🌸CHAPTER 1🌸

20.9K 280 2
                                    

Chapter 1

CATTLEYA's POV

TAHIMIK LAMANG ako habang nakasakay ng taxi. Kinakabahan ako dahil finally, last interview ko na sa call center agency na aking in-apply-an. Grabe! Ang hirap kaya ng pinagdaanan ko para lang maka-abot dito.

Nang matanawan ko ang building na aking pupuntahan ay pumara na kaagad kay Mamang taxi driver.

Inayos ko ang suot kong skirt at blouse pagkababa ko ng sasakyan. "Leya, fight!" Pag-chi-cheer ko sa aking sarili bago landasin ang daan papasok.

"Good morning, sir," bati ko kay Manong Guard. Gumanti naman ito sa akin, "I am looking for Mr. Niccolo Sagrado. Is he around already?" Saglit na sinulyapan nito ang logbook na nasa desk niya.

"Yes, Ma'm." Nagpasalamat ako sa kaniya at pumasok na nang tuluyan sa loob ng building.

Habang nasa loob ako ng elevator, naramdaman ko ang phone ko na nagba-vibrate. Kinapa ko iyon sa aking bag at sinagot.

"Hello, Nice?"

"Leya, saan ka n'yan?"

"Im here at Muñoz. I have an appointment, well actually today is my final interview. Why?" Pag-english ko. Bawal kasi ang tagalog dito mula doon sa baba kay Manong Guard.

"Sayang naman! May chika pa naman ako sa'yo."

"You're crazy. Let's talk some other time. I need to hang up. Bye." I ended the call. Umiling na lang ako sa kaibigan kong iyon.

Tumunog ang elevator meaning nasa 7th floor na. Ako lang naman at isang lalaki ang nakasakay.

Lumabas ako at binalik sa loob ng bag ang phone ko. Hinahanap ko ang I.D ko na obviously, hindi ko pala naisuot. Buti na lang at hindi napansin ng gwardiya kanina.

Humakbang ako nang dahan-dahan nang may bumangga sa akin. At kamalas-malas, nabitawan ko ang bag ko. Letchugas! Nagkalat ang mga gamit ko.

Tissue, wallet, phone, make-up kit, eyeglass at kung ano-ano pa.

"I'm sorry, miss." Hindi ko na pinansin iyong nagsalitang lalaki. Busy ang utak ko sa pagmumura sa kaniya. Umupo na lang ako at pinagdadampot ang lahat ng gamit ko.

Nagulat ako nang biglang naupo rin yung guy na nakabunggo sa akin at nakidampot. "Thanks, but no thanks," turan ko sa kaniya. Dampot dito, dampot doon.

Napatigil ako nang sabay kaming humawak sa aking mini note book which is diary ko. Hala! "Don't touch it!" Bigla kong agaw sa kaniya. Napatingin ako sa kaniya at halata namang nagulat siya sa ginawa ko pero mayamaya nagumiti siya.

"What's funny?" I asked him.

"N-nothing. Again, I'm so sorry for what happened. It's my fault. I'm sorry." Naging seryoso na ito sa pagsasabi ng 'sorry'. Napatigil din ako nang matitigan ang lalaking nasa harapan ko. I found him cute with his blue lacoste poloshort, black pants and black leather shoes.

"Miss?" I heard him with his soft cough to call my attention.

"Y-yeah... ahm, it's okay." I said. Geez! Medyo nauutal pa ko.

"Alright. By the way, I'm Leo. Leo Figurroa." He stretched his right hand. Kahit nahihiya ay tinanggap ko naman iyon. "And you are?" tanong nito.

"Cattleya Evangelista. Leya for short." Pagpapakilala ko. Ngumiti lang siya sa akin.

Awkward.

"I see. Are you an applicant?" tanong niya ulit. Lumabas ang mga mapuputi at pantay-patay na kaniyang mga ngipin.

"A, yes. Actually I have a final interview with Mr. Niccolo Sagrado," I answered back.

"Really? That's great! I'm on my way to his office. Would you like to come with me?" Ang gwapo naman ng lalaki na ito. Tapos magiging escort ko. I'm so lucky today.

"Is it okay with you?" nahihiya kong tanong.

Narinig kong tumawa siya nang mahina bago sumagot. "Yes, ofcourse. Let's go?" Ay grabe! I can't believed na makakakilala ako ng ganitong kacute na lalaki ngayon..Ang amo ng kaniyang mukha. He really look's like a God from Olympus.

ILANG MINUTO pa kaming naglakad sa 7th floor para lang puntahan ang office ni Sir Niccolo. Buti na lang pala at nabunggo ako nitong si Leo. Kung hindi ay baka ginabi na ako kahahanap sa kaniya.

Tumigil kami sa isang pintuan na may nakalagay na 'Niccolo Sagrado' sa pintuan. Naka-engrave iyon sa kulay gold na bakal yata iyon. Kumatok si Leo ng tatlong beses bago itulak ang pinto papasok.

"Good morning, Nicco! I am with someone," ani Leo. Ngumiti lang siya habang may kausap sa telepono. Nilahad niya ang kamay niya paturo sa dalawang upuan na nasa harapan ng mesa. Naupo ako sa isang upuan habang si Leo naman ay dumeretso sa harapan ng desktop computer.

Ilang sandali pa itong nakikipag-usap sa kabilang linya. Importante yata talaga kasi ayon sa narinig ng chismosa kong tainga, nangongopo siya roon at magalang ang paraan nang pakikipag-usap niya roon.

"Alright. Yes, yes... bye." Maingat na inilapag ni Sir Niccolo ang awtobido. Napahawak pa siya sa kaniyang sintido na animo hinihilot.

"Problem?" Narinig kong tanong ni Leo.

"Yeah. A big problem. And I need your help, Dude." Parang wala lang ako rito. Usap lang kayo riyan.

"Spill it," ani Leo na nakatutok ang mga mata sa monitor ng computer.

"He fired Sofia," seryosong sabi nito sa kaibigan na ngayon ay huminto sa ginagawa.

"What, again?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Natawa pa akong pasimple dahil nanlaki pa ang mga mata.

"Yes and we need to find a new secretary for him."

"He's getting into my nerves. He keeps firing his new hired secretary then he wanted for a new one?" Pagmamaktol ni Leo. Parang bata.

"I told him already that it's not easy to find but we don't have a choice. He's still our boss." Mababakas na rin sa boses ni Sir Nicco ang pagsuko. Anong issue ba nila?

"How about you, Leya?"

Napatingala naman akong bigla kay Leo na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. Kahit si Sir Nicco ay nasa akin na rin ang atensyon.

"W-what?" Nag-aalangan kong tanong.

"We need your help." Seryoso ang mukha ni Sir Nicco. Tumayo pa ito at naupo sa katapat kong silya. Naguguluhan naman akong napatingin sa dalawang lalaking ubod ng gwapo.

"Be the secretary of the CEO of this company. Pretty please...." sabay pa nilang sabi sa akin.

"S-secretary of the C-CEO?"

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon