045

829 42 26
                                    

Kath

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapa irap sa ere.

WTH sumama si Yna samin ni Daniel. Actually pagka lapit na pagka lapit samin ni Yna gusto ko ng umuwi.

" diba! Sabi ko naman kasi sayo Daniel masarap to eh "- tuwang tuwa na sabi ni Yna kaya napa irap ako ulit.

Oo sige, mag landian kayo sa harap ko mga punyeta kayo.

I can see naman na ayaw na rin ni Daniel ang ginagawa ni Yna. Kanina pa nya hinihindian si Yna kaso sadyang mapilit at makulit sya kaya walang nagagawa si Daniel kundi sumunod nalang.

Kesa si Yna ang mag mukhang third wheel, nag mumukhang ako. Kanina pa sya kapit ng kapit sa braso ni Daniel at puro si Daniel lang ang kinakausap nya. Wow te, wala ako? Poste ba ako bes? Invisible? 

Dahil hindi ko na matiis ang kabwisitan ni Yna tumayo na ako kaya napa lingon sakin si Daniel pati si Yna.

" akin na yung bag ko. Uuwi na ako "- malamig na ani ko at padabog na kinuha ang bag ko kay Daniel.

" hala unnie! Uuwi ka na? Hindi pa nga tayo masyado nakakapaggala eh! "- reklamo ni Yna.

" nako, kaya nyo naman siguro gumala ng wala ako. Baka kasi masira ko pa date nyo "- sarcastic na ani ko at binawi ulit ang bag kay Daniel pero hindi nya ito binitawan.

" uuwi na rin ako Yna. Ihahatid ko pa yung prinsesa ko "- sabi ni Daniel at tumayo na.

" may utang pa syang kiss sakin, sisingilin ko muna "- dagdag nya at nginitian pa si Yna at hinawakan ang wrist ko.

Biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Yna dahil sa sinabi ni Daniel. 

Alam kong ang childish pero ang sarap nyang asarin at mag make face. 

" una na kami "- paalam ni Daniel at umalis na kami.

Tahimik lang kaming dalawang nag lalakad nang maramdaman ang pag baba ng kamay nya at pinag intertwine ang mga daliri namin.

" sorry "- mahinang bulong nya pero sapat na para marinig ko.

" gusto ko na talaga umalis kanina pa, kasi alam kong naiinis ka na kasi ako din naiinis na. Kaso hindi ko kasi alam kung paano tayo makakalis dun nang hindi na-ooffend si Yna "- paliwanag nya at bahagyang hinigpitan ang pag hawak sa kamay ko.

" sorry "- sabi nya ulit pero this time naka tingin na sya ng deretso sa mga mata ko.

" okay lang ano ka ba "- sabi ko at nginitian sya.

" saan mo gustong pumunta? "- tanong nya sakin at lumingon sa likod.

" wala naman na si Yna, so tuloy na natin yung date? "- tanong nya sakin.

" sige, since may utang ako sayong date "- natatawang sagot ko at inisway ang kamay naming magka-hawak.

" saan ba tayo? "- tanong ko at luminga-linga.

" ice cream gusto mo? "- tanong nya, nag isip muna ako saglit bago tumango.

" sa favorite place? "- tanong nya na nakapagpa-lawak ng ngiti ko.

" sige ba "- naka ngiting sagot ko at nag lakad na ulit kami.

Maka lipas ang ilang minuto ay naka rating na kami sa favorite ice cream parlor namin at agad na umupo sa usual spot. Buti nalang bakante iyon.

" oorder na ako "- sabi ni Daniel at inilapag na ang bag ko bago tumayo.

Inilabas ko ang phone ko para naman may magawa ako habang iniintay ko si Daniel.

Maya-maya lang ay bumalik na sya dala-dala ang paborito naming ice cream.

" natatandaan mo parin "- natatawang sabi ko nang maka-upo sya sa harap ko at abutan ako ng kutsara.

" syempre, bat ko naman kakalimutan "- natatawang sabi nya.

I missed his smiles. I missed this. I missed him.

Ngumiti ako at nag simula na kaming kumain.

Nang matapos namin kainin ang ice cream ay agad kaming lumabas dahil pagabi na at kailangan ko ng umuwi kasi pinauuwi na ako ni Krystal.

As usual, magka hawak kami ng kamay habang nag lalakad.

At maya-maya lang ay nasa bahay na kami.

" thank you Daniel "- naka ngiting pasasalamat ko at kinuha na ang bag ko sa kanya.

" wala yun prinsesa ko "- naka ngiting sabi nya.

" pasok ka na "- naka ngiting sabi nya and jerked his chin.

" ingat ka sa pag uwi "- naka ngiting sabi ko at tumalikod na at binuksan ang gate.

" oo nga pala. May sasabihin ako sayo "- sabi ko at hinarap sya.

" ano yun? "- takang tanong nya.

Humakbang ako papalapit sa kanya at luminga-linga.

" secret lang kasi to. Lapit ka "- mahinang sabi ko.

Kumunot naman ang noo nya pero nag lean sya forward.

Inilapit ko ang bibig sa tenga nya at mabilis na hinalikan ang pisngi nya.

Mukha naman syang nagulat sa ginawa ko.

" ay, maling secret "- sabi ko at nag panggap na kunyare ay nagkamali ako.

" ito talaga yung secret "- sabi ko at mabilis syang hinalikan sa labi.

" i love you "- bulong ko at nginitian sya.

" ingat sa pag uwi "- ngiting ngiti na sabi ko at nag mamadaling tumakbo papasok sa bahay.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. This time sigurado na ako. Bibigyan ko na sya ng second chance. Bibigyan ko na ng pangalawang pagkakataon ang relasyon naming dalawa.

ex girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon