetie... So kailan ba ako pupunta dyan sa inyo?"

My Husband is a Mafia BossWhere stories live. Discover now