018

998 47 3
                                    

Kath's POV

Halos magpa-gulong gulong na ako sa kama dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak sa gitna! Ang sakit.

" ang sakiiiiiit "- inda ko habang naka sabunot sa buhok ko at nagpa-gulong gulong.

" hindi na ako iinom ulit- araaaaay "- naiiyak na inda ko nanaman at gumulong-gulong.

Ang alam kong ginawa ko kagabi ay ikinuwento ko sa kanila (Serene at Thia) yung tungkol kay Daniel. Nag lakas ako ng sama ng loob then uminom na ako ng uminom ng uminom.

Hindi ko matandaan kung naka-ilang baso ako ng alak kagabi.

After kong uminom ng uminom ano nga ba ang ginawa ko?

Ah oo! Chinat ko si Daniel-

Napa mulat ako at napa upo sa kama dahil sa naalala ko. Biglang nag flash sakin yung ginawa ko kagabi at yung iilan sa chat ko kay Daniel.

Napa kagat ako sa pang-ibabang labi ko at hinanap ang phone ko- which is nakita ko sa side table. Akmang bubuksan ko na nang makita na lowbat na ito.

Kailangan kong mabasa yung chat ko kay Daniel kagabi! Baka may nasabi akong hindi dapat!

" buti naman gising na ang prinsesa ko "- nabitawan ko ang phone na hawak ko at napa lingon ako sa may pinto.

Wth!? Am i just seeing things!?

" bat gulat na gulat ka? "- natatawang tanong ni Daniel at lumapit saakin.

Doon ko lang napansin na may dala syang tray ng pagkain.

" bakit nandito ka sa bahay!? Umalis ka na nga! "- bulyaw ko sa kanya at itinaas ang kumot hanggang sa baba ko.

" fyi prinsesa, bahay ko ito "- natatawang ani nya kaya inilibot ko ang tingin ko sa paligid at hindi ko nga ito kwarto.

" here. Kumain ka muna "- sabi nya at inilapag ang tray na dala nya sa harap ko.

" lalabas nalang ako kung hindi ka komportable "- dagdag nya at nginitian ako ng tipid bago tumayo.

Huminga ako ng malalim.

" Daniel "- tawag ko sa kanya. Huminto naman sya at hinarap ako.

" thank you sa pagkain at sa pag dala sakin dito "- nahihiyang pasasalamat ko.

" nah wala yun "- naka ngiting sabi nya.

" uhm... may nasabi ba akong kakaiba kagabi? "- nahihiyang tanong ko.

Hindi ko kasi masyado maalala. Hindi ko alam kung sinabi ko ba talaga yun sa kanya kagabi o imahinasyon ko lang.

" wala naman "- simpleng sagot nya. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa sagot nya.

" labas na ako prinsesa ko "- paalam nya at tuluyan ng lumabas.

Bumuntong hininga ako at tinignan ang pagkain na dinala nya sakin at sinimulan na itong kainin.

ex girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon