041

829 35 7
                                    

Kath

Walang gana kong inabot ang phone ko na kanina pa nag aalarm. Nang mapatay ko na ito ay pumikit ako ulit.

5 minutes pa.

Matutulog na sana ako ulit nang marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya agad akong nag talukbong ng kumot.

May narinig akong yabag papalapit sakin at hindi iyon pinansin. Maya-maya lang ay umalis rin ito at sinarado ang pintuan ng kwarto ko.

Napa kunot ang noo ko dahil dun at tinanggal ang kumot at umupo sa kama.

Akala ko pa naman gigisingin nila ako.

Akmang hihiga na sana ako ulit nang mapansin ang dalawang box ng j.co sa lamesa ko.

Awtomatiko naman akong napa tayo at lumapit dito.

Halos mag laway ako nang buksan ko ang isa.

Halos mag laway ako nang buksan ko ang isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napa ngiti naman ako. May napansin akong note sa gilid.

Sana donuts ang cravings mo for today :)

-d

Para bang nawala ang ngiti sa labi ko nang dahil sa note.

So, akala nya okay na kami porket binigyan nya ako ng donuts? Utot nya!

Inismiran ko ang note at sinarado ang box ng donut. Tumalikod na ako at kumuha ng twalya pati ng damit kasi papasok na ako.

Agad akong dumaretso sa banyo at naligo na.

Maka lipas ang ilang minuto ay tapos na akong maligo at kasalukuyang pinatutuyo ang buhok. Nang matapos na ako ay kinuha ko na ang bag ko at isinukbit ito sa balikat.

" che! Di mo ko madadala sa donuts "- inis kong sabi sa box ng donuts nang makita ko ito.

Kinagat ko ang pang ibabang labi at hindi napigilan ang sarili na buksan ang box at kumuha ng isa.

Isa lang! Huhuhu

Binuksan ko na ang pintuan ko at bumaba na.

" Krystal, anong- "- hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maabutan si Daniel sa kusina na naka-apron at nag lalagay ng mga pagkain sa lamesa.

" good morning prinsesa ko! "- naka ngiting ani nya.

" what are you doing here? "- malamig na tanong ko sa kanya.

" well, maaga kasing umalis si Krystal at sila tita. Nag mamadali silang umalis at hindi ka naiwan ng pagkain. Kaya i cooked for you! "- masiglang sagot nya.

" tara kain na tayong breakfast "- ani nya at tinanggal ang suot na apron.

" sa school na ako kakain "- sagot ko at tumalikod na.

Hindi pa ako nakaka tatlong hakbang nang hawakan nya ang kamay ko at pigilan ako.

" ooooops! Pinag babawal ni tita ang pag skip ng breakfast! Sige ka, isusumbong kita "- ani nya.

" sumbong mo. Samahan pa kita eh "- sagot ko sa kanya at tinanggal ang kamay nyang naka hawak sakin.

Hindi pa ako nakaka hakbang nang hawakan nanaman nya ang kamay ko.

" Kath, alam kong nag seselos ka dahil sa nakita mo kahapon pero sinisigurado ko na wala lang yun. Oo magkasama kami ni Yna, pero tinatakasan lang nya yung lalaking humahabol sa kanya. Wala naman akong nagawa kundi samahan nalang sya. I will never do the same mistake twice. Hindi na kita sasaktan ulit. Kaya please maniwala ka "- litanya nya.

I heaved a sigh before facing him.

" FYI hindi ako nag seselos. Kapal mo ah. Sige na, naniniwala na ako sayo. Nakakainis ka "- ani ko at lumapit na sa lamesa.

" masarap ba to? Baka mamaya may gayuma to! "- ani ko habang sumasandok ng kanin. Tumabi naman sya sakin.

" grabe Kath! Masarap yan! Atsaka bakit ko pa lalagyan ng gayuma yan kung alam ko namang mahal na mahal mo ko? "- ani nya at nag taas baba pa sya ng kilay.

Inirapan ko sya at nag simula ng kumain.

Hindi naman talaga ako nag seselos eh. Natatakot lang ako. Natatakot na baka maulit yung dati at masaktan nanaman ako.

ex girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon