Chapter 42 - Date ( Part 1 )

Start from the beginning
                                    

"Oo nga bossing. Sensya na si Boul kasi eh. Ano nga ba yung sasabihin mo kay Bossing?"

Gustong-gusto kong upakan ang dalawa at ibaon sa ilalim ng lupa "ANONG AKO?! KAYO---"

"What is it Boulstridge?" mahinahong tanong ni Boss. Potek! Ako pa tuloy ang natanong. Ibinalik ko ang tingin kay Boss na masamang nakatingin sa akin kaya napalunok ako. "Ahh—may itatanong lang sana ko boss pero ahhh---saka na lang siguro." Mabilis na sagot ko at saka kumaripas ng takbo pababa ng salas.

"Pfffttt Dude----" hindi pa tapos si Lerwick sa pagsasalita ay nahambalos ko na agad ang likod.

Tumawa lang sila ng tumawa ni Lee. Tsss.



Aemie'sPoV

"Dong oh, kape" alok ko kay Zeke at saka ipinatong ang mug ng kape sa ibabaw ng table sa harap nya.

"Thanks, wife" nakangiting sabi ni Zeke saka ibinalik ang tingin sa mug ng coffee."Aish!" napakurap-kurap pa ako sa pagtataka kung bakit nabubugnot si Zeke, ginulo nya pa ang buhok nya at saka padabog na itinungo ang ulo sa mesa. "May problema ba dong?" nag-aalalang tanong ko. Para kasing medyo weird si Zeke ngayon. Ano kayang nangyayari?

Tumunghay sya mula sa pagkakatungo na naka-simangot ang muka ang tila bugnot na bugnot. "I feel sleepy"

"Kanina pa yan, kanina mo pa yan sinasabi. Bakit di ka muna matulog kung inaantok ka? Hayy nako Zeke ika---"

"I can't. It's April 9"

April 9? Anong meron sa April 9? "Waaaa oo nga dong! Malapit na ang Launching ng Toy Industry, dapat ayusin na natin yon bago ang----"

"Aish!" ginulo ulit ni Zeke ang buhok nya at saka isinubsob ulit ang mukha sa lamesa.

Tumalikod na lang ako at nag-umpisa nang magluto. Hmm April 9? Ano bang meron sa Apri—"Waaa Zeke birthday mo ba ngayon?" tanong ko sa kanya sabay harap sa nakatungong si Zeke sa ibabaw ng lamesa. Tumunghay naman sya ulit bago antok na antok pa din na nagsalita "No" pagkabanggit nya non ay ibinagsak na ulit nya ang ulo nya sa lamesa.

Tumalikod na ulit ako at itinuloy ang ginagawa ko.

Pagkatapos kong magprito ng hotdog, bacon, ham at itlog ay sunod kong inihanda ang juice. Mukha naman kasing hindi mahilig sa gatas sila Vash, Jacob at Sebastian kaya juice nalang ang kanila hehe. Hmmm ano kayang flavor ang----

Naramdaman ko nalang ang mga kamay ni Zeke na yumakap sa akin mula sa likod.

Eh? "Bakit Ze---"

"It's exactly 2 months since the first day we met, wife" bulong ni Zeke saka isinubsob ang muka sa may balikat ko.

Eh?

"Ano naman dong?" anong meron kung 2nd month na? Pero waaa? Totoo ba? Nakaka-dalawang buwan na ba mula ng makilala ko si Zeke?

Tinignan ko ang kamay ko at nagsimulang magbilang sa daliri, nung biglang umalis si Zeke sa pagkaka-yakap sakin at iniharap ako sa kanya. Kaya ngayon ay nakasandal na ako sa may lababo.

"Let's have a date, wife" Excited na excited na sabi ni Zeke habang wagas na wagas kung makangiti. Nakakakapit pa ang dalawa nyang kamay sa bewan ko kaya hindi din ako makaalis.

My Husband is a Mafia BossWhere stories live. Discover now