👑Chapter 55: {Pagbabalik buhay}

Start from the beginning
                                    

"Oo nga ang tigas ng ulo ng anak ko," sabi ni Edo ng tumatawa rin. "Ah eh, ano yung condo?" sabi ni Edo na tumigil na sa pagtawa.

"Tawag po sa tinitirhan sa mundo namin," sagot naman ni Luke.

"Ahh."

"Oh, kailan na ang kasal?" Biglang tanong ni Lena na nagpabigla sa dalawa.

"Po?!" sabay nilang sabi.

Nagkatinginan pa sila bago rin nila iyon iniwas.

"Asus, kayong dalawa ha? Tutulungan ko kayong mag-ayos para sa kasal niyo. Kailan ba?"

"Ina mo na mismo ang nagsabi niyan Ellaine," pang-aasar naman ni Pearly.

"Ina, ano pong sinasabi niyo? Nakakahiya naman po sa kanya. At saka wala pa naman kami," nahihiyang sabi ni Ellaine.

"Hindi, okay lang po ma'am" sabi ni Luke at pinalupot ang kamay niya sa bewang ni Ellaine.

Napalingon na lang si Ellaine na nagtataka kay Luke.

"Hindi 'pa' po kami. Pero malapit na po," sabi niya at naglean sa balikat ni Ellaine.

Dahilan ng pag-abnormal ang pagtibok ng kanyang puso. Para siyang nafreeze sa kanyang kinalalagyan dahil sa inaakto ni Luke.

Sobrang dikit na dikit na ang kanilang katawan at balat.

"Huwag kang mag-alala, sinasagot ka na ni Ellaine. 'Di ba anak?" tanong naman ni Lena.

"Ah-eh... Ah, ano... Mm... Ehh-"

"Oo ang sagot niya," biglang pagputol ni Lena sa pagbubulol ng kanyang anak.

"Alam ko naman pong mahal ako ng anak niyo ma'am eh."

"Huwag nang ma'am, ang pormal naman nun. Tawagin mo na lang din akong ina," sagot naman ni Lena.

"Ehem, Luke pwede ba tayong mag-usap?" Biglang tanong ni Edo. "In private."

Lumangoy naman si Edo sa loob ng palasyo. To be specific, his favorite place, the library.

At sumunod naman kaagad si Luke kay Edo. At naiwan si Pearly at ang mag-ina sa labas pa rin ng palasyo.

Kinakabahan pa siya kasi baka nagalit siya sa usapan nila kanina. At hindi pa naman siya umiimik kanina.

"Luke, iho. Mahal mo ba talaga ang anak ko?" pag-uumpisa ni Edo.

"Opo, mahal na mahal ko po ang anak niyo. Kaya ko pong isugal ang buhay ko para sa kanya," sagot kaagad ni Luke pagkatanong yun ni Edo.

Nang lumapit si Edo kay Luke at hinawakan siya sa braso.

"Iho, sana huwag mong sasaktan ang anak ko ha? Ibinibigay ko na sa inyo ang basbas ko kung mahal niyo talaga ang isa't-isa."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Luke dahil sa narinig.

Akala niya kasi magagalit siya o 'di kaya ipaglalayo sila sa isat-isa.

"Maraming salamat po," sabi ni Luke at nishake hand ang kamay ni Edo.

"Oh sige na. Naghihintay na ang bride mo dun."

"Salamat po talaga sir."

"Ama na lang din itawag mo sa'kin. At ipapahanda ko na ang kasal niyo at magaganap yun next week."

"Salamat po talaga."

"Oh sige na puntahan mo na ang mahal mo."

Dali-dali naman pinuntahan ni Luke si Ellaine at niyakap ng mahigpit.

Walang alam si Ellaine sa pinag-usapan nila ng kanyang ama pero yumakap na lang din siya pabalik.

Nakangiti namang nanonood si Lena sa kanilang dalawa.

"Teka, ano bang pinag-usapan niyo ni ama at bigla ka na lang yumakap?"

"I love you."

Imbes na sagutin ang tanong ni Ellaine ay sinabi niya lang ang tatlong salitang 'yan na dahilan para magabnormal nanaman ang pagtibok ng kanyang puso.

"A-ano bang sinasabi mo? Sagutin mo nga muna ako! Ano bang pinagusapan niyo?"

"I... Love... You..." sabi ulit ni Edo na para bang hinihintay ang reply ni Ellaine.

"Ano ba Luke, sagutin mo na nga ako!"

"I... Love... You..." Pag-uulit ni Luke na parang gusto niyang replyan ni Ellaine ang sinabi niya.

"I love-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi hinalikan na niya ang kanyang labi bago pa niya tuluyang masabi ang sasabihin niya.

Nabigla pa si Ellaine sa ginawa ni Luke pero kinalaunan ay sumasabay na rin siya sa halik ni Luke.

At maya-maya pa nga ay humiwalay na sila mula sa kanilang halik. Hinampas konti ni Ellaine ang braso ni Luke.

"Hindi mo pa ako sinagot kung anong pinag-usapan niyo ni ama."

"Pinag-usapan lang naman namin ang tungkol sa kasal natin na next week na gaganapin."

"Ha, talaga?" Nabigla niyang sabi at yumakap na kay Luke. "I love you Luke," pabulong niyang sabi habang nakayakap pa rin kay Luke.

"I love you more Ellaine," pabulong din na sabi ni Luke na sapat na para marinig lang nilang dalawa.

Napakagat labi na lang si Ellaine dahil sa kilig at the same time, saya na rin na kanyang nararamdaman.

Bacause she didn't expected this to happen. Na yung batang nakilala niya many years ago na nagbabasa pa ng about sa mermaid ay mapapangasawa na niya ngayon.

The Mermaid Princess (Complete)Where stories live. Discover now