014

1K 54 2
                                    

Kath's POV

Naiinis ako! Naiinis ako ng sobra sobra dahil sa Daniel Jeon na yan!

Okay na ako eh! Tahimik na yung buhay ko! Bakit kasi bumalik-balik pa sya!?

Dapat talaga di ko na sya inunblock eh! Dapat talaga!

" aaaaaaaargh! Nakakayamot! "- asik ko at sinabunutan ang sarili habang nagpapagulong gulong sa kama.

Napa hinto ako sa ginagawa ko nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ito ng masama.

Block ko kaya ulit si Daniel? Report ko narin kaya?

Naman kasi eh! Okay na yung tao eh, hindi na masakit eh. Tapos bumalik-balik pa sya!

Agad akong napa bangon sa pagkakahiga nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok ang pinsan kong si Krystal.

" ate Kath, may tao sa baba. Hinahanap ka "- sabi nya sakin. Napa kunot naman ang noo ko.

Wala naman akong inaasahan na dadalaw sakin ngayon ah?

" huh? Sino? Si Jerick? "- kunot noong tanong ko sa kanya at tumayo na ng kama.

Hindi na ako nag abala pang mag-ayos kasi myghad, kahit naman hindi na, maganda na ako.

Nag kibit balikat lang si Krystal at bumaba na, kaya sumunod ako sa kanya pababa.

Agad akong napa hinto nang makita kung sino ang sinasabing bisita ko umano.

" hi Kath. Namiss kita "- naka ngiting bungad nya sakin.

Wait- panaginip lang to diba!? Hindi to totoo right? Myghad, binabangungot ako mga bes!

Kumurap ako ng ilang beses habang pinoproseso na naka yakap sakin ang ex kong itago nalang natin sa pangalang Daniel Jeon na mukhang kadarating-rating lang galing states.

Anuna bes!? Pano na ang tahimik kong buhay nito!?

ex girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon