🌸CHAPTER 22🌸

9K 146 3
                                    

Chapter 22

Agatha's POV

Inayos ko muna ang suot kong fitted dress bago marahan na pinihit ang doorknob ng pinto dito sa office ni Steve. Naabutan ko siya nakapaharap sa may glass wall at mukhang may iniisip. May bitbit akong paper bag na may laman na pagkain.

"Ang lalim naman naman ng iniisip mo," wika ko kaya napalingo siya sa gawi ko, "Hindi pa ako kumakain, medyo naiilang ako kumain sa pantry. Nakakalungkot naman kung sa cubicle ko ako kakain mag-isa. Ahm, p'wede bang dito na lang ako kumain?" aya ko sa kaniya. Mahahalata sa mukha niya ang pagkagulat. Bahagya rin nakataas ang kaniyang kilay.

"S-sorry, sige. Salamat na lang. Sa labas--"

"It's fine. Maupo ka. Magpapadeliver lang ako ng pagkain ko."

Lihim akong napangiti. Susuko na dapat ako. "H'wag ka na magpa-deliver. Marami naman itong dalang food ko. We can share it." Lumapit ako sa mini sala niya at nilapag sa lamesita 'yung dala kong paper bag. Hindi na ako nagmabagal pa. Baka mamaya dumating pa si Cattleya. Mahirapan na naman akong gumalaw.

Cattleya's POV

"Bakit hindi mo kinakain 'yang pagkain mo? Sumubo ka tapos nguyain mo. Then, lunok." Napalingon ako kay Fiona na dinedemo kung paano 'raw' kumain. Nginitian ko lang siya saka sumubo ng kanin at pork paksiw.

Tatlong subo pa lang ang nagagawa ko nang sumagi na naman sa isipan ko si Sir Steve.

'Kumain na kaya siya?'

Napa-iling na lang ako.

'Galit nga pala siya. Pinalabas nga ako kanina ng office niya dahil hindi lang ako pumayag.'

I rolled my eyes. Naiinis talaga ako sa kaniya.

Pero hindi ako mapakali.

Mayamaya pa ay tumayo ako at pumunta sa harapan ng mga tindang ulam. Umorder ako ng pagkain para kay Sir Steve. Dalawa na ang inorder ko para sa akin yung isa. Sabay na lang kaming kakain sa loob ng opisina nito.

"Guys, una na ako." Paalam ko sa mga kaibigan ko. Oo, kaibigan ko na si Fiona pati ang ilan sa mga officemates namin. Sumang-ayon lang ang mga ito bago ako tumalikod.

Excited kong binagtas ang daan papunta office ni Sir Steve.

'For sure hindi na magagalit 'yon sa dala kong pagkain.'

All smile ako habang naglalakad. Ang mga nakasalubong kong katrabaho ay binabati ako.

Since may dala ako, hindi na ako kumatok sa pinto ni Sir Steve. Binuksan ko iyomon pero halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan nang makita kong sabay na kumakain sina Agatha at ang magaling kong boss.

Tumikhim ako kaya naagaw ko ang atensyon nila. Mukhang nagkukwentuhan din sila dahil nagtatawanan pa habang kumakain. Bigla ako nakaramdam ng pagkainis sa dalawang ito.

"O, Cattleya," tawag sa akin ni Agatha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ngingiti ba ako o susugod sa kanila.

Lumapit ako sa kanila, "Kumakain ka na pala," sabi ko kay Sir Steve na seryosong nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nung kalaunan dahil para akong nanlalamig sa lamig na nakikita ko sa mga mata niya, "Binilhan pa naman kita ng pagkain," dugtong ko bago ipinatong sa lamesita iyong binili ko kanina.

Ewan ko pero bakit parang nagbago iyong reaksyon niya. Tila medyo kumalma na hindi ko maintindihan.

"Sumabay ka na sa amin," ani Agatha. Umiling ako.

"Hindi na. Wala na akong gana. Sige lang, ituloy niyo lang 'yang pagkain niyo. Labas na ko." Hindi ko na hinintay pang magsalita sila. Lumabas na lang ako ng office at dumeretso sa banyo.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon