Kabanata XXVI

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinuli nito ang mga kamay niya at muling pinapak ang kanyang 'mini' dibdib na ayon dito ay perfect naman daw.


"Kaden, importante yata... b-buksan mo muna..." Napaangat siya nang marahan nitong kagatin ang kanyang kaliwang nipple. "Oh! Ah... b-buksan m-mo muna..."


"Shit." Umahon ito.


Hinaplos niya ang matigas na braso ni Kaden. "S-sige na..." Tiningnan siya nito, tila hirap na hirap.


Napangiti sa Perisha ng kunot ang noong tumayo si Kaden.


Mabilis niyang hinanap ang nahubad niyang bra at T-shirt, isinuot niya kaagad iyon.


Binuksan ni Kaden ang pinto.


"What?"


"What?! Really, Sec?" Si Cross ang nasa labas, hindi ito tumingin kay Perisha. "Kanina pa kita pinapababa."


Kanina pa? Nagtaka si Perisha.


"You're ignoring Helios' presence!" mariing sabi nito.


Si Helios? Nandito si Helios? Umuwi na ang daddy ng Vox triplets?!


Nilingon siya ni Kaden. "I'll be back, wait for me." Sumama na ito kay Cross paalis.


...


"HELIOS."


Nakatalikod ang isang matangkad na lalaki, nakapamulsa ito sa suot na denim jeans. Itim na polo shirt ang suot nito. Tumingin ito sa suot na gintong rolex bago siya lingunin. "What took you so long, Sec?"


Nag-iwas ng paningin si Kaden. Kanina pa siya pilit kinakausap sa isip ng kanilang ama, pero isinarado niya ang koneksyon dito. Maging kay Cross at Lourd.


"Sec?" Tiningnan siya nito nang matiim.


"I was..."


"Busy?" He supplied. Ngumisi si Helios. "You are so busy that I couldn't reach you. Ngayon ka lang naging ganito."


"Bakit ka umuwi?" pag-iiba niya.


Ang alam niya ay inaayos nito ang mga nabiling negosyo sa Europe. Nasa punto rin ito ng pagawa ng mga dummy company para pagtakpan kung bakit bilyon-bilyon ang pera nila sa ibat-ibang mga bangko sa buong mundo.


Ito naman ang nag-iwas ng paningin. "Euria is back."


Narinig niya ang paglagutukan ng mga daliri sa kamay ni Cross. Nakatayo ito sa tapat ng pinto. Si Lourd naman ay tahimik lang habang nakatungo.


Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon