Chapter 42 - Date ( Part 1 )

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ikaw na. Dali!"

"Takte. Ikaw may idea nito! Ikaw na! Mahal ko pa buhay ko gago."

Napatingin ako sa dalawang ugok na pabulong na nagtuturuan. Napatingin rin ako sa pinto na nasa harap namin. Damn. Pinto ng kwarto ni Boss.

"Ano bang kag*guhan yang ginagawa nyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Tumingin sila sakin at biglang nagsmirk parehas. Tangina. Masama kutob ko sa ngiti ng mga to.

"Waaaa dong! Nasasaktan na ako. Huhuhuhu" Nagkatinginan at nanlaki ang mata naming tatlo sa narinig namin at saka kami sabay-sabay na lumapit pa sa may pinto para pakinggan ang nangyayari.

"Sorry, wife" halos hindi ko na madinig yung sinabi ni Boss na yan sa sobrang ingay.

"Tumahimik?" pabulong na tanong ni Lee.

"Sshh. Mag-antay na lang tayo. Boul i-handa mo recorder mo." bulong ni Seb.

Para kaming mga sira-ulo ditong nakatapat ang mga tenga sa pinto.

Bihira lang naming makita si Boss na ganito ang ugali kaya dapat lagi kaming may record.

Dinudukot ko sa bulsa ko ang phone habang nakatapat pa din ang kaliwang tenga ko sa pinto. Sh*t nasaan na ba kasi ang cellphone.

Tahimik naman si Boss at Mam Aemie. Siguro tulog na sila.

"Hahahaha Dong--Hahahahaha akala ko ba--Hahahaha matutulog ka--Hahahaha tama na--"

Huh? Bakit natawa si Ma'm Aemie? Tumingin ako sa dalawang ungas na busyng-busy din at seryosong nakikinig sa pinto.

"Pfft. I don't understand you, wife" natatawa si Boss.

"Anong ginagawa nila?" halos wala ng tunog yung pagkakatanong ko dahil ayokong madinig ni Boss.

"Hahaha. Nakikiliti-hahahaha ako. Hahaha"

"Tang*na Boul, scandal. Yung recorder dali." Pagmamadali ni Seb. G*gong to. "Ikaw kaya magrecord. Wala dito phone ko" sagot ko.

"Bakit--"

"Hello?! Hehehehe"

Sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa pinto na kanina ay pinapakinggan namin, nakabukas na ito at nakatayo na harap namin ni Boss at masamang-masama ang tingin habang si Ma'm Aemie naman ay nakatayo lang salikodnyaat nakangiti sa amin.

Mabilis pa sa alas-kwatrong umayos ako ng tayo mula sa pagkaka-yuko ko kanina. Amp! "Yow Ma'am Aemie" bati ko na parang walang nangyari. Sinulyapan ko si boss na halos patayin kaming tatlo sa sama ng tingin. Pag-iwas ko ng tingin ay nakita ko na ang dalawang ugok na dahan-dahan nang naglalakad paalis. Aba't!

"WHAT THE HECK ARE YOU THREE DOING HERE?!" galit na sigaw ni Boss. Muntik na akong matawa nung halos mapalundag ang dalawang ugok sa pagkagulat at saka dahan-dahan na humarap sa gawi namin.

"Bossing. He-he nandyan ka pala." Palusot ni Lerwick. "Yow Ma'am Aemie" dugtong pa nya. Tsss. Bihasang-bihasa talaga sa pagpapalusot.

"Dude, sabi naman sayo masamang idea ang pumunta dito kay Boss sa ganitong oras ng gabi." Umpisa naman ni Lee sabay tap sa balikat ko. "Pasensya na Boss. Si Boul kasi eh, gusto kayong kausapin, sabi nga naming ni Lerwick antayin na lang kayong magising kaso nagpumilit eh. Sinamahan lang namin. Diba tol?" Halos magpanting ang tenga ko sa narinig ko. Ako pa? Ako pa ang nag-aya?

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon