🌸CHAPTER 28🌸

10.3K 188 16
                                    

Chapter 28

Cattleya's POV

HINDI KO alam pero parang kinakabahan ako. Ano kayang problema? Naalala ko kanina nasa ospital din siya't nakikiusap sa doctor.

May problema ito panigurado dahil halatang galing ito sa iyak.

"Agatha, anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya. Nanatili itong nakatayo habang nakatitig sa aking mga mata. Naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Ang lalo ko pang pinagtaka, namumuo ang luha niya sa kaniyang mga mata.

"C-Cattleya... S-Steve," tawag niya sa amin. Napatingin ako kay Steve nang biglang umiyak si Agatha.

Napalapit ang binata rito saka inalalayan papalapit sa akin. "What's wrong?"

"I... I need your... your help." Tumingin ng deretso si Agatha sa aking mga mata. Wala pa ring humpay ng pag-agos ng mga luha niya sa kaniyang pisngi.

"Help? Bakit, ano bang nangyari?" Si Steve na ang nagtanong.

"M-may dengue ngayon si T-tyrone,"

"What!?" Tila bombang sumabog sa aking pandinig ang sinabi niyang iyon. Kaya naman pala ako nag-aalala rito ay dahil may nangyaring masama sa bata.

"You need cash?" Dudukot na sana bulsa niya sa Steve pero umiling si Agatha.

Nalilito at nagtataka akong napatingin sa kaniya. "Agatha, sabihin mo na kung ano ba talaga ang kailangan mo? Kumusta ang bata?" Nag-aalalang tanong ko.

Hindi ako mapakali. Parang may pumipiga sa puso ko nung nalaman kong may sakit ito.

"K-kailangan niyang... m-masalinan ng dugo," umiiyak pa rin siya, "Pero..."

"Pero ano?" Nauubusan na ako ng pasensya dahil ang dami niyang pasikot-sikot, "Ano ba talaga ang problema?"

"Kailangan niyang masalinan ng dugo. Ang problema, rare ang blood type niya at. . at walang available na ganoon sa bloodbank."

"Ang daming bloodbank sa Metro Manila, imposibleng wala no'n!" Si Steve. Nakasimangot na ito at gaya ko, mukhang naiinis na.

"Sa tingin niyo ba hindi ako naghanap? Naghanap at naglibot ako sa mga ospital kaso wala. May isang option na lang ako... a-at kayong dalawa lang ang makakatulong sa a-anak ko."

"Why us?"

Yumuko ito at tumahimik.

"Agatha, bakit kami? Magsalita ka!" sigaw ko sa kaniya. Lalo yata akong nagpa-panic dahil binibitin niya ang mga sinasabi niya.

"D-dahil... tanging ama o ina lang ng bata ang pwedeng maging ka-match nito, ayon sa mga doctor."

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"What do you mean?" Si Steve na nakalapit na pala sa akin at pilit na pinakalma ako.

Hindi na naman naka-imik si Agatha. Umiiyak siya habang nakatungo.

"MAGSALITA KA!" sigaw ko naman.

"A-anak ninyo si Tyrone. S-siya 'yung batang ipinanganak mo sa Orphanage... siya 'yung baby mo." Deretsong sabi niya sa kabila ng pag-iyak.

Unti-unti akong nanlambot sa aking nalaman. Nanginginig akong napatingin kay Steve na ngayon ay halatang umigting ang bagang. Masama ang tingin na ipinukol nito sa babaeng kaharap namin.

"I'm sorry, Cattleya. I-inilayo ko si Tyrone dahil... dahil ayaw kong madamay siya sa gulo ninyo ni Tita Cynthia."

Lumalit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko pero tinabig ko lang iyon. At sa isang iglap, umigkas ang isang kong kamay na dumapo ng malakas sa kaniyang pisngi.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon