044

742 31 9
                                    

Kath

Matiwasay akong nakikinig sa prof namin nang mapansin na may sitsit ng sitsit.

Napa irap naman ako dahil sa ingay at hindi na pinansin.

Patuloy parin yung pag sitsit ng kung sinong ponsyopilato na yun.

Maya-maya lang ay bahagyang sinipa ng kaklase ko sa likod ang upun ko kaya napa tingin ako sa kanya.

" kanina ka pa sinisitsitan ng jowa mo "- ismid nya at tinuro yung pinto sa likod at doon ko nakita si Daniel na naka dungaw.

Anong ginagawa nya dito!?!?!?!?

Humarap ako sa prof namin at nag taas ng kamay.

" yes ms. Im? "- tanong nya.

" ma'am lalabas lang po ako saglit "- paalam ko. Tumango naman sya kaya tumayo na ako at lumabas.

" ang good girl naman ng prinsesa ko! Nakikinig sa prof! Pakiss nga! "- bungad nya nung lumabas ko.

" kadiri! "- ani ko at bahagya syang tinulak palayo sakin nung nilapitan nya ako habang naka nguso.

Napa nguso naman sya dahil sa ginawa ko.

" ano bang ginagawa mo dito? "- tanong ko sa kanya.

" namiss kasi kita eh "- pa-baby na sagot nya. Napa rolyo naman ang mga mata ko dahil dun.

" seryoso Daniel, anong ginagawa mo dito? "- tanong ko at pinag krus ang mga kamay sa dibdib.

Napa kamot naman sya sa batok.

" kasi si Yna niyayaya akong mag mall "- panimula nya na ikinataas ng kilay ko.

" eh alam kong magagalit ka kapag sumama ako, ayaw ko namang mag away nanaman tayo kaya gumawa ko ng palusot na lalabas tayo kaya hindi ako pwede. Akala ko naman titigil na sya pero ang sabi nya sasama nalang daw sya satin "- pag kukwento nya.

" so? Anong gusto mong mangyare ngayon? "- tanong ko sa kanya.

" wala, dito lang muna ako. Baka puntahan nya ako sa bahay eh. Labas nalang tayo after class mo "- sabi nya sakin at nginitian ako

Hindi pa man ako nakakasagot ay nag bell na. Which means uwian na.

" may class ka pa? "- tanong nya.

Umiling ako at lumawak ang ngiti nya.

" yun! Tara labas tayo! Wag tayo sa mall kasi baka nandun si Yna. Arcade tayo? "- ani nya.

Well arcade sounds fun. Besides, namimiss ko na mag arcade with him

" sige, teka kukunin ko lang gamit ko "- naka ngiting ani ko at pumasok para kunin ang bag ko.

Inilagay ko sa bag ang mga gamit kong naka labas at lumabas ng room.

" ako na mag dadala nyan "- sabi nya at kinuha ang bag ko saakin.

" ako na "- protesta ko pero hindi nya binalik sakin.

" ako na okay? Tara "- sabi nya at hinawakan ang kamay ko at pinag intertwine ito.

Palihim akong napa ngiti sa ginawa nya at sabay kaming nag lakad paalis.

Hindi pa kami nakaka layo sa may gate nang may tumawag sa pangalan nya.

" Daniel! Ang daya mo! Bat iniwan mo ko! "- narinig kong sigaw ni Yna habang tumatakbo sya papalapit samin.

Wala na. Wala na ako sa mood. Nakakainis naman oh.

ex girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon