“Ewan ko sa iyo.” Sagot niya, mukhang naasar.
“Nasa langit nga! Tignan mo, may kausap akong anghel.” Sabi ko at ngumiti ulit.
“Ehem ehem.” May ubo ba itong mga kasama ko? Bigyan nga ng gamot.
“Sige, kain muna kayo. Balik lang ako sa kanila.” Sabi niya. Paalis na sana nang nagtanong si Jason.
“Ano ulit name mo?” Tanong niya. Interview ba?
“Allisha. Allisha Rivera po.” Sagot niya naman.
“Uy, parehas pala kayo ni Micko ng last name.” Sabi ni Gie. Ay hindi, Allisha Rosario daw.
“Ah, oo nga. Sige, alis na mun…” Sabi ni Allisha.
“Allisha, mamaya kita tayo ah.” Sabi ko at kumaway. Tumungo siya at bumalik na kila Patrick.
Allisha’s POV
Nandito siya! I mean, nandito sila. Nandito ang Face Off! Fangirl po, sorry.
“Uy! Uy!” Hindi ako mapakali. Bakit ba nagkakaganito ako? Dati, kalma naman ako eh.
“Ano?” Sagot ni Christine.
“Nandito sila!” Sabi ko. Kala mo first time sila makita.
“Sinong sila?” Sabi niya. Bakit ngayon ka pa naging slow?
“Face Off!” Sagot ko na may kasamang hampas.
“Tapos?” Ay, yun lang reaksiyon mo?
“Wala, wala. Nasaan na sina mama?” Tanong ko.
“Kinuha yung gamit niyo sa kotse. Nagdala pala kayo ng tent. Camping ba?” Sabi niya. May dalang tent?
“Hindi ko nga alam na may tent.” Sagot ko. Kailangan ba alam ko lahat? Hahaha.
“Oi! Allisha! Inubos mo load ko?!” Biglang lumakas ang boses ni Kuya Patrick. Hala, hindi ka ba nakaunli?!
“Hala, sorry Kuya Patrick! Babaya…” Lahat na ata ayaw ako patapusin magsalita.
“Sino ba yung tinext mo ha?” Tanong niya. Sino pa ba?
“Wala.” Sagot ko.
“Anong wala? Kanina may load pa ako, alangan namang nagtext mag-isa yung cellphone ko.” Sabi niya. Mukhang galit na galit na. Ayaw ko na dagdagan yung galit na yun kaya nagsorry na lang ako.
“Sorry na Kuya! Papaloadan na lang kita.” Kumalma na siya.
Pumunta na ako sa may store na nagbebenta ng souvenir. Sana naman nagloload sila dito. Gusto ko pa mabuhay!
“Nagloload po ba kayo dito?” Tanong ko sa tindera.
“Smart ba o globe?” Sagot niya. Dahil SMART ako, si Kuya Rupert ay parang GLOBE ko na, siya na ang mundo ko. Corny ko, hahaha.
“Smart po.” Sabi ko. Kaya naubos ang load ni Kuya Patrick, Globe kasi si Kuya Rupert.
“Sulat mo yung number dito at kung magkano.” Nilabas ko yung phone ko, hindi ko memorize number ni Kuya Patrick eh. Hindi memorize yung sa kapatid pero kay Kuya Rupert alam, talaga nga naman o.
Sinulat ko na yung number niya at pinaloadan ko na lang ng 50 pesos, bayad ko na rin yun kasi pinahiram niya cellphone niya.Wala na din pala akong load kaya nagpaload na din ako.
Pabalik na sana ako kila Christine kaso yung bracelet na blue naattract ang mata ko. Hindi siya pambabae, panlalaki ito.
“Ate, magkano yun?” Tinuro ko yung bracelet.
“60 pesos lang.” Sabi niya. Bibilhin ko ba?
“Sige, bilhin ko po.” Sagot ko at inabot na yung bayad.
Nilalagay ko na sa bracelet yung bag nang may nabangga ako.
“Nandito ka pala?” Sabi niya. Ikaw?
“Ah, oo. Family outing.” Sagot ko. Bakit ka na naman nandito? Hindi naman sa ayaw kitang makita, pero bakit?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE
May nagbabasa pa ba? Hahahaha. Thank you! Read, vote and comment ah! ^^ Anyways, wala naman na ako mahabang sasabihin, hahaha. :3 Magpapadedicate? Comment! :D Kamsahamnida!!Sino gusto ng followback? Comment na din o kaya PM! :D
This chapter is dedicated to:
Leeaannn
HazelChristineOrdoa
KimberlyBayugo
May-annEnoslay
BINABASA MO ANG
It Started With A Reply
Fanfiction“You can be with someone for 2 years and feel nothing. You can be with someone for 2 hours and feel everything. Time does not measure love.” There are events in our lives that happen all of a sudden in a short period of time. They change your perspe...
Chapter Nineteen
Magsimula sa umpisa